THIS WILL BE THE LAST CHAPTER OF THIS STORY. AND YEAH, IT'S BLAISE'S POINT OF VIEW.. ENJOY!
Chapter 65
Naghiyawan ang halos lahat ng mga tao sa loob ng music hall. Meron pang tumitiling mga babae sa may bandang likod. Hindi ko naman sila gustong pansinin dahil nakatuon lang ang buong atensyon ko kay Claire.
She's blushing..
"God Blaise! Marunong ka pa lang mag-piano.." saad ng tropa kong si Andrew ng makalapit sila. Sumunod na dumating ang iba ko pang tropa sa likod nya. Dala dala pa nila ang mga mask na ginamit nila kanina sa prank.
Oo nga pala, wala silang alam sa pagtugtog ko. Kung hindi lang dahil kay Claire, siguro nililihim ko pa ito hanggang ngayon. Masyado kasi akong pinangungunahan ng hiya at takot.
Hindi ko rin tuloy mapigilang mapangisi sa itsura ni Claire ngayon, para syang nahihiya na may halong inis.. Sorry babe HAHA!
"Hell yeah, pag kinasal kami ni Zoe, ikaw ang tutugtog ah?" sabi ni Hunter. Mukambibig na lang nya lagi si Zoe. Sabagay, naiintindihan ko naman sya. Kahit naman ako mukambibig ko na lang lagi si Claire. Hindi ko naman kasalanan kung mahulog ako sakanya ng ganito.
"Sinong humawak kay Claire kanina? Bakit nag-Aray sya? Diba sabi ko wag dapat syang masaktan?!" napakunot ang noo nilang lahat.
Wag nilang sabihin na itatanggi nila? Dinig na dinig ko pa lagng si Claire sa pag-Aray niya kanina. Kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko, baka kanina ko pa sya napuntahan nung tawagin nya ako.
"Malay ko sa mga yan." Christopher said.
"Ang dilim kaya, ayaw mo namang buhatin namin sya.." sabay hagalpak ng tawa ni Hunter. Sinamaan ko sya ng tingin tsaka binatukan. Loko talaga.
"Fvck Blaise, don't tell me pati pag-Aray ni Claire sa dilim, gusto mo sayo lang---Sht ano ba masakit!" nagtawanan na ang lahat sa tuluy tuloy na pambabatok ko sakanya. Nakakahiya ang mga pinagsasabi nya, lahat na lang may kababuyan.
"Lahat ng meron si Claire..." napatigil ako sandali at hinigot sa bewang si Claire papalapit sa katawan ko. "Akin lang." dugtong ko.
I just can't stop myself from smiling while seeing this girl beside me wearing her own cute smiles. God Claire..
"We all know about that captain." nag-salute pa ang mga siraulo sa harapan ko na parang mga sundalo.
"Good." I replied. Nakipag-apiran naman silang lahat sakin bago kami iwan ni Claire.
Hindi na rin kami nagtagal ni Claire sa loob ng music hall. Napagdesisyon kong yayain sya sa bahay namin kung saan makakapag-usap kami ng mas pribado para saming dalawa.
I want to spend time alone with Claire.
Kung tutuusin, hindi lang naman ngayon, gusto ko oras oras nasosolo ko sya. Gusto ko palagi ko syang kasama sa tabi ko. Mas komportable ako pag nandyan si Claire. Pakiramdam ko kasi, kulang ako kung wala sya. Hindi ko na ata kaya kung paano mamuhay ng maayos pag hindi ko sya nakikita. Natatakot na akong mangyari ang nangyari noon sakanya. Ayoko ng maulit yun kaya mas iingatan ko na sya sa pagkakataong ito. Takot akong mawala sya... Sya ang buhay ko, yun lang ang alam ko.
"Lalim ng iniisip ah?" saad ni Claire ng mapansin nya akong nakatulala. Magkatabi kami ngayon sa sala habang nanonood. Nakakulong sya sa mga bisig ko kaya wala syang kawala.
"May problema ba kung iniisip kita?" tanong ko tsaka sya nginisian.
"Iniisip mo pa rin ako kahit kasama mo na ko? Ibang klase ka rin kung mambola ano?" saad nya tsaka umirap. Hanggang kailan niya ba ako balak sungitan? Kahit mahal nya ko, mas dumadalas pa ang pagsusuplada nya imbis na maglambing. Mga babae talaga, hirap intindihin.
"Alam mong mahal kita Claire, kaya lahat ng sinasabi ko, totoo." kita ko na naman agad ang pamumula ng pisngi nya. Nag-iwas pa sya ng tingin na parang nahiya sa sinabi ko. Napakagat tuloy ako ng ibabang labi, she's so damn cute..
"Anong gagawin natin--sht! Bakit ganyan ka makatingin?!" ano bang problema nya sakin? Bakit lagi na lang syang nabibigla na parang nakakita ng multo? Tsaka ano bang meron sa tingin ko?
"W-What?"
"Anong what? Kagat kagat mo yang labi mo tsaka..ugh! Ewan ko sayo Blaise!" napangisi ako.
"Wala namang masama sa ginagawa ko ah?"
"Whatever."
"May gusto kang gawin diba?" napatingin sya na parang nagtataka. Inilapit ko ang mukha ko sa tenga nya sabay bulong ng, "Want us to try something new?"
"The heck Blaise!" sigaw nya sabay tulak nya sakin. Para na syang kamatis sa sobrang pula nya. She's making me crazy as hell! Haha!
"Let me go!" aniya habang kumakawala sa mga yakap ko. Sa sobrang pagpupumilit nya, nahila ko sya papahiga sa sofa.
Oh God! Bigla akong kinabahan sa dating ng pwesto naming dalawa. Nakapaibabaw ako sakanya habang hawak hawak ko sya sa magkabilang kamay. My heart is like a car racing so fast.
Napalunok ako.
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang bawat detalye ng mukha nya. Nakakadala talaga ang kagandahan ni Claire. Pero hindi lang naman ito ang dahilan kung bakit ko sya minahal, alam ko sa sarili ko kung gaano sya kaiba sa lahat ng babae kaya ganito na lang akong nahumaling sakanya.
"B-Blaise..." malumanay nyang saad. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko na syang agad. Parang nag-aalab ang puso ko ng maramdaman ang pagganti nya sa mga halik ko. Naramdaman ko pang nagsitayuan ang mga balahibo ko ng humawak siya sa batok ko. Nahuli nya ang kiliti ko.
Napatigil akong sandali sa paghalik sakanya, napangiti pa ako ng makitang nakapikit sya habang nakaawang ang mga labi nya. Damn, I wonder what I did to deserve her..
"You're mine Claire.." saad ko. Napadilat naman sya at direktang tinitigan ako sa mga mata.
"Just yours, Blaise.." she murmured.
"Damn! I love you.."
"I love you too--" hinalikan ko na syang agad. Sorry, I just can't help myself. I'm so addicted to her. The girl who's been so cold-hearted to me has fallen inlove with me. What a good ending of our story huh?
---

BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Novela JuvenilTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...