Nicer's
"P*TANGINA! PAPATAYIN KO ITONG P*TANGINA NA 'TO!" galit na sigaw ni Dem na ikanagulat ko dahil ngayon ko lang narinig ang ganoon boses niya.
Nakakatakot! Mas nakakatakot pa noong nagaway kami, nakatalikod man sila sa'kin, nakikita ko paring may hawak na kung anong bagay si boss Dem habang nakatutok 'to sa leeg ni Devoir!
"Throw your gun at your back, kung ayaw niyong bumaon ang bubog sa leeg nito!" banta ni boss Dem habang nakakatakot parin ang boses.
Ginawa ng tatlong lalaki ang sinabi ni boss Dem.
"Ba-babe!!!H-hheeelp me" umiiyak na tawag ni Devoir.
"Ikaw! lumapit ka dito!" utos ni boss Dem at may tinuro, hindi ko makita si Dem dahil nakatalikod siya sa'kin, lumapit naman ang isang lalaking.
"Stop there! dress out!" utos ni Dem sa lalaki.
"P*tangina gawin mo nalang" sigaw ni Nathan sa lalaki kaya nagaalalangan man ay hinubad nito ang lahat ng suot niya maliban sa boxer
"Kalagan mo ang lalaking nasa harap ko, at 'wag kang gagawa ng kahit na ano" utos ulit ni boss Dem na ginawa agad ng lalaki.
Kinalagan nito si Sol gamit lamang ang kamay niya.
"Sol, kalagan mo ang iba" utos ni Dem gamit ang mahinahon niya na boses kay Sol.
"Kunin mo ang plastic bag na puno ng medicine sa loob ng tent at 'wag kang gagawa ng kahit ano" utos ni boss Dem sa lalaki na agad naman ginawa nito.
"Sol, bilisan mo" sigaw ko kay Sol ng dumaan siya sa harap ko at pumunta sa likod ko, mabilis ko pinuntahan si Zael at Makan na nasa harap ko lang din.
"Makan!" tawag ko kay Makan na puno ng pag-aalala sa mukha nito which is napakabago talaga, agad ko naman siyang kinalagan at inakay si Zael pangit na walang malay habang may dugong umaagos sa gilid ng ulo nito.
Tangina natatakot ako para kay Zael pangit, baka hindi na siya gumising.
"Nicer, dalhin mo si Zael sa van at gamutin niyo kaagad" napatingin ako kay Dem.
"Ihagis mo 'yan dito sa kaibigan ko pati na ang susi" sigaw ni Dem sa lalaki sa harap namin bitbit ang isang plastic bag ng mga medicine .
Hinagis niya naman 'yon kay Sol, ganon din ang ginawa ni Nathan, inihagis niya ang susi.
"Makan!!" napatingin ako kay Xy ko sa gilid ng sumulpot 'to at niyakap si Makan.
"Tulungan niyo ko!" napalingon naman silang dalawa.
"Pumasok na kayo sa Van, at Sol ikaw ang magpaandar ng sasakyan!" utos ni Dem.
Pinagtulungan namin ni Makan dinala si Zael pangit sa loob ng van, inihiga namin 'to sa pinakaunang row.
"Dem, tara na!" sigaw ko kay boss Dem na agad niyang sinunod, paatras 'tong naglakad habang yakag parin si Devoir bruha na parang batang umiiyak.
Inabot naman ni Sol kila Xy at Danwell ang plastic ng mga medicine at pinaatras ang sasakyan.
"Let him bleed hayaan mong dumugo ng dumugo at 'wag na 'wag niyong gagalawin masiyado ang ulo niya" giit ni Makan kila Xy ko at Danwell na nagaasikaso kay Zael habang si Mak ay nanunuod lang.
"What? Paano kung maubusan siya ng dugo? kailangan ng malagyan ng benda agad 'to" kita ko ang pagkataranta at pagaalala sa mukha ni Danwe.
"Mag-iinternal bleeding at maga cause 'yon ng blood clotting!" sagot ni Makan, hindi na ako nagtaka, Makan is an excellent student.
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Horror"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...