Chapter 11

4K 91 2
                                    

Chapter 11: Mr. Santos
       
       
         
      
      
Ngayong malapit na ang first quarter exam, mas naging busy ako sa mga school works at art club. Mas naging hectic rin ang schedule ko sa trabaho. May apat kasing nagresign kaya nadagdagan ang hours of work ko. Ayos naman sakin dahil nadagdagan ang sweldo ko, kaya lang madalas na akong puyat at pagod.
       
        
"Hey Claire!" ang kapal pa rin ng mukha ng isang to. Kahit dalawang buwan na ang lumipas mula ng nakawan niya ako ng halik, hindi pa rin siya tumitigil kakaasar sakin.
        
      
Sabagay, Blaise Santos will always be BLAISE SANTOS. The cold-hearted person who only cares for himself.
      
        
     
*bumps!*
        
            
       
"Uy Claire." for the second time, nabunggo na naman ako sakanya.
       
     
"Uh, Hi Dylan."
      
      
"Nagmamadali ka ata?" oo, tinatakasan ko kasi yung siraulo mong pinsan.
      
     
"Hm. Oo e, uuwi na kasi ako." kita ko na ang paparating na Blaise.
      
    
"Sige Dylan, una na ko. Bye!" kumaripas na ako ng takbo papalayo. Hindi ko na siya hinintay sumagot at baka maabutan pa ako nung kumag niyang pinsan.
        
       
        
           
"Nabalitaan mo ba? Nagconfess daw si Gillian kay Blaise." Blaise na naman. Hindi ba pwedeng iba naman ang marinig kong pinag-uusapan ng mga babae dito? Hindi na sila nagsawa.
       
     
"Gillian? Yung 2 years na nagkakandarapa kay Blaise right. Anong nangyari?"
       
      
"Busted. Duh!" wow! ibang klase rin pala ang lalaking yun ah!
        
    
"Umasa siguro. Porket sweet sakanya si Blaise, nagfeeling na ang bruha!"
      
     
        
Napailing na lang ako. May bago na namang nabiktima ang kumag. Ibang klase talaga ang karisma niya. Kahit na obvious naman ang pagiging professional playboy niya, pinipili pa rin ng mga babaeng magpaloko sakanya. Kaya ang ending, ayan nasasaktan sila.
       
        
       
       
*peeeeeet!peeeeeet!*
          
        
          
        
"Let's go Claire, I'll give you a ride." saad niya sakay ng Black Ferrari 458 niyang kotse. Mabagal lang ang pagpapatakbo niya, kasing bagal ng paglakad ko.
              
       
"No thanks." mas binilisan ko ang paglakad ko.
     
    
"Come on." kulit namaaaaaan
             
           
"Ayoko."
        
      
"Claire, wag ka ng mahiya." bwiset. May nalalaman pang paganyan ganyan. Akala mo naman madadala ako sa charm ng hinayupak.
       
            
     
"Bakit siya sinusundan ni Blaise?"ayan na pinag-uusapan na naman siya.
        
      
"I know her, she's Claire Elizabeth Rayos." what? Full name pa ah! Napatingin ako sa grupo ng mga babaeng kilala 'daw' ako. At wow, ang sama ng tingin. Sinamaan ko rin. Che!
         
        
"Ano ni Blaise?"
       
          
"New girl?" of course not! My ghad nasasama pa ko sa mga letcheng usapan na yan. Grrr!
         
            
       
"Claire!" hindi ko siya pinansin. Agad akong dumiretso sa isang nakaparadang taxi at sumakay.
      
      
Aba no! Anong feeling niya? Basta basta niya na lang ako mapapasunod? No way!
          
           
       
         
        
       
As usual, pagkauwi ko, magpapahinga tapos maghahanda na para sa pagpasok ko sa trabaho.
        
         
       
"Uy Claire, buti dumating ka na." salubong ng manager ko sa harap ng store.
       
       
"Uh, bakit po ma'am. May problema ba?"
      
       
"May special customer kasi tayo. Gusto niyang ikaw ang mag-assist."
       
      
"Huh?? Sino po?" hinila niya ako papasok.
      
      
"Si Mr. Santos." bumungad nga sakin ang nakaupong 'special customer' na nakangisi.
          
      
"Manager, siya po?"
     
