Chapter 37

2.9K 63 0
                                    

Chapter 37: Set on fire
      
     
     
    
    
Naisipan ko na ring umuwi pagkaalis ni Dylan sa Art club room. Hapon na rin kasi at halos nagsisi-uwian na ang mga estudyante. Pumunta muna ako ng locker room para doon itago ang ibang gamit ko. Ayoko na kasi ng maraming dinadala sa tuwing papasok ako. Atleast ngayon, hindi na mabigat ang dalahin ko.
      
     
Sa paglabas ko ng locker room, hindi ko inaasahan na may hihila sakin sa parang liblib na eskinita. Inakala ko pa nung una, may masamang mangyayari sakin. Pero ng makita ko kung sino ang humila sakin ay agad na nagsalubong ang mga kilay ko.
     
     
"Blaise?!"
     
     
"Miss me?" ngumisi sya. Inirapan ko naman ang kumag.
      
    
"Asa ka pa." tinulak ko sya. Aalis na sana ako ng hatakin niya ako pasandal sa pader sabay ikinulong sa mga bisig nya.
      
     
"Bakit sakin umaalis ka? Pero pagdating kay Dylan, hindi." napakunot ang noo ko.
       
      
"Ano bang pake mo?" ngumiwi sya. Parang nainis siya sa sinabi ko.
     
    
"Yeah, you're right.. Ano bang pake ko? Sya nga naman gusto mo kaya nagpapayakap ka na lang sakanya. Pero sakin, kailangan ka pang pilitin." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ibig sabihin, nakita nya kami ni Dylan kanina? Oh my!
      
    
"What's the problem with me, Claire?" kumuyom ang kanyang panga. Napalunok naman ako sa paglapit nya. Napakaseryoso na naman ng dating nya.
     
     
"W-Wala.." tsaka ko sya tinulak. Hindi naman sya nagpatinag.
     
    
"Kung wala, then why are you pushing me away?" muli nyang inilapit ang sarili nya. Kinakabahan na naman ako. Ramdam na ramdam ko ang paghuhumarentado ng puso ko.
    
      
"Because I.." like you. Pero hindi ko magawang sabihin sayo. Hindi ko alam kung paano. Pakiramdam ko kasi, isa lang ako sa mga babaeng napahulog mo sa mapang-akit mong katauhan.
     
     
"You like me right?" diretso nyang saad habang tinititigan ako sa mga mata. Napaiwas naman ako ng tingin. Nag-iinit na naman ang mukha ko. Ang lakas lakas na ng tibok ng puso ko.
      
      
Masyado bang halata sa akin na gusto ko sya? O siguro, sanay na sya sa mga kilos ng mga babae na nagkakagusto sakanya kaya madali na lang sakanyang malaman ang nararamdaman ko para sakanya.
         
      
"Uh..I-I don't know.." nauutal kong sagot.
    
     
"It is, Claire. You like me, but why are you pushing me away?" dinadaga na ang dibdib ko. Hindi ko na alam kung paano huminga ng maayos sa sobrang kaba. Pinapaamin niya ako.
     
       
"It's true, I-I like you but not like this.." nag-iinit na ang gilid ng mga mata ko. Nakaamin ako pero parang ang sakit. Gusto ko sya pero hindi ko kayang tanggapin sa sarili ko na totoo nga ang nararamdaman ko sakanya.
    
    
"Answer me." ibinaba nya ang lower lip ko gamit ang daliri nya. Agad ko namang itinabig ang kamay nya. Hindi ko na kaya ang nararamdaman kong tensyon. Nanginginig na ang mga tuhod ko.
     
    
"Stop!" nagawa kong makawala sa mga bisig nya, pero mabilis nya pa rin akong nahatak paharap sakanya. Why is he doing this? Why??
      
     
"You're always running away." madiin nyang saad. Parang may martilyong pumukpok sa puso ko. Pakiramdam ko tinamaan ako sa sinabi nya.
    
   
"I-I'm not running.."
      
    
"Yes you are." kitang kita ko ang seryoso at mapupungay nyang mga mata. Magsasalita na sana ako ng hatakin niya ako papalapit sakanya at yakapin ng mahigpit.
     
     
"You can't just ignore me, Claire." mas humigpit ang yakap nya. Dinig na dinig ko na ang malakas na tibok ng puso nya.
     
    
"Blaise.." napahawak ako sa damit nya. Hindi ko na sya kayang itulak pa.
      
     
"Your cold heart just tells me, it needs to be set on fire, Claire." napakagat ako ng ibabang labi. Ramdam ko ang luhang tumulo sa mga mata ko. He's right, my heart need to be set on fire again.. for me to believe that love really still exist.
      
      
     
---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon