Chapter 24: Call and text
Hinayaan ko na lang siyang ihatid ako papauwi. Wait, hindi si boss Logan ang tinutukoy ko, si Blaise the playboy. Ang kulit kulit kasi ng kumag. Kinonsensya pa ako sa mga utang na loob ko "daw" kahit wala naman talagang ganon.
Napadapa ako sa kama sa sobrang pagod. Napapahikab na rin ako sa antok. Gusto ko ng matulog pero hindi pa pwede, kailangan ko pang magreview.
*riiiing!riiiing!*
(Unknown number calling..)
"Hel--"
"Hello Claire.." Blaise?
"Sino 'to?"
"Your future boyfriend." kumpirmado! This is none other than Blaise Santos! ramdam kong nakangisi siya sa mga oras na to! Letche!
"Bwiset! Saan mo galing ang number ko ha?!"
"Chill. Galit kana naman." natatawa niyang saad sa kabilang linya.
"E sa nanggugulo ka e! Kanino mo nga galing?"
"Sa phone ni Dylan. Hindi pwedeng siya lang ang may number mo no."
"K. Bye, inaantok na ko."
"Wait Claire."
"Ano?!"
"Sino yung lalakeng naka-suit kanina sa store?" naalala ko si Logan, siya lang ang naka-suit kanina.
"Ahh. Si sir Logan, boss namin. Why?"
"I see. Akala ko naligaw. Mukhang mag-a-attend ng prom e." bigla akong natawa sa sinabi niya.
"Shut up Blaise."
"But honestly Claire. Something is different with him. It's kinda weird but, don't trust that kind of guy." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hibang na naman ba sya? O trip niya lang pagtripan ako? Maybe both..
"I won't. I really don't trust any guys.. including you."
"Haha that's why I like you." napairap ako.
"Ewan ko sayo. Inaantok na ko."
"Sana antok na lang rin ako. Para gabi gabi, pwede kitang dalawin." napakagat ako ng lower lip sa sinabi niya. Pinipigilan kong mapangiti. Baka kasi mahalata niya at mas lalo niya lang akong asarin.
"Tumigil ka na nga. Papatayin ko na."
"All right.. Good night, Claire. Have a sweet dreams with me." letche!
"Bwiset! Goodnight!" narinig ko pa syang napahalpak sa tawa bago ko patayin ang call.
Sandali kong tinitigan ang phone ko. Almost 5 minutes ko lang siyang nakausap pero nawala ang antok ko. Nisave ko ang number niya sa contacts ko. Blaise Santos. Napangiti na ako ng tuluyan.
"Ate pwede---bakit ka ngumingiti?" nanlaki bigla ang mga mata ko sa pagpasok ng kapatid ko.
"Hindi ako no! Tsaka pwede ba Clark, kumatok ka nga muna." medyo defensive ang boses ko sa lagay na yan.
"Sus. Boyfriend mo na yung naghahatid sayo no? Susumbong kita kay mama!" may action pa siya na kunwaring tinatakot ako sa gagawin niyang pagsumbong. Medyo na-triggered ako dun sa sinabi niyang 'naghahatid'. Akala ko walang nakakakita samin ni Blaise. Meron pala, at eto pang makulit kong kapatid. Nilapitan ko sya ng kaunti.
"As if maniniwala siya sayo."
"Mam---" agad kong tinakpan ang bibig niya. Hindi naman sa dahil isusumbong niya ako, pero ang ingay lang kase. Gabi na pa naman.
"Wag ka na ngang maingay, Clark." bulyaw ko sakanya. Nagpoker face siya sandali bago mapatingin sa hawak niyang notebook.
"Okay." napasimangot siya.
"Oh, bakit para kang namatayan?" tanong ko. Tiningala naman niya ako sabay pakita ng math notebook niya.
"Ang hirap kasi ng division. Hindi ko magets. Nakakuha lang ako ng 3 over 10 sa test namin kanina. Wag mo kong isusumbong kay mama please?" hinawakan ko sa tuktok ng ulo ang kapatid ko. Ginulo ko ang buhok niya. Ang cute niya kase.
"Sige, tuturuan ka ni ate." napangiti naman siya at agad na umupo sa kama ko.
"Yey! Sige ate, di kita isusumbong na meron ka ng boyfriend." natutuwang sabi nya.
"He! Wala nga akong boyfriend." inirapan ko na siya.
*bvvvvv!bvvvv!*
(Text message from Blaise)
"Can't sleep. Still thinking of you."
:')
"Wala daw boyfriend, pero ngiti ng ngiti. Parang baliw." sinapak ko na. Nakakaasar tong kapatid ko, panira ng moment. Minsan na nga lang ako ngumiti, eentrada pa. Pero teka, oo nga no? Bakit nga ba ako nangingiti? Baliw na ba ko?
----
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
JugendliteraturTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...