Chapter 22: Sorry
Pagkatapos niya akong maihatid nung isang araw, wala ng nangyari. Hindi kami nagkausap ng maayos. Hindi man lang ako nakapagpasalamat at nakahingi ng sorry. Nakakatakot naman kasi yung asta niya. Parang may nakapaligid na itim na aura sakanya. Err!
Nasa storage room ako ngayon, kinukuha ko na yung mga bagong gamit para sa arts club. Para nga akong tanga kanina habang naglalakad. Tumitingin pa ako sa paligid, baka kasi may mahulog na namang pintura sa ulo ko.
"Dami pala nito." nakakainis, kung kailan kailangan ko yung mga members ko, tsaka naman sila wala. Research stuff. Ano pa bang laban ko dun.
"Let me." muntik pa akong matumba sa bigla niyang pagsulpot. Buti at nasalo niya ako.
"Blaise, you're here.." ngumiti sya.
"Absolutely." nakakabigla. Bumalik ang normal na Blaise na nakilala ko. Kinuha niya ang ilang mga gamit na hindi ko na kinayang buhatin. Hinayaan ko na rin siya dahil kailangan ko rin naman ng makakatulong.
"Wala ba kayong training?" tanong ko habang naglalakad kami pabalik ng Art club room.
"Meron."
"Huh? E bakit ka nandito?"
"Tapos na." akala ko magsasabi na naman sya ng mga pang-uto lines niya tulad ng, nandito siya para makita ako. LOL!
"Ahhh.." nasaktuhan ko bigla ang grupo nina Stella hindi kalayuan sa nilalakaran naming hallway. Nakatitig lang sila samin ni Blaise at panay ang pag-irap. Napalunok ako. Ano kayang iniisip nila? May binabalak na naman ba sila?
"Don't worry. They can't do anything to you..." napatingin ako sa nagsasalitang si Blaise.
"As long as I am here, I won't let them harm you again." nakangiti niyang saad. Dinig na dinig ko na naman ang puso ko. Napaiwas ako ng tingin. Binilisan ko na lang ang paglalakad para maunahan siya papuntang Art club room. Baka mamaya, kung ano pang sumunod sa sinasabi niya. Kaloka!
Binuksan ko agad ang pinto. Sa dami ng dala ko, hindi ko alam na may nahulog.
"Careful." muntik ng mabagsag ang isang acrylic paint kung hindi niya lang nasalo.
"Uh, thanks Blaise." pagkapasok namin ng room, agad naming ibinaba sa mahabang table ang mga gamit. Ilalagay ko lang sa tamang lalagyan at magiging maayos na itong tingnan.
"Here." naging madali at mabilis sakin ang pag-aayos. Tinulungan kasi ako ni Blaise sa pag-aabot ng mga gamit. Medyo naninibago ako dahil maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa. Walang asaran o sigawan na nagaganap.
"Natapos rin!" nag-unat ako ng katawan. Napaupo na ako sa sahig sabay sandal sa pader. Napabuntong hininga ako. Nakakapagod pa rin pala kahit may katulong ka.
Kita ko ang pagtabi ni Blaise sakin. Sumandal rin siya at pumikit. Naisip ko, siguro tamang pagkakataon na to para humingi ako ng tawad..
...inhale..
....exhale...
"Blaise?"
"Hmm?" nakapikit pa rin siya. Mukha rin siyang napagod.
"About what happen last day.." napadilat sya, tinitigan niya pa ako na parang nagtataka. Bangag ba to?
"I just want to say sorry for what--" hindi na niya ako pinatapos sa pagsasalita ng halikan niya ako sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Ngumisi sya ng harapin ako.
Para akong nanigas sa kinauupuan ko. Hindi pa nagsi-sink in ng mabuti sa utak ko ang nangyari. Loading...
"Apology accepted." kumindat siya. Nag-init na naman ang ulo ko sa galit. Loading complete. Pinaghahampas ko na sya sa braso at siya naman ang walang tigil sa pagtawa.
"You perverted playboy! I hate you!" iritang saad ko.
"You're hurting me again." naka-ekis na ang mga kamay niya na animo'y pinoproteksyonan ang kanyang sarili. Letche! Kiss-stealer pa rin ang mokong!
"You deserve it!" hinablot niyang bigla ang dalawang kamay ko. Napigil ako sa paghampas sakanya.
"Pag ako nasaktan ng sobra, maghanda ka ng sorry mo... Cause I'm going to kiss you so bad..until I'm not satisfied." halos pabulong na niyang sabi. Para siyang nang-aakit sa boses niya. Darn! Nanindig ang mga balahibo ko! I really hate you Blaise Santos!!
----
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...