        
"Oo Claire. Kanina pa nandito si Mr. Santos. Paano ba yan, ikaw na ang bahala ha?" at iniwan na niya kami.
        
      
"Hi Claire." bwiset. Special customer? E wala namang kaspecial special sakanya.
        
      
"What do you want sir?" fake smile.
            
          
"I want..you." here we go again. Hanggang kailan niya ba balak gawin ang bagay na to? Hindi ba sya nagsasawa? Palagi na lang niya akong ginugulo.
        
      
"Sorry sir, pero hindi pepwede ang gusto niyo. Kung wala na po kayong kailangan, pwede na po kayong umalis." tsaka ko siya iniwan.
        
         
"Wait Claire.."
       
          
         
Inasikaso ko na lang ang ibang customer para matakasan si Blaise. Hindi naman ako nahahalata ng manager dahil nasa counter siya. Nakapagtataka nga, hindi man lang nabo-bored ang kumag kakatitig sakin. Ewan ko ba anong trip ng isang yun. Kung inaakala niyang i-e-entertain ko siya, manigas siya. Wala akong pake kung maghintay man siya ng matagal.
          
           
           
"Good evening ma'am." bati ko sa isang bagong dating na customer. Mukha na namang masungit ang isang to. Ni hindi man lang nag-atubiling tingnan ako.
           
       
"Would you mind give me six pairs of this shoes." napalunok ako. Ang mahal nung sapatos na gusto niya tapos anim na piraso pa? Ibang klase nga naman pag marami kang pera.
         
      
"Okay ma'am." sandali akong napatingin kay Blaise. Daig niya pa ang manager kung magmasid. Inirapan ko na lang.
             
         
        
         
Hindi ko inaasahang mabigat pala ang anim na box ng sapatos. Kinaya ko pa rin itong dalhin palabas ng stock room.
        
      
"Let me help you."
        
      
"No, okay lang..sir." napatunganga lang si Blaise habang buhat buhat ko ang mga box papunta sa babaeng inassist ko.
            
           
"Here you go ma'am." sabay lapag ko ng anim na box ng sapatos.
         
       
"I think I don't like them anymore." napanganga ako. Pagkatapos niyang ipakuha, ngayon ayaw na niya?!
         
     
"Go and get me another six pairs of this one." sabay turo niya sa ibang shoes na halos parehas lang ng design ng una.
       
      
"Y-Yes ma'am." kinuha kong muli ang unang boxes na dala ko para palitan sa stock room. Gustuhin ko mang umangal pero hindi pwede. Isa pa, trabaho ko to kaya dapat akong magtiis.
        
         
       
"Here the--"
       
     
"What took you so long?!!" nanlaki ang mga mata ko sa pagsigaw niya. Ni hindi ko pa nagagawang bitawan yung bagong boxes na pinakuha niya.
        
      
"Sinoli ko po kasi yung mga unang box na pinak--"
      
    
"I don't care! Gosh!"
       
      
"I'm sorry ma'am." napayuko ako. Sobrang galit ang babae. Pero bakit? Hindi naman ako ganon katagal.
         
      
        
"Excuse me."
       
       
"Mr. Santos, you're here?" halos manlaki ang mga mata ng babae. Pero teka, kilala niya si Blaise? Tinawag niya pang 'Mr.'. Anong meron??
          
       
"Ganito pala ang inaasta mo sa ibang tao huh Veronica?" kinuha ni Blaise ang mga box na buhat ko. Ibinaba nya yun sa tabi nung nasabing Veronica.
    
        
"No sir, I'm sorry." nakakabigla. Kanina parang boss ang babae kung umasta. Pero ngayon, yumuyuko na siya tulad ko.
          
            
"I'm so disappointed in you." iritado ngunit kalmado ang mukha ni Blaise.
        
       
"I'm sorry sir."
       
      
"Bayaran mong lahat ng yan." hinawakan ni Blaise ang kamay ko.
        
      
"Yes sir."
        
       
"And Veronica, you're fired." hinila na niya ako papalayo sa babae. Natameme lang ako sa mga nangyari. Hindi pa rin nagsink-in sa utak ko lahat ng nasaksihan ko. Really? Fired? Anong meron? Anong nangyayari??
        
         
       
----

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon