Chapter 12: Till next time
Hindi ko namalayang nasa loob na ako ng kotse ni Blaise. Ni hindi ko nga alam kung paano niya ako nakaladkad papasok dito. Masyado atang nililipad ang utak ko sa mga nangyari kanina sa store.
"You okay, Claire?" sabay kaway niya sa harap ng mukha ko.
"What was that?"
"Huh? Eto? Kamay ko. See." pilosopo niyang sagot sabay wagayway ulit ng kamay niya.
"Baliw! I mean, yung Veronica, bakit sir ang tawag niya sayo? Bakit ganon na lang siya umasta? Bakit sinabihan mo siya ng 'you're fired'? Anong meron?" sunud sunod kong tanong.
"Ahh. She's my assistant. My father hired her to assist me on our business. I dunno, alam ko naman kung paano na patakbuhin ang negosyo yet he still wants me to be guided by someone." napanganga ako sa isinagot niya.
Hindi ko inaasahan na sa ganda nung babaeng yun, assistant pala siya ng isang Blaise Santos. Kung sabagay, mayaman nga naman ang pamilya ni Blaise tulad ng mga naririnig ko kaya may karapatan silang pumili ng mga taong magta-trabaho para sakanila.
"I see." naliwanagan kong sagot.
"So, let's go?" utas niya.
"Huh?"
"I'll drop you at your house." nanlaki ang mga mata ko. Off ko na nga sa trabaho. Napabalikwas ako sa pinto ng kotse niya pero hindi ko yun mabuksan. Nakalock!
"Hindi na, ayos lang. Kaya ko na. buksan mo 'tong pinto. Kukunin ko pa yung bag ko."
"It's here." nakangisi niyang saad sabay turo sa likod ng kotse niya. Nakita ko nga doon ang shoulder bag.
"Oww...osige, buksan mo na to at uuwi na ako." ambang kukunin ko na sana ang bag ko ng hawakan niya ang kamay ko.
"Ihahatid na kita." kumalabog ang puso ko sa tono ng boses niya. Seryoso ito.
"O-Okay.." para akong tutang natahimik. Hindi ko kayang mainis man lang.
Sinimulan niya ng paandarin ang makina ng sasakyan palabas ng parking lot. Unang beses ko pa lang makasakay ng kotse ni Blaise. Habang pinagmamasdan ko siyang nagmamaneho, hindi ko maiwasang ma-appreciate ang features ng mukha niya. Ngayon ko lang napansin na may perfect angle ng panga etong si Blaise. Malalim at may mataas at makapal siyang pilikmata. Fuller and more symmetrical ang kanyang mapupulang labi. Mukha siyang British model. Hindi ko maitatangging ubod nga ng gwapo itong si Blaise kaya maraming nagkakandarapa sakanya.
"Amazed?" sandali niya akong nilingon. Kita ko ang pag-angat ng kanyang labi. Napangiti siya.
"Uh, no.." nahihiya kong sabi. Hindi ko napansing napatagal pala ang pagtitig ko sakanya. Napaiwas ako ng tingin.
"Don't worry, ako lang ang makakaalam nun."
"Shut up Blaise." humagalpak siya sa tawa. Nakakainis!
Nakarating na kami sa village kung saan ako nakatira. Pinasok niya pa ang kotse niya diretso sa tapat ng bahay ko. Nalaman ko sakanyang pinagtanong niya sa mga members ng Art club kung saan ako nakatira. Nakakainis nga, sinabi ko na sakanilang wag ipagsasabi kahit kanino ang address ko. Paniguradong ginamitan niya na naman ng charm yung mga babae dun kaya napaamin niya.
"Uh, thank you Blaise." saad ko tsaka lumabas ng sasakyan niya dala ang bag ko.
"Wait Claire." napatigil ako.
"Ano yun?" dumungaw siya sa bintana.
"Thank you dahil hinayaan mong ihatid kita." ang ganda ng mga ngiti niya.
"Wala yun. Ingat ka pauwi."
"Till next time?"
"Ts. Bahala ka." natatawang sabi ko.
"Really? So may next time nga. Bye Claire, Good night!" agad na umalis si Blaise sakay ng kotse niya. Naiwan akong nakangiti hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Hindi ko maalis sa isip ko kung gaano siya kasaya.
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...