XIX: it can't be

170 11 2
                                    

Ayzael's

Napalingon ako sa kanan ng may biglang nagkaluskos akong narinig doon.

"Shhhh!" babala ko sa kanila, tinuro ko naman ang pinangalingan ng tunog kung saan may isang aisle na puno ng mga bumbilya.

Kahit nacu-curious ako ay hindi ko na pinansin 'yon at naglakad na palabas, kinikilabutan kasi ako sa lugar na 'to lalo na ng makita ang nagkalat na dugo sa paligid.

"Umalis na tayo!" mahina pero sapat na para marinig nila Nicer.

Halos tumalon ang puso ko ng may biglang sumulpot na lalaki sa harap namin, at base sa itsura nitong puno ng dugo at nangingitim ang mga mata at labi it's not normal.

Napaatras ako ng lumakad 'to palapit sa'min. Agad nagrehistro ang takot sa katawan ko.

"b-ba-barilin niyo" halos hangin na lamang ang lumabas sa labi ko dahil sa takot na bumalot sa buong sistema ko.

"Sh-sh*t!!!" natataranta naman ang dalawa.

Napapitlag ako sa gulat ng may biglang malakas na putok ng baril akong narinig, muli ay nagrewind sa utak ko ang pangyayari ng gabing 'yon.

Pero agad akong babalik ng makita kong napaupo sa sahig si Nicer habang sa likod niya ay si Dem na nanginginig ang nakakatutok na baril nito.

"N-n-natamaaan mo?" hindi ko mapigilang mautal dahil sa takot ba bumabalot sa katawan ko, takot si Dem! takot ang mukha niya!

Napatakip ako ng tainga dahil sa lakas ng putok ng baril na mababasag yata eardrums ko sa lakas ng putok.

"T-t*ngina! Dem! t-tinamaan mo siya sa tiyan!" bulyaw ni Nicer na ngayon ay gulat na gulat.

Imbis na makahinga ako ng maluwag ay parang sumikip ang dibdib ko ng natumba ang lalaki sa.

"A-a-ano kaba! 'y-yan pa ang uunahin mo? kamuntikan na tayong makain kanina" bulyaw ko pabalik kay Nicer na ngayon ay namumula na sa galit. I do understand him.

"Pwede ba Nice--" Napahinto ako sa pagsasalita ng may makita ako sa peripheral view ko na gumagalaw. Nalaglag ang panga ko ng makita ang lalaki na tumayo ulit.

"H-how--" parang naestatwa si Dem.

"D-D-Dem, barilin mo ulit!" wala sa sarili kong sigaw dahil hanggang ngayon ay peno-proseso pa ng utak ko ang nagyayari ngayon.

Ininda ko ang sakit sa tainga ng malakas na putok ng baril, napangiwi ako ng matalsikan ako ng dugo sa mukha ng matamaan sa Dibdib direkta sa puso ang lalaki.

Napaatras naman 'to at napaluhod "D-Dem! t*ngina! Sa p-puso yun, m-m-matutuluyan...mo.....siya--"

"P*ta-" napamura nalang ako ng tumayo ulit sa pagkakaupo ang lalaki, napaatras nalang ako ng maglakad 'to sa'min, like the two holes in his body were nothing.

"T-t*ngina--T*ngina--A-ano ba 'to?" hindi ko siya magawang lingunin si Dem dahil na glue ang mata ko sa lalaking patuloy ang paglapit sa'min.

Ramdam ko ang pagtayuan ng balahibo ko sa buong katawan dahil sa nakikita ko.

"Hi-hi-hindi 'to nangyayari---" katulad ni Dem ay hindi ko din siya magawang lingunin si Nicer. Sana nga hindi 'to nangyayari.

Napalingon ako sa gilid namin kung saan may biglang kalansing na parang nahulog na kung anong bagay doon.

Nanigas ako sa kinakatayuan ko ng may mahigit sa limang Lalaki na pare-pareho ang suot na naglalakad palapit sa'min.

hindi ko na napigilan pang masuka ako ng makita ang isa ay nakalaylay na ang intestines habang tumutulo pa ang dugo, pero nanlaki ang mata ko ng marealize na kahit ganon ay parang wala lang sa kaniya 'yon.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon