Chapter 26: Let me talk to you
Next week na ang second quarter exams. Ibig sabihin, matatapos na ang first semester. Sembreak na pagkatapos! Pag naiisip ko yun, ginaganahan akong pumasok, alam ko kasing ilang sandali na lang at pahinga na naman.
"Claire!" napalingon ako sa likod. Isang magandang nilalang ang papalapit sa akin.
"Uy Scarlett.." may kasama siyang isang morenang babae. Siguro isa to sa MGA kaibigan niyang mayayaman din.
"Tama pala si Blaise, dito nga kita mahahanap." nakangiti niyang saad. Speaking of Blaise rin pala, hindi ko pa siya nakikita simula nung isang araw na pinaghahampas ko siya pagkagising ko. Ay ewan, pake ko ba dun.
"Nga pala Claire, after ng exams, punta ka sa bahay namin ah? Tulungan mo kong mag-bake ng cake." napakunot ang noo ko. Alam niyang marunong akong mag-bake? Kanino? Hindi kaya natikman nya rin yung gawa kong cake noong birthday ni Dylan?
"Para saan Scarlett?"
"For Blaise's birthday! Nasabi niya kasing masarap yung nabake mong cake kaya gusto kong tulungan mo ko." hindi ko inaasahan na nagbabanggit ng ganong bagay si Blaise sa ate nya. Sabagay, bakit hindi? Mukha naman talaga silang close. Baka nga pati yung mga pang-aasar niya sakin, naike-kwento nya kay Scarlett.
"Uh, hindi ko alam Scarlett. Baka kasi may gawin ako." excuse ko. Hindi sa ayaw ko pero baka iba ang isipin ni Blaise. Alam nyo namang mapang-asar ang taong yun. Isa pa, nahihiya rin ako na pumunta sa bahay nila.
"Come on Claire, please..for me?" pagmamakaawa niya. Hinawakan niya pa ang kamay ko na may kasamang paawa effect. Naman oh! Paano na to?
"E kasi.."
"Please Claire, minsan lang ako humingi ng favor..please?" wala na akong nagawa kundi ang tumango. Hindi naman siguro masama kung tutulungan ko sya. Tsaka gagawin ko lang naman to para kay Scarlett. Yun lang.
"Yes! Thank you Claire! Kita na lang tayo nun ah? Sabay tayong pupunta ng bahay." kumindat siya bago umalis kasama ng kaibigan nya. Nakita kong pumunta sila sa grupo ng mga kababaihan na parang kanina pa sila hinihintay. Mukha talagang maraming kaibigan si Scarlett.
Ngayong nandito na ako sa store. Maayos akong nakakapagtrabaho dahil walang Blaise na nanggugulo. Hindi ko alam kung nasaan sya pero paniguradong nambababae na naman yun. Siya pa ba? Gawain niya yan bukod sa asarin ako e.
"Si Claire? Ewan ko lang po kung merong boyfriend yan. Lagi siyang pinupuntahan ni si Mr. Santos dito e." naagaw ang atensyon ko ng marinig ko ang pangalan ko. Hindi ko inaasahan na nakikipagkwentuhan pala ang iilan sa mga katrabaho ko kay sir Logan. Kung sabagay, this past few days na nandito syang nagbabantay, medyo napapansin ko rin naman na mabait itong si sir Logan. Hindi naman sya ganon kastrikto tulad ng inaakala ko. Pero syempre, nadyan pa rin ang kaba ko sa tuwing nagsusuplado sya.
"Mr. Santos?"
"Oo sir, hindi niyo po ba napapansin? Yung gwapong binata na mukhang modelo." utas ni ate Cecilia, isa sa pinakamatanda sa mga saleslady ng store. Gusto ko sanang sumabat, pero may konting kahihiyan pa rin naman ako kaya tuloy na lang ako sa pagtutupi ng mga damit.
"Totoo ba yun Claire?" halos atakihin ako sa gulat ng kausapin ako ni sir Logan.
"P-Po?"
"Boyfriend mo na yung Mr. Santos?" suplado na naman niya!!
"Huh? Hindi po sir, wala akong boyfriend."
"Buti naman. Ayoko ng may naglalandian sa loob ng store ko." napatingin ang lahat sa sinabi niya. Kita ko ang kaba sa mukha ni Kyla, katrabaho ko. Isa kasi siya sa madalas na dinadalaw ng boyfriend niya sa shop. Madalas, sila ang agaw pansin dahil sa pagiging PDA nila ng jowa nya.
"Claire, let me talk to you. In my office. Now." ginapangan ako ng kaba sa dating ng boses nya. Pakiramdam ko pagagalitan nya ako. Bakit kasi ang ingay ingay ng mga kasama ko tungkol kay Blaise? Hindi ko naman sya boyfriend. Err! Kung pwede lang sabihin ko sakanila ang ugali ng kumag na yun. Pero naisip ko, ang sama ko naman kung gagawin ko yun. Para ko na rin syang siniraan sa ibang tao.
"Okay lang yan." bulong pa sakin ni ate Cecilia ng sundan ko si sir Logan sa office niya. Sana nga..
---
BINABASA MO ANG
Cold Hearted
Teen FictionTakot na akong magmahal. Bakit? Dahil ayoko ng masaktan. ----- Blaise Santos, ang famous na basketball team captain ng Epidóseis university. Mayaman, gwapo, pilyo at isang dakilang playboy. Nasaktan siya ng unang babaeng sobrang minahal niya noon. D...