Chapter 36

3K 68 1
                                    

Chapter 36: Kaibigan lang
      
     
     
     
      
Unang araw na naman ng pasukan ng 2nd semester. Huling nagkita kami ni Blaise nung sembreak ay nung kaarawan niya na pumunta sya samin. Normal lang naman ang nangyari, nag-usap, nagtawanan at syempre, hindi pa rin maaalis ang pambobola nya. Pagkatapos nun, nalaman kong nagbakasyon sila sa ibang bansa. Sa pagkakaalam ko sa post ni Scarlett, sa Greece at France sila pumunta.
      
     
Naalala ko nga rin yung status ni Blaise na "Wish you were here.." feel ko tuloy, kinakanta nya nung mga oras na yun yung kanta ni Avril Lavigne.
      
   
"President, may naisip ka na bang theme ng ido-drawing mo sa art contest?" tanong ni Aaron. Wala daw klase ang isang to kaya tumatambay dito.
      
     
"Hm. Wala pa nga e. Medyo naguguluhan ako sa mga idea ko." saad ko habang nakatitig sa canvas.
     
    
"Focus ka lang. Kaya mo yan." tsaka nya tinapik ang balikat ko. Napangiti naman ako.
      
    
"Salamat Aaron." sa paglabas niya, inakala kong ako na lang ang mag-isa. Pero ng marinig ko ang mga yapak na papalapit, napangiti ako. Humarap ako sa kinauupuan ko para salubungin sya.
       
     
"Bla--Dylan??" nawala ang mga ngiti ko sa labi. Nagtaka naman sya. Kahit ako nagtaka sa sarili ko, bakit ko inaasahan si Blaise? Err!
     
    
"May inaasahan ka bang iba, Claire?" tanong nya. Agad akong napailing at nagpakita ng ngiti sakanya.
     
    
"Wala naman, naparito ka?"
     
      
"Gusto lang kitang bisitahin. Tagal na kasi tayong hindi nagkikita e." napatango ako. Huling pagkikita namin ay nung nabuhusan ako ng pintura sa buong katawan. Sobrang awkward ng pangyayaring yun.
     
      
"Oo nga e." tugon ko sabay kamot ng ulo. Hanggang ngayon, nandyan pa rin ang gwapong ngiti ni Dylan. Pero imbis na mamangha ako, nanghihinayang ako. Parang may mas gusto akong makita maliban sakanya. Si Blaise..
        
     
Kita ko ang pag-upo ni Dylan sa isang upuan na malapit sakin. Hinayaan ko naman sya. Ang buong isang oras ay puro kwentuhan lang ang nangyari. Halos sya nga ang nagtatanong kaya puro ako sagot. Pati ang contest ko sa pagpe-paint ay naikwento ko na rin.
     
     
Alam kong crush ko si Dylan pero nakakapanibago lang. Kung noon, masayang masaya ang puso ko na kasama sya, ngayon parang normal lang ang nararamdaman ko sakanya. Parang kay Aaron, kaibigan lang.
      
      
Nandyan pa rin naman ang mga features ng mukha ni Dylan na ginusto ko sakanya. Pati ang kabaitan nya, hindi naman nagbago. Ang pinagtataka ko lang, bakit parang ako tong nagbago? Hindi ko maintindihan, ang gulo ko.
       
        
           
*riiiiing!riiiiing!*
      
        
      
"Uh, wait Claire, si Hunter tumatawag. Ka-team ko." tumango naman ako. Sandali ko syang pinagmasdan habang may kausap sa phone nya. Pilit kong binabalikan ang nararamdaman ko sakanya noon, pero wala talaga. Hindi ko na ba sya gusto?
      
     
"Claire, sorry. Kailangan ko munang umalis. Kailangan ako sa practice. Wala na naman daw kasi si Blaise.." tsaka sya napatawa.
         
        
"Osige, ayos lang Dylan." sa pagtayo nya, hindi ko inaasahan na yayakapin niya ako. Sa unang beses, naramdaman ko ang yakap ni Dylan.
      
    
"Good luck sa painting mo, Claire. kaya mo yan." nakangiti nyang saad bago nya ako iwanan. Doon ko narealize na hindi ko na nga gusto si Dylan. Oo, nabigla ako sa pagyakap niya, pero hindi na ako kinilig.
          
        
      
----

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon