Chapter 10: Kiss
Ano ba yung naiisip ko? Of course kay Dylan yung mga ngiti ko. Sakanya ako kinilig. Bakit naman ako kikiligin sa kumag na Blaise na yun? Wala namang ibang ginawa yun kundi ang inisin ako e.
"Rica, Claire, dito tayo!" sigaw ni Aaron.
Nasa Music hall na kami ngayon kung saan gaganapin ang concert. Pumwesto kami malapit sa harapan para mas makita namin ang band na kakanta sa stage.
Hindi pa naman kami gaanong nagtatagal sa loob pero ramdam ko na ang excitement sa pagsisimula ng concert. Hindi na ako makapaghintay! Gusto ko na ulit makarinig ng bandang tutugtog.
"What a coincidence." susungitan ko na sana siya ng makita ko kung sinong kasama niya.
"Hey Claire, you're here." ayan na naman yung mga ngiti ni Dylan. Nakakalusaw.
"H-Hi.." nauutal kong sagot.
"H-H-Hi-Hi.." pang-aasar ni Blaise na animo'y ginagaya ako. Bwiset! Pasalamat sya at nandyan si Dylan, kung hindi baka kanina ko pa siya nasuntok sa mukha.
Tumabi sa kanang upuan ko si Blaise. Dapat si Dylan e! Sa kaliwang upuan ko naman ay si Rica na katabi si Aaron sa sumunod na upuan.
"Good evening Epidóseis students!" saad nung host sa stage. Naghiyawan naman ang mga manonood.
"We're going to start. So now let's welcome, the New Way band!" nagpalakpakan ang lahat kasama ng malalakas na sigawan.
Nagningning ang mga mata ko ng makita kong lumabas na ang grupo nila. Diretso silang pumunta sa instrument na nakatoka sakanila. Hindi na ako makapaghintay sa kakantahin nila!
Nagsimulang tumugtog ang sa drums. Sumunod ang electric guitar. Ang astig. Nakakakabog ng puso kahit simula pa lang.
"I'm not a perfect person
There's many thing I wish I didn't do
But I continue learning
I never meant to do those things to you
And so I have to say before I go.."
Nakatitig lang ako sa lead singer ng banda. Nakakamangha kasi ang dating ng pagkanta niya. Damang dama niya ang bawat lyrics. Pakiramdam ko nga may pinagdadaanan siya sa lungkot ng mga mata niya e. Nakakadala tuloy.
"I'm sorry that I hurt you
It's something I must live with everyday
And all the pain I put you through
I wish I could take it all away
And be the one who catches all your tears.."
Parang kanina pa siya may tinitingnan sa mga audience. Hindi ko alam. Pansin ko lang kasi na sa isang parte lang siya nakatitig.
"I've found a reason for me
To change who I used to be
A reason to start over new
And the reason is you
I've found a reason to show
A side of me you didn't know
A reason for all that I do..
"And the reason is you.." imbis na sa boses ng lead singer ako nakatuon sa huling lyrics, sa boses ni Blaise ako napatingin. Dinadamdam niya rin ba yung kanta?
"What?" napatitig pala ako sakanya.
"Uh, nothing." bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko.
"Claire, saan ka pupunta?" sigaw ni Rica.
"Cr lang." hindi ko na sila nilingon.
Diretso akong lumabas ng music hall. Pakiramdam ko kasi naninikip ang dibdib ko. Wala naman akong sakit pero kailangan ko lang ng hangin.
Nakarating ako sa likod ng Music hall kung saan may garden. Nakahinga ako ng maluwag. Ngayon ko lang napansin na mas gumanda pala ang lugar dito dahil sa mga makukulay na bulaklak. Idagdag mo pa ang mga puting ilaw na nakakabit sa bawat posteng nakapaligid sa garden. Kita ko rin ang paglipad ng iilang alitaptap sa paligid. Parang nagsisilbi silang ilaw sa dilim.
"Claire.."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ts. Lagi na lang bang yan ang sagot mo sa tuwing nandito ako sa tabi mo?" of course. Ano pa bang expect mo. Duh!
"O ngayon?" tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Hindi ba pwedeng nakangiti ka tulad ng pagngiti mo kay Dylan nang makita mo sya?" napangiwi sya.
"O yung itsura mong namamangha habang pinagmamasdan yung lead vocalist nung banda?" natameme ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na pinapansin niya pala yung ekspresyon ng mukha ko.
"Huh??"
"Baka mamaya patulan mo pa yung mas batang lead vocalist na yun sayo pag niligawan ka n--" nasampal ko na.
"Una sa lahat, hindi ako katulad mo na basta basta na lang pumapatol kahit kanino. Isa pa, hindi mo ko masisisi kung bakit laging inis at galit ang naipapakita kong emosyon sayo Blaise.." sandali akong napahinto. Pakiramdam ko sasabog ako sa galit.
"Baka nga naging kaibigan pa kita kung hindi ka lang babaero, manloloko, sinungaling, mang--"
Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at siniilan ng halik sa labi. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Masyadong mabilis, hindi ko inaasahang gagawin niya ang ganong karumal dumal na pagnakaw ng halik.
"So, what are you saying?" nakangisi na siya. Ni hindi ko na magawang makapagsalita. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko.
Heart beats fast.
"I hate you Blaise Santos!" sigaw ko bago umalis papalayo. I really hate him!
----
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...