Chapter 57

2.9K 55 8
                                    

Chapter 57: Buntis
     
    
     
     
       
Na-late na ako ng gising dahil sa pagod ko sa pagtulong kay mama sa pagbe-bake kagabi. Nagmadali akong tumayo at maghanda para sa pagpasok ko ng school. Sht!
      
       
Napatakbo ako ng mabilis papasok sa classroom ko at nadatnan ko namang nag-iingay ang mga kaklase ko. May nagbabatuhan pa ng crumpled paper at nagsisigawan. Parang mga mga elementary students. Tss!
     
      
     
"Claire!" bungad sakin ng iilan sa mga kaklase kong babae. Ang sama ng mga titig nila sakin. Napalunok naman ako. The heck! What's this all about?
      
    
"Ano?" malumanay kong tanong. Grabe! Mukha akong mahinhin sa dating ko ah?
     
     
"Girlfriend ka ba ni Blaise?"
      
     
"Bakit ikaw ang date nya?"  
    
     
"Kailan pa kayo nagkakamabutihan?"
     
     
Napakunot ang noo ko sa mga tanong nila. Oo nga pala, magkasama kami ni Blaise last week sa prom kaya maraming nakakita samin. Sabi ko na nga ba, expect ko naman na puputaktihin ako ng mga tanong pagkatapos ng pangyayaring iyon.
     
    
"Uh, pwede bang isa isa lang?" saad ko.
   
     
"Girlfriend.ka.ba.ni.BLAISE?" madiing tanong ng isang kaklase ko. Pakiramdam ko nga pinapatay na nya ko sa mga titig nya.
     
     
"H-Hindi.." hindi ko naman pa naman siya sinasagot e. Oooops.
      
     
"Talaga? So totoo ngang iba yung girlfriend nya." tsaka sila nagtinginan. Medyo naguluhan ako sa sinabi nya kaya napatanong ako.
      
     
"Sino?"
     
    
"Yung kaklase nya, si Lucy.." tsaka sya umirap. Parang inis na inis syang malaman na taken na ang ultimate crush nya.
     
  
"Kanino nyo naman nalaman yan?" tanong ko. Imposibleng maging sila. Kami pa lang ni Blaise ang laging... TEKAAAA, hindi na kami laging magkausap sa phone ngayon dahil sabi nya, busy sya.
       
     
Hindi ko naman sya pinag-isipan ng kung anu ano dahil malaki ang tiwala ko sakanya.
       
     
"Duh Claire! Kalat na kaya. Hinahatid sundo nya pa nga daw si Lucy this past few days no." freaking no waaay!
       
       
"Tsaka kanina, dumaan pa lang silang dalawa na magkasama. Bagay na bagay nga silang dalawa."
       
        
"Shut up Chin! Kami ang bagay ni Blaise.."
      
        
Kahit na alam kong walang katotohanan ang sinasabi nila, para pa rin akong binabagabag ng sarili kong konsensya. Parang sinasabi nito na dapat kong alamin kung anong ginagawa ni Blaise pag kasama si Lucy, kung totoo nga bang sila, kung totoo bang may namamagitan sakanila... Kahit na hindi dapat, nakakaramdam ako ng sakit sa puso.
       
       
Pinag-uusapan pa lang nila ang taong mahal ko na may kasamang iba, hindi ko na ma-imagine kasi masakit...pano pa kaya kung totoo?
     
        
"Excuse me." tumayo akong agad sa inuupuan ko at lumabas ng classroom. Wala na akong pake kung may darating na prof. Ang tanging tumatakbo sa isip ko ngayon ay kung totoo ba ang sinasabi ng mga kaklase ko tungkol kay Blaise at Lucy.
      
        
Kalat ng sila na?? Paano? Bakit wala akong alam? O ako lang ba talaga ang walang alam?
       
      
Habang naglalakad ako patungong classroom nila Blaise, bigla akong napatigil ng makarinig ako ng,
       
       
"No Blaise!" medyo nacurious ako kaya napasilip ako sa storage room. Nakabukas ng kaunti ang pinto kaya sakto. Laking gulat ko ng makita ko doon si Lucy at Blaise.
       
       
      
Bakit magkasama sila?
      
      
Bakit nandito sila?
    
     
May tinatago ba sila?
    
 
"Pero Lucy, we need to tell them." utas ni Blaise. Anong we need to tell them? Ang alin? Relasyon nilang dalawa?
     
        
"Not now Blaise.. natatakot ako. Masisira ang reputasyon ko pag nalaman nilang buntis ako, pati ikaw. Alam nilang ikaw ang kasama ko noon kaya pupuntiryahin ka ng media." napakurap kurap ako. Parang dinudurog ang puso ko sa mga narinig ko.
     
      
"Okay.." bumuntong hininga si Blaise. Niyakap naman sya ni Lucy.
     
        
Hindi ko na kinaya ang nakikita ko kaya tumakbo na ako papalayo. Nilulunod na ng mga luha ang mata ko. Malabo na ang nakikita ko pero tuloy pa rin ako sa pagtakbo. Nasasaktan ako..sobra.
       
      
I trusted him a lot pero sinira niya lang. Niloko nya lang ako. Buntis si Lucy at siya ang ama, 3 months ago ng umalis sina Blaise papuntang France at may nangyari pala sakanila. The heck! Tama pala ako, nagkamabutihan sila, sumobra pa nga to the point na naglove making na sila. Sht!!
       
       
At kaya rin pala nandito si Lucy ay para mapanagutan ni Blaise ang bunga ng nangyari sakanilang dalawa. Wow! Bakit hindi ko naisip yun noon pa?
  
    
    
Ang tanga ko!
     
          
     
Sa pagtakbo ko, hindi ko namalayang may nakaharang pa lang bato kaya nadapa ako. Agad akong napatingin sa duguan kong tuhod at siko. Mahapdi sa totoo lang...
      
        
"Sht! Claire!" Blaise... he's here?
     
         
"Dylan.." mas naiyak ako ng makita ko sya. Mali pala ang akala ko. Magkaboses nga pala sila, bakit hindi ko naisip yun?
     
     
        
---

Cold HeartedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon