Chapter 1

6.3K 140 6
                                    

Chapter 1: Claire Elizabeth Rayos
      
         
          
           
      
         
"Don't worry..you'll be one of them."
      
     
         
Asa pa siya! Ano ako satingin niya? Tulad ng mga babaeng nauuto niya? Duh! In his dreams. Kahit na siya ang nanalo sa Mr. Epidóseis this year, o kahit na gwapo at sobrang yaman niya, wala akong pake.
    
     
Kahit kailan, hindi na sumagi sa isip ko na magmamahal pa ako ulit. Tsaka isa pa, kung magmamahal man akong muli, hindi ang katulad niyang napakasama ng ugali. Dalawang araw pa lang ako bilang isang 3rd year college pero ang dami ko ng nalalaman tungkol sakanya. Biruin mo, pinagsasabay-sabay niya lang pala ang mga babae tapos sasaktan niya pa sa huli. Grabe!
      
      
"Kahapon mo lang talaga siya nakita?" ulit ulit naman tong si Rica.
      
    
"Oo nga!"
      
     
"Grabe, sobrang sikat kaya ng lalakeng yun sa university. Lalo na nung nanalo siya as Mr. Epidóseis 2018."
      
    
"Oo alam kong sikat. Pero sa pangalan ko lang naman kilala. Pake ko ba sa itsura niya."
      
      
"Wee? Hindi ka nagwapuhan man lang?" nandun na tayo sa nagwapuhan pero ayoko pa rin sa ugali niya.
      
      
"Hindi no!" defensive.
      
        
   
"Ang gwapoooo!" speaking of the devil.
      
      
    
"Sila pa kaya ni Bea?"
     
     
   
"Alam ko si Hazel na yung girlfriend niya e."
       
   
   
"Wee? E paano naman si Stella? Diba nakakasama niya yun?"
       
       
  
"Ah basta! Gusto ko pa rin siya!"
        
        
    
See? Ang daming rumored girlfriends about him. Tapos nagpapauto pa rin yung mga babae sakanya kahit ganon na ang ginagawa niya. Wow!
       
        
"Claire, si Blaise oh." alam ko.
         
       
"Ang yabang." totoo naman. Kung makaasta siya akala mo sino ng gwapo.
      
      
"Talagang gusto siya ng mga babae dito no?" obvious naman, kung makatili wagas. Mga utu-uto e.
      
     
"Yeah.." kita kong umupo siya sa isang table kung saan may apat na naga-gwapuhan mga lalake. Satingin ko mga barkada niya ang mga yun, nag-apiran e. Ilang sandali akong nakatitig, hanggang sa magtama ang mga mata namin kaya napangisi siya.
         
        
"Tara na nga, alis na tayo." nakakasuka na yung view.
       
       
"Osige?"
     
     
Agad kong kinuha yung mga gamit ko. Tapos na rin naman kaming kumain sa cafeteria kaya no need para tumambay pa kami ng matagal.  
      
      
        
*bumps*
      
      
     
OOOW-EEEE-GIIIII!!
        
         
       
What is he doing in front of me?! Nasa kabilang table siya kanina ah. Bukod sa panloloko, marunong rin ba siyang mag-magic? Bilis mapunta dito e.
     
      
      
"Wooooah." mga letche tao sa cafeteria! Kung magreact, kailangan sabay sabay? Napag-usapan ba?
       
        
     
"Nagmamadali?"
     
     
"Get out of my way." madiin pero pabulong ang pagkakasabi ko.
      
      
"Don't you want to see me first?" ang feeling naman talaga ng isang to!
      
    
"Wala akong oras para tingnan yang nakakadiri mong mukha!"
      
     
"Really huh?" nakakaasar yung mga titig at ngisi niya. Err!
       
       
  
"Sino yang babaeng yan?"
       
      
    
"Ang kapal ng mukha."
       
      
     
"Lakas ng loob bungguin si Blaise!"
       
      
     
Bwiset! Naging laman pa tuloy ako ng usapan sa loob ng cafeteria. Kung hindi kasi haharang-harang tong demonyong to, hindi naman ako mabubunggo sakanya.
          
         
"Oo, dahil hindi naman ako katulad ng mga babae mo." agad kong tinabig ang nakaharang na Blaise. Wala na akong pake kung anong sabihin ng iba. Napag-usapan na rin naman ako, susulitin ko na.
       
        
"Watch and you'll be mine, Claire Elizabeth Rayos." bulong niya direkta sa tenga ko.
         
       
      
       
O_O
       
       
       
    
"Mark my words." nakangisi pa siya bago ako talikuran. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na nagawang umimik. Kasi naman, paano niya nalaman ang pangalan ko?
       
      
     
---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon