Chapter 34

3K 83 5
                                    

Chapter 34: Kiss
      
      
     
      
        
Kasalukuyan na kong nakasakay ngayon sa kotse ni Blaise. Sinabi ko sakanyang pupunta ako ng doctor kaya kanina pa siya tanong ng tanong kung anong nangyari sakin.
      
     
"Mukha ka namang walang sakit ah."
       
    
"E pake mo ba."
        
         
"Napano ka nga?" hindi ko alam kung sinong mas naiinis samin ngayon. Sya na hindi ko sinasagot, o ako na lagi nyang kinukulit.
      
      
"Basta nga."
     
      
"Sa ospital na kita dadalhin." seryosong sabi nya. Bigla nyang binilisan ang pagmamaneho. Eto naman ako na agad na nataranta't napasigaw sa kinauupuan ko.
      
    
"O my god! Mababangga tayo!" ngumisi sya.
     
    
"Blaise ano ba!!" todo hawak ako sa upuan nya. Ni hindi ako naka-seatbelt tapos haharurot siya ng ganito?! Gusto nya ba kaming mamatay ng wala sa oras?!
     
      
"The heck Blaise!" unti unting bumagal ang pagmamaneho nya hanggang sa itinigil nya ang kotse sa isang tabi. Halos mamatay ako sa takot. Napahawak ako sa dibdib ko.
     
     
"You okay?" minasamaan ko sya ng tingin.
      
    
"Okay mong mukha mo! Halos mamatay ako sa ginawa mo bwiset!" tumawa sya ng kaunti. Hinarap nya ang sarili nya sakin sabay kuha sa kamay ko. Ayan na naman ang pagtakbo ng puso ko. Dinaig pa nito ang bilis na naramdaman ko kanina sa takot. Somebody explain this to me!
        
       
"Tell me, anong problema? Bakit gusto mong pumunta ng doctor?" napahinga ako ng malalim.
     
     
"Gusto mo talagang malaman? Sige." inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya. Umayos ako ng upo at hinarap ko ang sarili ko sakanya. Nagseryoso naman ang mukha nya na halatang handa ng makinig.
        
      
"Hindi ko lang naman maintindihan ang puso ko. Sa tuwing nandyan ka, bumibilis ang tibok nito. Kahit na malayo ka, kahit na wala ka at marinig ko lang ang pangalan mo, ganon ang nangyayari. Hindi ko naman nararamdaman to noon e. Kaya pakiramdam ko may sakit na ako." kita ko ang pagkislap ng mga mata nya habang ngumingiti sya.
      
      
"Hindi yan sakit, Claire." napailing iling sya. Pano naman nya nasabing hindi to sakit? May alam ba sya sa ganito?
    
    
"You like me." hinawakan nya ang mga kamay ko. Bigla kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko. Kinakabahan na naman ako.
      
     
"N-No!"
      
     
"Ganyan din ang nararamdaman ko Claire. Every time na kasama kita, nakikita o nakakausap sa phone, kahit anong tungkol sayo, my heart is racing so fast. It's like, my heart is calling for you. I can't control it." mas tumindi ang pagkabog ng puso ko. Dinig na dinig ko ito sa loob.
      
    
"H-Hindi, nagkakamali ka. Magkaiba tayo ng nararamdaman. Baka dahil to sa galit ko sayo... oo tama galit lang to." hinawakan na nya ngayon ang magkabila kong pisngi. Ngumisi sya na parang may binabalak na naman syang gawin.
     
       
"Aminin mo na, Claire. Gusto mo rin ako." napalunok ako.
      
     
"No.." halos pabulong na lang ang pagkakasabi ko. Sobrang lapit ng mukha nya sakin. Nakakalusaw ang bawat titig nya. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan ang mapupungay nyang mga mata.
      
      
Dahan dahan nyang inilapit ang sarili nya hanggang sa mapapikit ako. He sealed me again with his kiss, taking my breath away. His soft lips just melted my heart. Napasama ako sa paghalik. Hindi ko alam kung paano pero for the first time, it was so gentle and perfect. I have never gotten so lost in his kiss before.
      
      
"The next time, I will make you say you like me too.." pabulong nyang sabi. I almost faint when he smiles. My heart melted at that instant moment. I like him..
                
        
      
---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon