I : Man-man

1.2K 28 10
                                    

Third person's point of view

Napatigil ang mga bata sa kanilang paglalaro ng mga laruan at napalingon ng biglang bumukas ang pinto ng silid na kanilang kinaroroonan.

Iniluwa ng pinto ang isang lalaking may maskara na pusa habang kapit nito sa braso ang isang batang babaeng umiiyak at nagpupumiglas.

"Bitiwan mo ako!Bitiwan mo ako!!Mama!Papa!Kuya" halos nawawalan na ng boses ang batang babae sa kakasigaw nito.

Mariing tinulak ng lalaking naka maskara na pusa ang bata sa loob ng silid dahilan para ito ay masubsob sa puting tiles kung saan nagkalat ang ibat ibang laruan.

Walang nagawa ang bata kundi isobsob ang mukha sa kaniyang magkadikit na tuhod at doon naghagulgol ng iyak.

Nagkatinginan naman ang mga bata bago sila nagsibalik sa kanilang ginagawa na para bang walang nangyari.

Isang batang lalaki ang naglakas loob na tumayo at lapitan ang batang babaeng umiiyak.

"Bata!'Wag kang umiyak!" sabi ng batang lalaki na umupo sa gilid ng Batang babae para magkapantay sila.

Tumigil sa pagiiyak ang batang babae at itinaas ang mukha nito, bumungad sa batang lalaki ang basang basang at may uhog pa na mukha ng nito.

"S-sino ka?eckk-ang eckk-mama at papa ko, at kuya ko?" umihikbing tanong ng batang babae sa batang lalaki, isang ngiti ang gumuhit sa labi ng batang lalaki bago tumayo.

Inilahad ng batang lalaki ang maliit nitong kamay sa batang babae, napatingin naman ang batang babae sa kamay nito kung saan may isang lollipop ang nandoon

"Ako si Fonzo, at simula ngayon, magkaibigan na tayo!" sabi ng batang lalaki.

Nag-aalangan man ay kinuha ng batang babae ang lollipop.

"Addy eckk-ang pangalan ko" Tugon naman ng batang babae at pinunsan ang mukha niya bago tumayo.

"Huwag kang matakot, hindi niya tayo sasaktan!" sabi ng batang lalaki at hinawakan ang kamay ng batang babae at dinala ito sa mga batang abala sa paglalaro ng kanilang mga laruan.

Walong batang magkakapareho ang suot ang tumingin sa kinaroronan ng dalawang bata.

"Mga kaibigan mo na din sila, kami na ang mga kaibigan mo!" sabi ng batang lalaki habang hindi parin naalis ang ngiti sa mga labi nito.

"Fonzo, Sino siya?" tanong ng isang batang babaeng maikili ang buhok suot ang damit na bestidang puti na katulad sa ibang bata at sa batang lalaki habang walang mga sapin ang kanilang mga paa, tumayo ito at lumapit.

"Siya si Addy, bago nating kaibigan!" pakilala ng batang lalaki, magsasalita pa sana ang batang babaeng maikli ang buhok ng biglang bumukas ang pinto.

"Mga bata, kakain na!" sabi ng lalaking nakamaskara na pusa ng bumungad 'to sa pinto.

"Opo, Man-man" halos sabay sabay na sagot ng mga bata, muling naiyak naman ang batang babae at humigpit ang kapit nito sa kamay ng batang lalaki at tumago sa likod nito.

"Huwag kang matakot, hindi tayo sasakyan ni Man-man! mabait siya!" sabi ng lalaki at hinila na ang batang babaeng nanginginig sa takot.

"Makikita mo din ang mama at papa mo, makakauwi din tayo! hindi ka namin pababayaan" sabi ng batang lalaki at ngumiti lang 'to sa batang babae, tumango naman ang batang babae at pinunasan muli ang luhang kumawala sa mga mata nito, bago sila lumabas ng silid.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon