Chapter 33

3K 79 1
                                    

Chapter 33: I was worried
      
       
     
      
     
Dalawang gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa mga naiisip ko. Pagkatapos kong manggaling sa mansyon ng magkapatid, hindi na naalis sa utak ko yung mga sinabi nila. Blaise loves me?! Blaise is inlove with me?!! Ay nako! Gulung gulo na nga ako, pati puso ko nakikisama pa sa paghuhumarentado.
       
       
Ibinaon ko ang mukha ko sa unan. Sembreak na rin naman kaya nananatili lang ako sa bahay.
      
       
*bvvvv!bvvvv!*
       
      
(Text message from Blaise)
      
"Bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko?"
     
      
E sa ayoko. Isa pa, anong mapapala ko sa pagrereply sakanya? Puro lang naman pagkalabog ng puso ko ang nangyayari. Mapanandyan sya o wala, marinig o makita ko lang ang pangalan niya, nagwawala na ang sistema ko. Pakiramdam ko nga may sakit na ako e. Pacheck up na kaya ako?
      
     
Siguro nga kailangan kong magpatingin. Makapunta nga sa doctor. Baka sakaling malaman ko kung ano ba tong nangyayari sakin. Baka mamaya malala na to.
      
      
Pagkatapos kong maligo, kinalikot ko agad ang cabinet ko para hanapin yung paborito kong dress. Napa-face palm ako ng maalala kong nakasampay pa ito sa labas. Naglaba pala ako kagabi. Err!
     
    
Naglagay ako ng tuwalyang pantakip sa katawan ko. Sandali lang naman ang pagkuha ko kaya hindi na ako nagsoot ng damit. Aksayado lang ng oras.
       
     
"Mama, aalis po ako." saad ko ng makababa ako ng hagdan. Napakunot naman ng kilay si mama.
       
     
"Aalis ka ng ganyan ang soot mo?" napailing akong agad.
       
    
"Syempre hindi po, kukunin ko lang sa labas yung dress ko."
    
     
"Saan ka naman pupunta? Aalis ka, e may bisita ka." nagtaka ako sa sinabi ni mama. Tumingin siya sa may sofa sa sala kaya napatingin rin ako. At PACKING SHEET OF PAPER! NANDON SI BLAISE!!
        
    
Halos malusaw ako sa kinatatayuan ko ng makita siyang nakatitig sakin. Jusko po! Nakita nya akong nakatuwalya lang! Parehas pa kaming nanlaki ang mga mata. Agad akong napaakyat sa taas diretso sa kwarto ko.
      
      
"Bakit sya nandito?!" tumungo akong agad sa cabinet para magsoot ng damit na pambahay. Napapikit ako ng mariin sa nangyari. Nakakahiya talaga! Pwede naman nya akong makita na bagong gising, pero yung bagong ligo? Bakit yun pa! Nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi pa ako nagsoot ng damit kanina.
        
       
Sinalubong ko ng masamang titig si Blaise. Nadatnan ko siyang umiinom ng juice at ngumisi ng makaupo ako malapit sakanya. Kung nakakamatay lang talaga ang mga titig ko, baka kanina pa sya nakahandusay dito.
       
      
"What are you doing here, huh?!" madiin kong sabi. Mahina lang yun, saktong sya lang ang makakarinig. Baka pagalitan kasi ako ni mama pag nalaman nyang ganito ang trato ko sa bisita ko 'daw'.
       
      
"I was worried, so I came here to see you." inirapan ko sya.
        
     
"Shut up, Blaise." ngumisi na naman sya.
      
      
"Nga pala, napagpaalam na kita sa mama mo para bukas sa birthday ko. Pinayagan ka na nya..and your welcome." agad kong hinampas ang mokong! Nakakairita! Bakit nya ginawa yun? Si mama naman, agad pumayag. Hindi ba obvious sa mukha ng lalakeng tong hindi sya katiwa-tiwala? Err! Sabagay gwapo. Kainis!
       
      
"Oh, Claire, anong nangyayari?" bigla akong napatigil sa paghahampas ng dumating si mama.
       
    
"Uh, wala po. Aalis na daw po si Blaise." sagot ko. Ngumisi ako sakanya dahilan para magseryoso ang mukha nya. Haha! Anong akala nya, magpapatalo ako. Lol!
      
     
"Ang aga naman ijo?"
     
     
"Opo tita, nagpapasama po kasi sakin si Claire sa pag-alis niya." nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Napalingon ako sakanya na ngayon ay kunwaring maamong nakangiti sakin at sa harap ng mama.
        
      
"Huh? Hi--"
     
     
"Talaga? Mabuti naman kung ganon. Atleast alam kong may kasama na lang ang anak ko." mama, anak mo ba talaga ako?? Napabusangot na lang ako ng umalis si mama. Inaasikaso nya raw kasi ang niluluto nya.
        
      
"Bihis kana. Aalis pa tayo." nakangising saad ng kumag.
         
        
"Bwiset ka talaga!" utas ko bago kunin ang dress ko sa labas at magbihis.
       
       
     
       
---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon