Chapter 38

3.1K 70 0
                                    

Chapter 38: I can't help it
    
     
    
      
     
Dalawang linggo na ang nakakalipas. Ngayon ay seryoso na akong naghahanda para sa ipe-paint ko sa national art competition. May alam na akong theme na talagang pinag-isipan ko sa bawat gabing pagtulog ko. Nakakainis man, pero naging inspirasyon ko si Blaise. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing pinipinta ko ang dalawang taong magkayakap.
         
       
"Ang ganda naman nyan Ms. President!" bati ni Ann habang pinagmamasdan ang natapos kong painting.
     
    
"Oo nga.." pagsang-ayon ng iilan pang miyembro. Natuwa naman ako dahil napahanga ko sila.
       
      
         
*bvvv!bvvv!*
     
(Text message from Blaise)
      
"Lunch with me?"
        
      
Napatakip pa ako ng bibig. Baka kasi makita ako ng mga kasama kong ngumingiti. Isipin pa nila may boyfriend ako.
        
       
(Text message to Blaise)
     
"Ayaw."
      
     
(Text message from Blaise)
    
"Okay, then I'm going there."
     
     
Me: What? Nooooo!
     
   
Blaise: Why No? :(
   
   
Me: Basta.
     
   
Blaise: I'm going. >:)
     
   
Me: The heck Blaise!
    
   
Blaise: Then have a lunch with me. ;)
     
    
Me: Okay fine idiot!
      
     
Blaise: I'll wait for you. Parking area. [•,•]
       
        
Letche sya! May nalalaman pang mga emoticons. Kung wala lang tong mga kasama ko dito, papupuntahin ko naman sya e. Ang kaso nandito, kaya no choice ako. Porket alam nyang gusto ko sya, ginagamit na nya yun sa palaging pagyayaya sakin sa kahit anong gusto nya. Kung hindi kakain, lalabas o kaya ihahatid pauwi. Err! Tapos ako namang tanga, ni hindi ko na magawang makatakas o makatanggi man lang. Nakakainis! Bakit kasi kailangan ko pang matamaan sa sinabi nyang I'm always running kahit....bwiset! nevermind.
       
       
"Alis na ako guys.." saad ko habang nililigpit ang mga pinaggamitan ko.
       
    
"Ang aga naman Ms. President?" e yung bwisit kasing si Blaise nagyayang maglunch. Ang hirap tanggihan ng mokong!
     
    
"Uh kase gusto ko munang magpahinga sa bahay." liar Claire!
     
    
"Osige Ms. President, kami na bahala dito." saad ni Bianca.
      
    
"Ingat ka Ms. President.." sabay sabay pa nilang saad. Kumaway naman ako bago umalis. Padabog ko pang nasara ang pinto dahil sa inis sa Blaise na yun. Bwiseeeet!
      
      
Alam niya bang may pinagkakaabalahan ako? Alam nya bang malapit na ang contest at kailangan kong magfocus? Nakakainis lang. Hindi ko magawang kontrolin ang sarili ko sa tuwing nandyan sya, palagi na lang akong walang choice kundi ang sumunod sakanya. Ganito ba talaga pag gusto mo ang isang tao? Lahat nagagawa mo? Err!
      
     
Sabagay nung kay Dylan, nagawa ko pang hanapin si Blaise malaman lang ang favorite flavor nya sa cake. Kahit na naloko ako, naghirap pa rin ako. Diba??
       
       
"Finally, you're here!" inirapan ko agad. Natawa naman sya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse nya. Pumasok naman ako.
      
     
"Ano na naman ba to?" tanong ko.
      
     
"Lunch lang. Lagi naman nating ginagawa to e. Besides, you like m--"
     
    
"Shut up!!"
     
  
"Why? I'm just telling the truth. Baka nga nagustuhan mo na nga ako simula nung first kiss natin sa--" tinakpan ko na ang bibig nya. Nakakairita lang. Ang lakas ng loob nyang sabihin yun sa harap ko. Halos mamula na nga ata ako sa kahihiyan sa tuwing naaalala ko ang mga bagay na yun.
       
     
Inalis naman nya ang kamay ko at pinakita ang makamandag nyang ngiti. Sht! Goosebumps!!
      
     
"You're blushing.." halos lumuwa na ang mata ko sa paglapit ng mukha nya sakin. Bakit ba hilig nyang ginagawa to?
     
     
"Bwiset! Hindi ako!" inilayo ko ang sarili ko sakanya. Kung hindi lang nakalock ang pinto ng kotse nya, baka kanina pa ako nakalabas dito.
      
     
"It's so amusing." napangisi sya. Hinawi nya ang buhok na nakaharang sa mga mata ko at inayos ito. Kinakabog na naman ang puso ko.
      
      
"Shut up Blaise." halos pabulong ko ng sabi dahil sa hiya. Ni hindi ko na sya magawang tingnan.
     
     
"I can't help it Claire, I've fallen for you." nanindig ang mga balahibo ko. Ni hindi ko na nagawang sumagot ng simulan na nyang paandarin ang kotse nya.
       
     
Sandali akong napasulyap sakanya, tawang tawa sya habang nagkekwento ng kung anu ano. I cant't help it. The way he laughs makes me smile, the way he talks gives me butterflies, and everything about him, makes me happy. Maybe this is the reason why I wanted to be with him.. hindi dahil sa napipilitan ako, kundi dahil gusto ko.
       
       
     
---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon