Chapter 13

3.6K 87 1
                                    

Chapter 13: We're same
       
        
       
       
       
      
"Si Blaise Santos ay bunsong anak nina Mr. Henry Santos at Mrs. Sarah Santos. Isa sa mga pinakamayamang negosyante ng bansa. Pagmamay-ari nila ang isa sa pinakasikat na pagawaan ng alak at tsokolate. Umabot na nga sa ibang mga bansa ang produkto nila at talagang tinatangkilik ito simula pa noon hanggang ngayon. Mahigit bilyones nga ang kinikita nila." paliwanag ni Carol.
      
     
"Tapos?" sabay sabay pa sila. Tahimik lang akong nakikinig. Ayokong isipin nila na interesado akong malaman ang kahit ano kay Blaise.
      
        
"Meron rin silang mga naglalakihang lupain sa iba't ibang lugar. Yung ibang lupain nila, doon daw pinagtataniman ang mga prutas na pinanggagalingan nila sa paggawa ng alak at tsokolate." sandaling tumigil si Carol na parang may inalala.
      
     
"Sa pagkakaalam ko rin, may nakatayo silang hacienda sa syudad natin at ibang mga probinsya. At alam ko rin na meron silang ibang mga nakatayong resorts sa mga sikat na tourist spot dito sa Pilipinas. Ganon lang naman sila kayaman." Wow. Ganon LANG NAMAN kayaman. Ibang klase rin pala ang nalalaman nitong si Carol tungkol sa kayamanan nina Blaise. Kumpara sakin, ang alam ko lang ay ang pagiging cold-hearted at playboy niya.
          
          
"E sino naman yung bagong rumored girlfriend niya ngayon?" tanong ni Bianca. Ilang linggo na rin ang lumipas simula nung marinig ko yung pangba-busted niya kay Gillian. Pagkatapos nun, wala na kong sumunod na narinig niyang pinaglaruan...at sinaktan.
      
     
Siguro baka may bagong technique ang innocent devil..patago. WAHAHA! Para maiba nga naman.
        
        
"Hm. Wala e, himala nga. Pero naririnig ko, may sineseryoso daw siyang babae." ibang klaseng balita naman yan. Parang yan lang ang pekeng narinig ko sa lahat. Siya may seseryosohin? Come on!
        
       
"Blaise Santos? may seseryosohin? Imposible." natatawang sabi ko habang nagpipinta.
      
      
"Totoo yun Ms. President. Actually, pinagmamalaki pa nga daw niya sa basketball team na nahatid na niya yung girl sa bahay nila." halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa gulat sa narinig ko. Hinatid niya ako. So ako yun? Of course not! Duh! For sure Claire, hindi lang ikaw ang babaeng nahatid niya kaya wag kang assuming.
        
      
"Ayos ka lang Ms. President?" -Ann
      
     
"Huh? Uh, oo. Nahilo lang ako ng kaunti." I lied.
     
     
"Gusto mo bang dalhin ka namin sa clinic Ms. President?" nag-aalalang tanong ni George.
       
       
"Hindi na, ayos lang ako. Lalabas na lang muna siguro ako para bumili ng makakain."
          
       
"Sigurado ka ba Ms. President? Samahan ka na namin?"
       
     
"Ayos lang, kaya ko na." nakangiting sagot ko. Inalis ko ang soot kong apron at nagmadaling lumabas ng Art club room. Nakahinga ako ng maluwag.
         
          
Ibang klase ang mga members ko. Sa dami ng pwedeng pag-usapan, si Blaise pa. Pati tuloy ang utak ko nakikisama. Aish!
     
      
Nadala ako ng mga paa ko sa cafeteria. Saktong dinalaw na rin ako ng gutom kaya kumuha na ako ng tray para makapag-order ng makakain.
         
         
"Uy Claire." omg! His smiles! His eyes! His looks! All of him! I like all of him!
      
      
"Oh, hi Dylan." may hawak rin siyang tray ng pagkain.
        
     
"Mag-isa ka lang?"
        
    
"Uh, oo e."
         
       
"We're same!" mas lalong lumaki ang ngiti niya sa labi. Sheeeeet of paper! Ka-blush!
       
      
"Tara, sabay na tayong mag-lunch." pagyayaya niya.
        
     
"Sure!" and we live happily ever after.
       
       
      
---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon