Chapter 35: Wish
Dumating na nga ang kaarawan ni Blaise. Kaninang pagkagising ko ng umaga, siya agad ang pumasok sa isip ko. Naalala ko, inimbita nya ako pero wala akong balak na pumunta. Wala kasi akong alam na ireregalo, tsaka baka mamaya isipin niya pang gusto ko nga sya. Isa pa, nilalagnat si mama kaya ako muna ang pumalit sakanya sa pagtitinda ng mga lako nyang cookies at cupcakes sa palengke.
*bvvvv!bvvvv!*
(Text message from Blaise)
"Want to say something?"
Napairap ako. Kahit na text lang ito, pakiramdam ko nang-aasar na naman sya. Pero dahil birthday nya, sige rereplyan ko na.
(Text message to Blaise)
"Happy birthday! :)"
Ilang sandali pa ay agad akong nakatanggap ng text sakanya.
(Text message from Blaise)
"Thanks Claire. I'll see you later."
Hindi ko na siya nireplyan. Alam ko namang hindi ako makakapunta mamaya. Baka kulitin nya pa ako pag sinabi ko pa sakanya. Napabuntong hininga na lang ako sabay tago ng phone ko sa bulsa.
"Kailangan kong makabenta ng marami." saad ko sa sarili ko at nagsimula ng maglako.
Oras ng meryenda kaya naman nasaktuhan ko ang mga taong gutom na gutom. Dinagsa ako ng mga taong satingin ko ay suki ni mama. Nakilala daw ako ng iba dahil sa kahawig ko sa mata si mama. Ang iba ay namukhaan daw ang box na bitbit ko, ito rin kasi ang palaging bitbit ni mama sa tuwing naglalako sya. Sobrang tuwa ko ng halos balikan ng iba ang paninda ko at maubos ito agad. Hindi ko maitatangging masarap nga ang mga gawa ni mama kaya hindi ito pinagsasawaan.
*bvvv!bvvv!*
(Text message from Blaise)
"You're coming, right?"
Binalewala ko na lang ang text nya. Hindi na nya dapat ako asahan na pumunta doon dahil wala talaga akong plano.
Dumiretso akong agad sa bahay ng wala ng matira sa mga paninda. Nakakapagod pala ang paglalako, paano pa kaya si mama na araw araw itong ginagawa? Naiisip ko tuloy, kung tulungan ko na lang kaya sya sa tuwing wala akong pasok? Tutal minsan wala rin naman akong ginagawa.
Sandali ko munang sinilip si mama sa kwarto nya. Kinumusta ko ang pakiramdam nya. Buti na lang at maaasahan ang kapatid kong si Clark, nalaman kong inasikaso niya pala si mama habang wala ako.
"Magluluto muna ako ng hapunan Clark." tumango naman ang kapatid ko bilang tugon. Dumiretso naman ako sa kwarto para makapagpalit ng damit. Pagkatapos, agad rin akong bumaba para maasikaso na ang hapunan namin.
Habang lumilipas ang oras, hindi ko maiwasang maisip si Blaise. Siguro nagsisimula na ang birthday party nya sa mga oras na to. Tulad nung birthday ni Dylan, alam kong bongga rin ang kay Blaise dahil mayaman sila. Aaminin ko, gusto kong pumunta. Gusto ko syang makita at batiin sa personal. Ang kaso, hindi kinakaya ng konsensya kong magsasaya ako sa party kahit alam kong may sakit si mama at nagbabantay si Clark.
"Bakit hindi ka pumunta sa birthday ng kaibigan mo anak?" usisa ni mama.
"Hindi na po ma. Mas uunahin ko pa po kayo.." ngumiti ako sakanya.
10 in the evening. Nagawa ko pang lagyan ng mainit na bimpo ang noo ni mama bago ko sya iwang tulog sa kwarto nya.
Napabuntong hininga na lang ako ng makarating ako sa kwarto ko. Napahiga akong agad sa kama at kinuha ang phone kong nakalapag sa sahig. Nahulog ko siguro to kaninang nagbibihis ako.
(45 missed calls from Blaise)
(67 unread messages from Blaise)
Ibang klase ring mangulit ang lalakeng to. Binasa ko ang pinakahuling message nya.
"Bakit hindi ka pumunta?"
Napabuntong hininga na naman ako. Parang may kumirot sa puso ko na hindi ko mawari kung bakit. Binasa ko pa ang iilang text niya, iba iba lahat ng sinasabi nya. Nakakakonsensya tuloy, sana sinabi ko na lang sakanya kanina pa na hindi ako makakapunta.
"Nakakainis!" napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad ko.
*riiiing!riiiing!*
Bigla akong ginapangan ng kaba ng makita ko kung sino ang tumatawag. Si Blaise. Nang sinagot ko ito, bumungad agad ang nakakapang-akit niyang boses.
"Claire.." sht! goosebumps!
"Napatawag ka?"
"Why didn't you come to the party?" parang may tumutusok sa puso ko. Ang lungkot ng boses nya.
"Ahh kase..wala akong regalo."
"Bullshit reason. I don't need your gift, Claire. I just want your presence." narinig ko ang pagbuntong hininga nya. Naramdaman ko naman bigla ang pag-init ng mukha ko. Buti na lang at phone call ito, hindi nya ako makikitang napapangiti. Omg.. what's happening to me?
"S-Sorry naman..nilalagnat kasi si mama kaya hindi ko sya magawang iwanan."
"Really huh?" ang sarcastic naman nya.
"Bakit ko namang gagawing excuse si mama?"
"I don't know, siguro dahil ayaw mo lang talaga akong makita." napairap ako.
"Ewan ko sayo. Kung ayaw mong maniwala, edi wag."
"If you're telling the truth, come and see me."
"What??" napakunot ako ng kilay. See him? Hibang ba sya?
"I'm waiting outside your house." halos manlaki ang mga mata ko. Napasilip ako ng bintana at nahuli ko syang nakatitig na sa bintana habang nakangisi. Kumaway pa ang kumag.
"The heck Blaise!" rinig ko pang napatawa sya bago ko patayin ang call. Agad akong kumaripas ng takbo pababa para puntahan sya. Walanghiya! Kanina paba sya dun?
Pagkabukas ko ng pinto, bumungad agad sakin ang Blaise na nakapamulsa habang nakasandal sa kotse nya. Ghad! He's so handsome...and hot!
"11:11 na--"
"11:11, hope to see you.. and my wish has been granted. " kinabog ang puso ko sa sinabi niya. Balak ko sanang sabihin kanina na oras na at bakit nandito pa sya, balak ko rin sanang magalit sakanya, pero imbis na ganon ang nangyari...
"Happy birthday Blaise.." nakangiti kong sabi. He immediately grabbed me and hugged me tight.
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...