Chapter 31: Because I love you
Last subject na lang ang tine-take ko ngayon sa exam. Malapit ng matapos ang oras kaya naman nagfocus ako sa pagsasagot ng mga tanong. Hindi naman ako gaanong nahirapan dahil nagawa kong mag-aral nitong mga nakaraang araw. Hindi na ako napupuyat dahil wala na akong trabaho. Nakapagresign na ako mismo kay Logan sabay sauli rin ng evening gown na pinasoot nya sakin nung minsan.
Natapos ang 2nd quarter exams at oras na ng labasan. Nagpaalam na akong mauuna kay Rica, naalala ko kasi ang usapan namin ni Scarlett tungkol sa pagtulong sakanya sa pagbe-bake ng cake.
"Hi Claire!" bungad sa akin ni Scarlett pagkalabas ko ng classroom. Ibang klase rin ang isang to kung sumulpot. Parehong pareho sila ng kapatid niya.
"Hello Scarlett, kanina ka pa?" tanong ko.
"Nope. Halos kadarating ko lang rin." nakangiti niyang sagot. Napansin ko ang mataas na naka-ponytail niyang buhok. Mas kita tuloy ang bawat features ng mukha niya. Halatang alagang alaga ang kutis nyang porselana.
"Let's go?"
"O-Okay." sagot ko. Hinila nya agad ako sa hallway papalabas ng university. Nabatchawan ko si Dylan na kasama ang ibang players ng basketball. Napalinga linga pa ako sa grupo nila pero wala akong Blaise na nakita.
"Kuya driver, sa bahay." untag ni Scarlett ng makasakay kami ng van. Kanya ito panigurado. Color violet ang loob at may nakalagay na pangalan niya sa mismong likod na bintana ng van.
*bvvvv!bvvvvv!*
(Text message from Blaise)
"Didn't see you at school :("
Hindi ko na lang sya nireplyan. Paano niya ko makikita, e siya tong nawawala. Baka siguro nambababae na naman. Ewan. Bahala siya, hindi ko naman expect na magbabago siya. Wala namang special sakin para baguhin niya ang bagay na kinasanayan nya.
Madali lang siguro sakanyang sabihin yun, pero yung tototohanin niyang gawin? Imposible. Blaise Santos will always be Blaise Santos. The cold hearted playboy.
"We're here, Claire." utas ni Scarlette ng bumukas ang matayog na silver and gold na gate. Halos lumuwa ang eyeballs ko sa halos palasyong bumungad samin. Pumasok kami sakay ng van. Hindi ko maiwasang mamangha sa lawak ng espasyo na tinahak namin bago makarating sa mismong mansyon.
Pagkababa namin ng van, sinalubong pa kami ng tatlong naka-uniform na maids. Bumati pa sila at inalalayan kami papasok. Para akong nagfi-field trip sa mansyon ng Santos family. Nandyan pa si Scarlett na animoy isang tour guide at halos sinasabi ang bawat detalye ng tinitirhan nila. Kahit tinitingnan ko pa lang ang bawat furnitures at disenyo sa loob, masasabi ko talagang SOBRANG YAMAN ang may-ari nito. Ibang klase! Ang gara nga ng pamumuhay ng magkapatid.
"Ayos ka lang ba Claire?" tanong ni Scarlett ng makarating kami sa kusina. Pati disenyo ng kusina nila, hindi nagpatalo. Unbelievable!
"Uh..oo."
"Sure ka? Want me to call Blaise for you?" agad kong naramdaman ang paglundag ng puso ko. Kinabahan ako sa sinabi nya. May alam ba sya sa nangyaring confession ni Blaise nung isang gabi?
"H-Hindi na Scarlett." natawa sya. Nahalata nya siguro ang pagkabalisa ko.
"Okay, as you've said." kumindat sya. Agad nyang ibinaling ang atensyon nya sa mga cabinet. Mukha syang may hinahanap.
"Yaya?" sigaw nya. Nakatatlong beses pa syang tumawag pero walang nakarinig. Sa laki ba naman ng mansyon nila, imposible ngang magkarinigan pa sila dito.
"My gosh! Wait lang Claire ah? Hindi ko kasi alam saan itinago yung mga ingredients na napamili ko. Hanapin ko lang sina yaya." saad nya. Tumango naman ako at hinayaan syang umalis.
Umupo muna ako sa malambot na bar stool at nagmasid. Ang tahimik ng paligid. Ni wala akong marinig kundi ang paghinga at pagpadyak ko.
*piano from somewhere is playing*
Napalingon ako sa labas ng kusina. Ang ganda ng naririnig kong tugtog ng piano. Mabagal lang ang tugtog pero hindi siya nakakaantok. Ang romantic. Lumabas ako para hanapin kung saan nanggagaling ang tugtog. Parang na-conscious ako.
*piano still playing*
Sinundan ko ang tugtog. Habang papunta ako sa isang nakabukas na sliding door ay palakas ng palakas ang piano. Hinala ko, doon ito nanggagaling.
Napanganga ako ng makita ang itim na grand piano at kung sino ang tumutugtog dito.
"Blaise..." hindi niya ako narinig. Tuloy lang sya sa pagtugtog. Halos tumayo ang balahibo ko habang pinapanood sya. Hindi ako makapaniwala na marunong pala syang kumapa ng ganitong instrumento.
Naghuhumarentado na naman ang puso ko. Tila ba gustong kumawala nito sa dibdib ko.
"Did you like it?" para akong tangang napatingin sa paligid ko. Akala ko may kausap syang iba. Tsaka ko lang nalaman na ako pala ang kausap nya ng harapin nya ako.
"Uh, oo. Pwede na.. marunong ka pala." ngumiti sya. Sinenyasan nya ako na umupo sa tabi nya. Sumunod naman ako. Ewan, na-hypnotized ata ako sa tinugtog nya.
"Yeah. Since I was a kid, my father wants me to learn how to play a piano. Dapat ay si Scarlett ang gagawa, but she's not a fast learner kaya nagprisinta ako kay dad na ako na lang. Gusto nya kasing may ipagmamalaki siya sa tuwing nariyan ang mga kasosyo nya. Palagi nya akong pinapatugtog para mapamangha sila. Kahit na hindi ko gusto, sinunod ko pa rin sya. Hanggang sa lumaki ako na nakasanayan ko na lang at nagustuhan ko rin.." sandali syang napatigil at tumingin sa piano.
"Aside from my family, ikaw lang ang nakakaalam na marunong ako sa piano." napakunot ang noo ko. Medyo nagtaka ako sa sinabi nya.
"Ako lang? Bakit?"
"Nakakahiya. I know that people will laugh at me when they found out that Blaise Santos, the famous playboy and basketball team captain can play a feminine fucking instrument."
"Why are you telling this to me? Hindi mo ba naiisip na baka pagtawanan rin kita? O hindi ka ba natatakot na baka ipagsabi ko?" sunud sunod kong tanong. Hinarap nya ako sabay hawak sa mga kamay ko.
"Because I love you." the way his eyes shines so bright when he smiles, it is enough to melt my heart away.
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Roman pour AdolescentsTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...