Chapter 46: Kami??
Limang araw na rin ang nakakalipas ng manalo ako sa national art competition. Tuwang tuwa ang lahat ng mga nakaalam. Ipinagmalaki pa ng Admin ng Epidóseis sa buong university ang pagkapanalo ko. Naiwan man ang painting ko sa AP studio bilang isang memorabilya, meron namang isang malaking tarpaulin kung saan nakaprint doon ang theme ng na-paint ko. Para ngang original, ang kaso lang mas malaki ang tarpaulin sa canvas na pinag-paint ko.
*bvvvv!bvvvv!*
(Text message from Balise)
"Hi love of my life ;)"
"Letche." meron na naman syang panibagong pauso. Simula nung makauwi kami galing ng competition, madalas na nya kong tinatawag sa sinasabi nyang 'call sign' naming dalawa. Asa namang tatawagin ko sya dun.
Ang corny kaya!
Tsaka wala naman kaming relasyon e, At lalong lalo na, hindi ko naman sinabi sakanyang sya yung 'love of my life' na tinutukoy ko noon sa sagot ko. May balak naman sana akong sabihin pero agad nya akong inambunan ng pang-aasar nya. Kaya ayun, hindi ko na inamin muna. Nabwisit ako e. Pero mahal ko pa rin.
(Text message to Blaise)
"Pinanindigan mo na talaga yang call sign mo ano."
"Claire, tara Starbucks tayo." pagyayaya ni Rica. Saktong kakatapos lang ng klase namin.
"Treat mo?" pang-aasar ko.
"Osige ba!"
"Oh, buti? Kayo na siguro ni Aaron no?"
"Hindi pa, sinabi ko naman sayo, nanliligaw pa lang diba." tinaasan ko sya ng kilay. Nagcrosed-arms pa ako habang tinitingnan sya ng maigi sa mukha.
"A-Ano? Hindi pa nga kami Claire."
"Wala naman akong sinasabi ah. Defensive ka masyado." natatawang sabi ko. Napasilip ako sa phone kong wala pa ring reply ni Blaise. Kung noon ay kasing bilis ng kidlat ang reply nya, ngayon kasing bagal na ng pagong.
"Alis na nga tayo."
"Uh, oo.."
Marami kaming napag-usapan ng makarating kami ni Rica sa Starbucks. Hindi naman talaga sya papahuli sa mga chismis. Kung tutuusin, sakanya ko lang halos nalalaman lahat ng balitang kumakalat sa university o kahit saan.
"Nakita mo na ba yung kumakalat na post tungkol kay Stella?" mahinang saad ni Rica. Lumingon lingon pa sya sa paligid. Napakunot naman ako ng noo. Pake ko ba dun?
"O ngayon?" sabay higop ko ng frappé.
"Ediba nung dati nakwento mo yung sinabi nung ate ni Blaise kay Stella na 'she don't like dirty whore for his brother'. Sabi mo di mo gets bakit nya nasabi yun.."
"And??"
"Ayun, positive. Nagpapakama nga si Stella para sa mga luho nya. Daming ebidensyang nakakalat sa facebook. Pictures nya mismo.. Ibang klase!" sabay paypay ni Rica gamit ang mga kamay nya.
"Talaga? Sino naman ang gumawa nun?"
"Ewan e, unknown page lang sya. Pero nagtrending, abot hanggang kabilang university.." sabay higop nya ng kanyang frappé. Napatango tango ako, tinutukoy nya nito ang Norman Addington university. Sister school lang kasi namin yun dahil magkakilala ang mga may-ari.
"Nga pala, kumusta na kayo ni Blaise?" bigla akong napaubo sa iniinom ko. Muntik ko pa itong mabuhos sakanya.
"Letche naman. Pwede bang wag pabigla bigla?" sabay irap ko.
"Okay, ulitin ko ba?"
"Baliw."
"So kamusta na nga kayo? May something na ba?" pag-uulit nya. Actually, wala naman syang alam sa nararamdaman ko para sa kumag na yun. Ako lang. Unang beses ko lang kasi tong maranasan kaya hindi ko talaga alam kung paano ito i-open up sa ibang tao.. lalo na sa taong mahal ko.
"Ayos lang.."
"Ayos lang? Paano? Ayos na magkaibigan o magka-IBIGAN?" sinamaan ko naman sya ng tingin. Paniguradong na-addopt nya to kay Aaron.
"Hm..wala." tsaka ako napaiwas ng tingin. Ni hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Kahit ako kasi, hindi alam kung ano bang meron saming dalawa. Ni hindi naman kami mukhang magkaibigan sa pag-aasaran namin. AT lalong lalo naman ang magka-ibigan na tinutukoy nya, wala pang enough evidence para sabihin kong nag-iibigan nga kami ni Blaise.
"Anong wala? Duh! Palagi kayong magkasama, tapos hindi mo alam? Ano bang ginagawa nya sayo? Nag-e-effort bang magtext o call?"
"Yun lang ba ang sukatan ng pag-iibigan na tinutukoy mo? Ganon lang ba kayo ni Aaron?" biglang nanlaki ang mga mata nya. Mukha syang nabigla sa sinabi ko.
"S-Syempre hindi. Palagi kaming magkasama, caring din sya at sinasabi kung gaano ako kahalaga sakanya.. Parang susunod na effort na lang yung call and text dun." napatango tango ako. Lahat ng sinabi nya, pasok sa mga nagagawa ni Blaise. Ang tanong lang, totoo ba lahat ng yun? Kasi what if, trip niya lang akong pagtripan ng ganito katagal? What if pag nalaman nyang mahal ko sya, tsaka nya ko iwan sa ere?
Pero paano kung totoo naman? Kaso pano kung bumalik yung Lucy na una nyang minahal, edi mawawala yung nararamdaman nya sakin? Edi masasaktan rin pala ako..
*bvvv!bvvvv!*
(Text message from Blaise)
"Call you later."
Alam kong busy sya sa practice kaya hindi dapat ako magalit. Wala rin akong karapatan dahil alam kong wala namang kami. Pero the heck! bigla akong nakaramdam ng sakit..
----
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...