Chapter 14: He's face
Syempre joke ko lang naman yung and we live happily ever after ko with Dylan ano. Crush ko lang naman siya at alam kong imposibleng mangyari yun sa huli.
"So kumusta yung exams mo?" tanong niya habang kumakain na kami.
"Hm. Ayos lang naman, pasado. Ikaw?"
"Ayos lang rin, medyo nahirapan dahil sa training." so pati si Blaise? LOL. Wag mo siyang isipin Claire.
"Matagal pa naman ang single-elimination tournament niyo diba?"
"Yeah, pero syempre kailangan na naming maghanda. Malaking laban rin kasi yun."
"Sabagay."
"Manonood ka ha?" ayan na naman yung mga ngiti niyaaaa!
"Uh, susubukan ko Dylan." kahit na gustung gusto ko naman talaga para sayo.
"Come on, please..for me?" uy wow! Parang nag-puppy eyes siya ah. Pero kasi....Osige na nga!
"O-Okay.." para sayo.
"Really? Oh thanks Claire!" tuwang tuwa siyang inakbayan ako. Nabigla naman ako.
"Aasahan kita." dagdag niya. Lumakas ang pintig ng puso ko. Unang beses kong maramdaman ang ganito. Masaya, totoo lang.
Marami pa kaming napag-usapan ni Dylan. Hindi ko na nga napansin na ilang oras na pala kaming nasa cafeteria at nagchi-chikahan ng kung anu ano lang. Eto ang una at pinakamatagal na moment na nakasama ko siya. Masaya pala ang feeling pag kasama mo ang crush mo.
"Hey Claire!" sigaw ng isang pamilyar na boses.
"Nandito ka lang--Oh hello Dylan.." parang gulat siya ng makitang kasama ko pala ang pinsan niya. Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng pagkadismaya.
"Hey Blaise, bat hindi ka nagpractice?" tanong ni Dylan.
"May inasikaso lang.." bagong babae na naman ba? O yung napag-uusapang sineseryoso niya?
"Hinahanap ka ni coach e. Sabagay, magaling ka na rin naman. Tulad ng pagiging professional mo sa mga babae." natatawang sabi ni Dylan. Nagbigay naman ng pekeng ngiti tong si Blaise. What's the matter?
"Yeah..sige, una na ko. Mukhang naistorbo ko pa kayo. Gotta go." malamig niyang saad bago umalis. Hindi maalis sa isip ko yung itsura ng mukha niya. He's face were so sad.
"Problema nun?" nagtatakang tanong ni Dylan.
"Uh, ewan.." hindi ko rin alam. Pero hindi ako sanay na ganon siya.
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...