Chapter 17: He's just..
Agad ko namang tinanggap ang kamay ng nasabing older sister ni Blaise na si Scarlett. Baka isipan niya pa na ang arte ko kung patatagalin ko pa diba. Medyo nahiya nga rin ako nung sinabi niya yung 'Blaise the jerk'. Kasi naman, halatang narinig niyang sinabi ko na JERK ang kapatid niya...kahit totoo naman.
"I'm Claire--"
"Claire Elizabeth Rayos. I know." nakangiting sabi niya sabay kindat. Ibang klase, siguro nalaman niya yung pangalan ko dahil kay Blaise ano? Sinasabi niya sigurong isa ako sa mga gusto niyang biktimahin sa masamang kapangyarihan niya. Lol. OA ko na.
"Uh, yeah.." wala na kong masabi.
"Wait lang ha?" pagpapaalam niya. Kinuha niya agad ang phone niya at may dinial na number.
"Hello sweetie." boyfriend niya siguro? Err Claire! Wag ka ngang chismosa!
"Hahaha hindi ka pa rin nagbabago. By the way, pumunta ka dito, asap."
"Really? Sayang, I'm with my new friend, Claire."
"Yep.." sabay tawa niya.
"Okay, see you!" sabay baba niya ng phone. Agad niya kong hinarap. Gulat na naman ako.
"He's on our way." is he referring to her boyfriend? Yung kausap niya sa phone?
"Huh? S-Sino?"
"Si--"
"Scarlett!" parehas kaming napatingin sa likod ko. Hindi siya ang inaasahan kong paparating. I thought it was her boyfriend.
"Hello baby brother."
"God Scarlett, stop calling me in that bullshit baby brother or whatever." halatang iritado. Hindi ko maiwasang matawa. Napakagat tuloy ako ng lower lip.
"Don't be cocky, you should thank me for saving her from your girlsss!" nagtaas pa si Scarlett ng isang kilay at ngumiti.
"With my girls??" wow ha. Parang inosente lang ang dating. Kunwaring hindi alam ang tungkol sa mga babae niya. Ang galing!
"Oh come on, you know what I mean. Stella with her friends."
"The heck with them! What did they do to you Claire?" ako naman ang pinagtuunan niya ng pansin. Nanlaki naman ang mga mata ko sa biglang paghawak niya sa magkabilang braso ko. Sasagot na sana ako ng maunahan na naman ako ni Scarlett.
"I saw them in the act of telling harsh things to her connected to you. Balak pa nga nila siyang buhusan ng putik kung hindi ko lang naagapan."
"Damn! Really?!"
"Yep. It's obvious, Claire is a victim of bullying. She suffered from a definite harm. See? She can't even talk." hindi ko alam kung matatawa ba ako o mahihiya. Paano ba naman kasi, parang nang-gagatong lang itong ate niya kaya sobrang nagagalit itong si Blaise.
"I can't believe they can do such things like that!"
"They MUST face some consequences on this, Blaise."
"Wait, what do you mean consequences?" napasingit na ako sa usapan. Nakakatakot yung pagkakasabi ni Scarlett. Mukha kasing iba ang binabalak ng magkapatid na to.
"Uh, such as mandatory community service, counseling, or behavioral programs..something like that Claire." wee? May ganon pala. Pero parang hindi ako kumbinsido sa sinabi niya.
"I won't let this happen again!" madiing sabi ni Blaise at biglang umalis. Pipigilan ko sana siya kung ano man ang binabalak niya pero naunahan akong pigilan ni Scarlett.
"Let him do what he wants to do Claire. He's just concerned about you." nararamdaman ko na naman ang malakas na pagpintig ng puso ko.
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...