Chapter 21: Sorry bro
Sandali kaming nagtagal sa kotse. Walang umiimik samin ni isa. Nakasimangot lang ang mukha ni Blaise habang nakatutok sa phone niya. Para siyang may hinihintay na text.
Naaamoy ko pa rin yung pintura sa soot kong damit. Medyo awkward na rin ang pakiramdam ko ngayon sa sitwasyon namin ni Blaise.
"Lalabas na--"
"Stay." napatikom akong bigla ng bibig. Naninibago ako sa asta niya. Ngayon ko lang siya nakitang nagseryoso. Hindi ko tuloy magawang kumilos sa kinauupuan ko.
*tok!tok!tok!*
Halos mapalundag ako sa gulat ng may kumatok sa tabi ng bintana ni Blaise ng kotse niya. Si Scarlett. Bumukas ang bintana pababa.
"Anong nangyari Blaise?" bungad ni Scarlett ng mabukas ang bintana. Lumingon sakin si Blaise.
"Omg! What happened to you Claire?" nag-aalalang tanong ni Scarlett. Sasagot na sana ako ng biglang magsalita si Blaise.
"Did you brought her some clothes?"
"Oh yes, here." sabay pakita ni Scarlett ng dala niyang paper bag.
"Help her change." utos ni Blaise. Seryoso pa rin ang asta niya hanggang ngayon. Hindi ko tuloy alam kung dahil ba to sa mga nasabi ko kanina o dahil sa nangyari sakin. Ewan. Nakokonsensya na naman tuloy ako.
Kita ko ang pag-ikot ni Scarlett papunta sa lugar ko. Binuksan niya ang pinto.
"Come Claire." ngumiti ako. Sandali kong pinagmasdan si Blaise. Nakatulala lang siya sa labas. Parang ang lalim ng iniisip niya.
"Labas na ko Blaise." akala ko titingnan niya ako sa pagpapaalam ko pero...hindi. Tinanguan niya lang ako. May problema kaya? Ang bigat tuloy ng pakiramdam ko sa loob.
"Let's go Claire. Hayaan mo muna siya." nagpatianod na lang ako sa paghila ni Scarlett. Habang papalayo kami sa kotse, hindi ko maalis sa isip ko yung mukha ni Blaise. Para siyang iritado pero kalmado ang dating. Posible kayang dinamdam niya yung sinabi ko? Harsh nga ang dating pero sinabi ko lang naman ang totoo diba? Aish! Hindi, obvious naman na mali na nga ako.
Ginawan na nga ako ng mabuti nung tao, sinabihan ko naman ng masasakit na salita. Jusko Claire, hindi ka ba marunong pumreno?
"Tapos ka na bang magpalit Claire?" natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang boses ni Scarlett sa labas ng cubicle. Lumabas naman ako.
"Eto, tapos na Scarlett. Salamat pala ha? Isosoli ko rin to pagkatapos kong malabhan." sakto naman ang sukat sakin ng damit. A-line white dress ang style. Simple lang pero alam kong mahal. American eagle ba naman ang brand.
"That's yours. Hindi ko rin naman kasya yan, natambak lang sa locker ko for 5 days. Saktong nagpadala naman si Blaise para sayo, kaya ayan..buti na lang at sakto sayo." nakangiting sabi niya. Napatingin ako sa salamin, mukha akong pupunta sa isang date.
"S-Salamat Scarlett."
"Si Blaise dapat ang pasalamat mo dyan." tsaka niya ako kinindatan. Ngumiti naman ako. Tama sya.
"So, let's go?" sabay turo nya sa labas. Pumayag naman ako at sumama na sakanya. Kailangan ko na rin palang umuwi. Pagkalabas namin, napansin ko ang mga tingin ng mga tao. Tingin na parang namamangha. Teka, namamangha? Ahh oo, kay Scarlett... pero bakit sakin halos nakatingin? Mukha ba akong katulong? Ay ewan!
"Oh, look." hinila akong bigla ni Scarlett. Muntik pa tuloy akong masalubsob. Pero eto, gulat na gulat ako kung saan kami napunta... I mean, kung kanino!
"Hi Dylan!" masayang bati ni Scarlett. Napatunganga sandali si Dylan sakin bago sya sumagot.
"Yeah, hi.. Uh, nakita ko kasi kung anong nangyari. Nag-alala ako kaya, hinanap kita. Ayos ka lang ba, Claire?" napalunok ako sa sinabi niya. Nag-alala tapos hinanap pa? Grabe, ang haba naman ng buhok ko. Totoo ba to?
"Huh? Uh, oo ayos lang ako Dylan. Salamat sa concern."
"Pauwi ka na ba? Hatid na kita?" sasagot na sana ako ng biglang...
"Sorry bro, ako ang nauna kay Claire." sabay hila NA NAMAN niya sakin pasakay ng kotse niya. Naiwan si Scarlett na tuwang tuwa sa nasaksihan niya at si Dylan na nagtataka.
"Iuuwi na kita." sabay harurot sa kotse niya. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Dahil ba to sa bilis ng pagmamaneho niya??
----

BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...