Chapter 4: Shame you
"Thank God nasalo kita." kahit hindi ko naman sadyang mahulog sayo.
Ibinaba niya ako agad sa mga bisig niya.
"Ms. President, sorry po! ayos ka lang ba?" tanong ni George, isang senior high school na member rin ng Art club.
"Are you blind? Hindi pa ba obvious na muntik na siyang masaktan sa kalamyaan mo!" halos manlaki ang mga mata ko sa pagsigaw ni Blaise kay George.
"S-Sorry po.." pinalilibutan na kami ngayon ng ibang members ng Art club at mga team ni Blaise sa basketball.
"Your sorry can't do anything!"
"Blaise.." mukhang hindi niya ako narinig.
"Ang lalaki niyo na pero nagtatatakbo pa rin kayo. Ano kayo, mga batang may diaper pa sa pwet?!"
"Blaise stop.." hello?? Can't you hear me?
"H-Hindi ko po sinasadya sir."
"Hindi sinasadya?! Come on, may utak ka! Dapat--"
"I said stop!!" natahimik siya.
"Sorry po Ms. President...sorry po talaga..hindi na po mauulit..sorry po." sabay luhod ni George. Umiiyak na siya.
"Hey George, it's okay." pinatayo ko siya. Alam kong hindi naman niya ginusto ang nangyari.
"Ganon na lang yun ha Claire?"
"Alam kong hindi naman niya sinasadya. Aksidente lang ang nangyari."
"What? Maniniwala ka talaga sakanya? Wow!"
"Stop it Blaise." madiin kong sabi.
"Fine." mapakla siyang ngumiti tsaka umalis. Napabuntong-hininga na lang ako. Ni hindi ko nagawang magpasalamat sakanya tapos nasigawan ko pa siya. Err!
"Pagpasensyahan niyo na lang si Blaise. Ganon lang talaga yun." saad ng isang teammate niya.
"Uh, sige.."
*preeeeeeet!*
"Let's start team!" sigaw ni Mr. Navarro kaya nabalik ang lahat sa normal.
Napalingon ako kay Blaise na ngayon ay umiinom ng tubig. Mukhang nainis ata siya nangyari. Napahiya ko ata siya? Malamang!
"Ayos ka lang ba talaga Claire?" biglang lapit ni Aaron.
"Uh, oo.." kahit na hindi. Nakokonsensya ako.
Nagsimula na ulit kaming magpinta sa billboard. Naging maingat na lang ako sa taas. Ako ang nagsimula kaya gusto kong ako ang tatapos. Napatingin ako kay George na ngayon ay tahimik. Mukhang nadala siya sa mga sinabi ni Blaise.
Wala naman akong masisisi sakanila. Baka concern lang si Blaise kaya nasabi niya yun. Si George naman, sabihin na nating lalamya-lamya siya pero hindi naman niya gustong mangyari yun. Haaaaay.
Hihingi na lang siguro ako ng sorry.Kanino? Kay Blaise.
Kinabukasan
Dumiretso kami ng mga kasama ko sa Art club sa gymnasium para tapusin na yung billboard. Gusto ko ng matapos to para patutuyuin na lang hanggang bukas.
"Ang galing mo talaga Ms. President!" namamanghang sabi ni Bianca habang nakatingala sa natapos kong pagpipinta sa taas.
"Salamat Bianca, kayo rin naman e."
*preeeeeet!*
Nakakailang pito na si sir Navarro pero wala pa rin akong nakikitang Blaise sa basketball team. Hindi ko na siya nakausap kahapon dahil agad siyang umalis. Balak ko sana ngayon pero wala naman siya.
"Ang galing niyo guys!" puri ko sakanila matapos naming mapinta ang buong billboard. Ang galing. Kuhang kuha ang nasa poster na pinakopya samin.
"Pwede na bang umuwi Ms. President?"
"Oo naman."
"Yey! Salamat po!" ang saya nila. Nakakatuwa dahil hindi may mga kasama akong tulad nila.
"Sige, ingat kayo sa pag-uwi."
Hinintay ko munang maunang makalabas ng gymnasium ang mga kasama ko. Balak ko kasing lapitan ang basketball team para tanungin kung nasan si Blaise. Gusto ko lang namang magpasalamat at magsorry sa nangyari kahapon.
"Excuse me.." utas ko sa isang player ng basketball team.
"Ano yun?"
"Hm. Bakit hindi nag-practice si Blaise ngayon?"
"Ahh. Nilalagnat daw kasi." kaya naman pala wala siya.
"Uh, okay salamat."
Napagdesisyunan ko na ring umuwi na lang muna. Siguro tsaka ko na lang sya kakausapin kapag nakita ko siya.
Mag-isa kong tinahak ang daan papalabas ng university. Ganito naman madalas. Uuwi akong mag-isa, papasok ng mag-isa. Paulit ulit lang. Sanay na rin naman ako kaya okay lang.
"Haha! You're so funny Blaise!"
Blaise?!!
Napatingin ako kung saan nanggagaling ang boses ng babae. Masaya itong tumatawa habang nakapalupot sa bewang niya ang kamay ni...Blaise.
"Akala ko bang nilalagnat siya?"
"Blaise Santos, isang manloloko, playboy, bolero, manggagamit, sinungaling, mayabang, antipatiko, malandi, walang respeto at nananakit ng babae."
Bakit ba nawala yun sa isip ko?! Hindi porket niligtas niya lang ako kahapon sa pagkakahulog ko sa hagdan, hindi ibig sabihin na magbabago na yung tingin ko sakanya.
"Don't worry..you'll be one of them."
No way! Buti pala at hindi ko siya kinausap. Baka isipin niya nahulog na ko sakanya. Tama lang na hindi ako mag-sorry sa ginawa ko sakanya. Tama lang na isipin niyang galit ako dahil galit naman talaga ako sa mga tulad niyang manloloko! Shame you Blaise Santos!
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...