Chapter 9: Devil and Angel
Last day na ng Welcome Week. Sakto naman na day off ko ngayon sa trabaho kaya pwede akong magtagal ng kaunti para sa gaganaping concert mamayang gabi.
Concerts lang ang kinahihiligan ko kapag may ganitong event sa university. Humahanga kasi ako sa mga bandang tumutugtog lalo na pag maganda ang boses ng lead singer. Tulad last year, yung New Way band ulit ang tutugtog para mamayang gabi.
Habang nakaupo ako sa waiting area, nahagip ng mga mata ko si Blaise na may kasama na namang IBA AT BAGONG BABAE. Nakaakbay pa siya dito at ngiting ngiti na parang aso. Sabagay, hindi na ko magugulat kung araw araw, iba ibang babae ang kasama niya. Kahit na wala siyang ginagawang effort para akitin ang mga babae, sila na mismo ang lumalapit sakanya. Ang gagawin na lang niya ay ang pumili.
Kaya nga kahit ano pang mga sinasabi niya sakin, ni isa doon ay hindi ko nagawang paniwalaan. Ako lang nga ata ang nakakakita sa totoo niyang pagkatao e. At karamihan sa populasyon ng mga babae dito sa university ay nagpapabulag sa charm niya.
"Claire, kanina ka pa?" si Rica.
"Hindi naman masyado. O teka, kala ko bang kasama mo si Aaron?"
"Uh, oo. May binili lang."
"Okay." napatango na lang ako.
"Nga pala, hinahanap ka ni Blaise kanina ah?" talaga lang ha.
"..."
"Nagkita na ba kayo?"
"Ako lang ang nakakita. Siya hindi." may pinagkakaabalahan kasing babae kaya di niya ako napansin. Ayos lang, wala akong pake.
"Huh?"
"Wala, nevermind." nakakainip. "Saan bumili si Aaron? Tara puntahan na lang natin." saad ko sabay tayo. Hindi ko napasin na meron palang paparating kaya nabunggo ko.
"Uh, sorry. Hindi ko sinasadya." he's familiar.
"Oh, it's okay. Ikaw si Claire, right?" ang gwapo ng ngiti niya. May kahawig siya, hindi ko lang malaman kung sino.
"Yeah."
"Ako nga pala si Dylan Garcia. Basketball player, remember?" oh yeah, oo. JOKE. Hindi ko pa rin maalala. Ang dami kaya nila. Tsaka si Blaise lang ang kilala ko at yung Andrew.
"Uh, yeah?" nagshake-hands kami.
"Haha, I think you don't remember. Napapansin ko rin naman na pinsan ko lang ang madalas mong napapansin." omg!
"Pinsan mo si Blaise?"
"Absolutely." nakakatunaw yung ngiti niya. Napakaamo ng mukha ng isang to kumpara kay Blaise. Siya kasi pa-innocent devil. Etong si Dylan, innocent angel.
Napansin ko rin ang singkit niyang mga mata na lalong nagpapasingkit kapag ngumingiti siya. Chinito feels ganon. Isama mo pa yung manipis niyang labi na bagay sa shape ng mukha niya. Nakakapanindig balahibo ang kagwapuhan niya, para siyang sikat na artista.
"Dude!" biglang singit ng devil. Napatingin pa siya kamay namin ni Dylan na hanggang ngayon ay magkahawak pa.
"Hey Blaise." napabitaw ako sa kamay ni Dylan. Umakbay naman tong si Blaise sakanya at ngumisi sakin.
"Hi lovely girl." what the hell?!!! Ni hindi man lang siya nahiyang sabihin yun sa harap ng pinsan niya at ng mga kaibigan ko. Err!
"You two look close to each other huh?" no freaking no!!
"We're not." sagot ko.
"Uh, huh? Really Claire?" tsaka niya ako inakbayan. Letche! yung kamay na pinang-akbay niya pa man din sakin yung pinang-akbay niya sa babae niya kanina.
"Alis na kami. Nice meeting you Dylan." pagpapaalam ko sakanya. Itinabig ko yung kamay ni Blaise at ngumisi naman ito na parang natuwa pa sa ekspresyon ko.
"Yeah, nice meeting you Claire. See you around." he's so damn hot wearing his cute smiles!
Napangiti akong umalis sa harapan nilang dalawa. My heart beats were so fast. I can feel it.
"Hoy ano yang mga ngiti na yan Claire?"
"Huh? Wala ah." napakagat ako ng ibabang labi.
"Wushuu. Hindi mo ko maloloko no! Kanino ka kinilig sa dalawa? Kay Dylan o kay Blaise?" teka, kanino nga ba?
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...