Chapter 55: Circle
Nandito kami ngayon ni Rica sa isang fashion boutique para magrent ng gowns para sa prom. Hindi na kami nag-attend ng school festival para mapagtuunan ito ng pansin. Sa susunod na araw na rin kasi ang prom at kailangan na naming maghanda.
Noon, wala naman akong hilig sa ganitong events. Hindi nga ako nag-attend last year dahil nabo-bored lang ako. Pero ng kagabing yayain ako ni Blaise para maging date nya, wala ng anu ano pa at pumayag na ako. Aba! Minsan lang naman ito kaya susulitin ko na rin.
Buti na lang at may ipon ako galing sa trabaho ko noon kaya hindi ako mahihirapan ngayon na pumili ng sosootin ko. May pamabayad ako kaya kaya kong bayaran ang gown na magugustuhan ko.
*bvvvv! bvvvv!*
(Text message from Blaise)
"White. Yun ang kulay na gusto kong isoot mo sa prom."
Whaaat? Really? Uutusan niya ako? Para saan naman ang kulay na yun? Wala namang theme color ang prom namin for this year ah.
(Text message from Blaise)"Sumunod kana lang. I love you."
Hindi ko na sya nagawang replyan dahil sa inis ko. Sa hindi malamang kadahilanan nagawa kong tanungin ang may-ari ng boutique ng, "May kulay white po ba kayong mga gowns para sa prom?" tsaka ako napalunok.
"Oh yes ija! Marami kamin nyan dito, halika." sumunod naman ako papunta sa isang kwarto. Puno ito ng mga nag-gagandahang gowns. Habang nagmamasid ako, napukaw ng mga mata ko ang isang eleganteng white gown na parang style ng gown ni Belle sa Beauty and the Beast.
"Pwede po bang masukat ito?" tanong ko sa may-ari. Sumang-ayon naman sya at tinulungan pa ako sa dressing room para maisoot ito. Sa paglabas ko, kita ko ang pagnganga ni Rica ng makita nya ako.
"Ang ganda mo Claire!" aniya habang pabalik balik akong tinitingnan simula ulo hanggang paa.
"T-Talaga?" tanong ko. Humarap ako sa isang malaking salamin at halos mapanganga rin ako sa ganda ng gown na soot ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil nagawa ako nitong pagandahin.
Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at kinuha ko na ang gown para sa prom. Kings and Queens Ball ang motif ng prom namin ngayon kaya naman kailangan pa namin ng iilang accessories ni Rica para magmukhang Queen.
Lumipas ang oras ng paglilibot naming dalawa ni Rica at nakumpleto na rin namin sa wakas ang mga gagamitin namin para sa prom. Nakakapagod man pero sulit dahil halos nagustuhan namin ang mga pinamili namin.
*bvvv! bvvv!*
(Text message from Rica)"Sa bahay na ako. Ikaw?"
(Text message to Rica)"Yep. Thanks sa time mwaa!"
Napadapa akong agad sa kama ko sa sobrang pagod. Buti na lang at school festival kaya hindi ko na kailangan pumasok bukas.
*tok! tok! tok!*
"Ate boyfriend mo.." agad akong napabangon sa kinatatayuan ko sa sinabi ni Clark. Putspaaaaa! Anong boyfriend? Sino? Si Blaise? Hindi pa naman kami e!
Sa pagbukas ko ng pinto, bumungad agad sakin ang Blaise na nakangisi habang may hawak hawak na isang paper bago. Napasulyap pa ako kay Clark na nakatingala saaming dalawa at parang nagtataka.
"Dun ka nga sa kwarto mo Clark!" utos ko sakanya. Inirapan naman nya ako at agad rin namang sumunod. Natawa naman ng kaunti si Blaise.
"Manang mana sa pag-irap mo ang kapatid mo ah." aniya pa. Inirapan ko naman sya kaya lalo syang natawa. The heck!
Hinayaan ko syang pumasok ng kwarto ko. For the first time, nakita nya kung gaano ako kalinis sa sarili ko. Syempre pa-impress ako duh!
"Naparito ka?" tanong kong nakapameywang. Napanguso naman sya na parang nagpipigil ng tawa. Ano bang nakakatawa sa mukha ko?
"Ano bang problema mo?" naiinis kong tanong. Napayuko naman sya sabay iling.
"You look hot." nakangisi nyang saad sabay kagat ng kanyang labi. Tsaka ko napagtanto na nakashorts lang ako at naka-spaghetti top. Err!
Agad kong kinuha ang kumot ko sabay itinakip yun sa katawan ko. Para akong suman ngayon.
"Bwiset! Bakit ka ba nandito?" kita ko ang pamumula ng pisngi nya. Hinila naman nya ako paupo sa tabi nya. Kinalikot nya ang paper bag na hawak nya at inilabas ang isang puting box.
"Wear this crown, sa mismong prom. Gusro kong makita kang soot yan..okay?" sabay bukas nya ng box. Namangha ako sa silver crown na may maliliit na diamons sa paligid nya. Maliit lang ito pero visible pag sinoot sa ulo.
Magsasalita na sana ako ng ilabas nya pa ang isang pahabang box at binuksan ito sa harapan ko.
"I put your name in a circle instead of a heart. Because hearts can break, but circles go on forever.." nakangiting saad nya habang isinosoot ang bracelet sa kamay ko. Pakiramdam ko ikinakasal na kami. Feeling ko kasi he's telling his vow infront of me. haha OA Claire!
"That's how I love you Claire.. forever."
Pinagmasdan kong maigi ang bracelet, para akong maiiyak sa tuwa ng makita ang Claire na pangalan ko na naka-calligraphy style sa loob ng circle na pendant ng silver bracelet. It was beautiful... so beautiful..
Imbis na umangal ay nagawa kong ngumiti at yakapin ng mahigpit si Blaise.
"Thank you, Blaise... I love you.." ang bango nya talaga.
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...