Chapter 64: Prank
Ilang araw na lang at matatapos na ang klase. Bakasyon na naman pagkatapos at paniguradong makakapagpahinga na naman ako ng matagal sa bahay. Naghilom na rin ang mga natamo kong sugat nung naaksidente ako.
Si papa? Bumalik na sa pamilya namin. Nakakatuwa nga dahil buo na naman kami.
Nandito ako ngayon sa quadrangle habang hinihintay si Blaise. Sabi ko kasi, dito kami magkikita. Medyo matagal na rin akong nakaupo at naghihintay sakanya habang sumusulyap sa mga taong dumadaan.
"Ang tagal naman nya." saad ko. Napatingin ako sa bracelet na ibinigay nya sakin noong gabi bago ang prom. Hindi ko maiwasang alalahanin lahat ng pinagdaanan namin sa simula. Kung iisipin, pwede na akong sumuko nung mga oras na nakakapanghina na ng loob ang mga pagsubok na hinaharap naming dalawa.
Tsaka ko napagtanto, gumagawa pa rin ng paraan si Lord para maayos ang lahat ng gusot sa buhay ng isang tao. Darating talaga sa point na malulungkot at masasaktan ka. Pero hindi hahayaan ni Lord na doon na lang magtatapos ang storya mo. Hanggat hindi pa happy, hindi pa ending.
"Claire! Claire!" bigla akong napalingon sa natatarantang si Scarlett. Patakbo pa itong tumungo sakin na parang may importanteng sasabihin.
"Oh, Scarlett? Bakit putlang putla ka?" saad ko ng makarating sya sakin na hingal na hingal.
"S-Si Blaise kase, nakikipagsuntukan! Hindi sila maawat ng kahit sino.. kahit ako!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
"B-Bakit? Kanino? Saan?!" pati ako ay nahawa na sa paghi-hysterical ni Scarlett. Parang agad na nag-init ang dugo ko. Sht Blaise!
"Halika, puntahan natin!" sabay hatak nya sa kamay ko. Nagpadala naman ako sa paghila nya dahil sa pag-aalala ko kay Blaise. Gusto ko na syang makitang agad, sobrang kinakabog na ang puso ko sa kaba. Baka anong mapala nya sa pakikipagsuntukan nya. Sht talaga!
Mabilis ang pagtakbo naming dalawa ni Scarlett, itinataboy nya pa ang mga taong nakaharang sa dinadaanan namin. Medyo hiningal rin ako ng makarating kami sa tapat ng music hall. Dito ko nadatnan ang mga nakalupong na tao na parang may pinapanood sa loob.
"Omg! Si Blaise!"
"Sino yang mga yan?"
"Bakit nila sinusuntok si Blaise?!"
Halos lumabas na ang puso ko sa bilis ng pagtibok nito. Nangangatog na ang tuhod ko sa sobrang takot. Dahil sa desperada na akong makita sya, dinaanan ko na ang mga tao ng walang pag-aalinlangan. Naitulak ko pa nga ata ang iba dahil sa hirap na makadaan sakanila.
"Ano ba yan!" saad pa ng iba. Hindi ko na lang pinansin at tuluy tuloy akong pumunta malapit sa stage.
Nakita ko si Blaise na duguan na ang mukha at nanghihina ng nakaluhod. Hawak hawak pa sya ng dalawang lalake sa magkabila nyang braso.
Huli na ba ang dating ko? Bakit nangyayari to? Sht!!
"Itigil nyo yan!" napatingin sandali ang mga lalakeng naka-mask sakin. Akala ko titigil na sila, pero ikinagulat ko ng tumawa pa sila sabay tadyak ng pagkalakas-lakas sa sikmura ni Blaise.
"Oh nooo!"
"Kawawa naman si Blaise!"
"Blaise! Lumaban ka!!" hagulgol ko. Puno na ng luha ang mga mata ko. Hindi ko na kinayang makita sya sa ganong kalagayan kaya napatakbo na ako.
Paakyat na sana ako ng stage para pigilan sila ng biglang mamatay ang mga ilaw. Napamura pa ang halos ng mga tao sa music hall. Sobrang dilim. Halos wala na akong makita.
"Sht! Ano to?" tanong ko ng maramdaman ang mga kamay na humawak sa magkabilang braso ko. Para akong hinihila patungo sa isang lugar na hindi ko man lang makita. Pinilit kong magpumiglas pero hindi ko magawa.
"Blaise---aray!" hindi ko na nagawang kumawala. Meron pang isang nagtakip ng panyo sa mga mata ko. The heck! anong nangyayari? Kidnapping ba to?!
Narinig ko ang tunog na parang may bumukas na mga ilaw. Dahan dahan akong inupo ng mga hindi ko kilalang tao na humila sakin sa parang sahig. Parang nasa music hall pa rin ako. Ang nakapagtataka lang, natahimik ang mga tao.
"Dyan ka lang!" madiing saad ng isang boses ng lalake sakin.
(piano playing)
"I think of you in everything that I do
To be with you what ever it takes I'll do...."
Sa hindi malamang dahilan, naramdaman ko ang malakas na pagkalabog ng puso ko. Narinig ko rin ang boses ng mga tao na parang namamangha. Hindi ko maintindihan ang nangyayari, bakit naririnig ko ang boses nya?
Kahit na may kaba akong nararamdaman, dahan dahan kong inalis ang panyong nakatakip sa mga mata ko. Sa pagdilat ko, nakita ko si Blaise sa stage na tumutugtog ng piano habang kumakanta.
"Since I found you my world seems so brand new
You've show me the love I never knew
Your presence is what my whole life through
Since I found you my life begin so new
Now who needs a dream when there is you
For all of my dreams came true
Since I found you.."
Hindi ko alam kung tama bang naiiyak ako dahil nakikita ko syang nasa ganong sitwasyon. Ang kaninang duguan nyang mukha ay malinis na ngayon. Walang bahid ng pasa o sugat man lang. Maayos sya!
Dinaramdam nya rin ang pagkanta nya, kahit na nakatitig sya sa piano, hindi nya maalis ang mga ngiti nya sa labi nya. Ngayon ko lang rin narinig na may potensyal sya sa pagkanta, nakakabighaning pakinggan ang boses nya.
Sabi nya noon, nahihiya syang ipakita sa lahat na marunong sya sa pagtugtog. Pero ngayon, nagawa nya ito sa harap ng maraming tao. Nakakaproud..
"My heart forever true...
In love with you.." hanggang sa matapos sya, doon siya tumitig direkta sa akin. Ngayon ko lang napansin na nasa gitna pala ako ng mga nakalupong na tao. May spotlight rin na nakatutok sakin kaya kitang kita ako.
"I'm deeply inlove with Claire.." para akong napako sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko nga may mga alitaptap na naglalaro sa tiyan ko habang pinagmamasdan syang pababa ng stage.
Kahit na halatang prank lang ang ginawa nila kanina, wala pa ring tigil sa pagragasa ang mga luha ko. Letche! Pakulo lang pala lahat ng suntukan kanina pero sobrang nadala ako.
"Bwiset! Pinag-alala mo ko ng sobra alam mo ba? Akala ko totoo na lahat ng nangyayari kanina! Pwede namang ibang prank na lang ang gawin nyo--" he kissed me immediately. Without warning, without permission. He kissed me in front of these people, without any hesitation. The heck Blaise Santos! I'm so inlove with you too..
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Fiksi RemajaTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...