XLV: Year ago.

120 3 0
                                    

Azyael's

"Ley?" isang pangalan na lumbas sa bibig ko.

Nagaalalang tumingin ako kay Nicer pero ngumiti lang 'to sa'kin.

I know, he already move on pero pag si Ley ang pinaguusapan, iba ang dating nito sa kaniya paano pa kaya kung makita niya. Kailan pa siya nakauwi? kailan pa sila nakauwi? nasaan si--- 

"Ley, you know him?" nagtatakang tanong ng lalaki sa harap ko.

"Yeah, he's... Ahmm... ex of my friend" sabi niya at ngumiti sa lalaki na nasa harap. How could she can't tell anything about Nicer?

"Why didn't you tell me?" tanong ng lalaki pero tumawa lang ng mahina si Ley.

Luminga-linga ako, nagbabakasakali na makikita ko siya, nagbabakasakali na lilitaw siya sa harap ko. Pero bakit ko nga ba siya hinahanap? Silly me. How could I expect someone that... nevermind?

"Hindi ko siya namukhaan kagabi" sagot niya at muling ngumiti.

Tumingin ako muli kay Nicer dahil talagang nagaalala ako sa kaniya, Ley is not just an ex, she's Nicer's first love and first heartbreak.

"Anyway, Ayzael, She's my Girlfriend" napaangat ako ng tingin sa sinabi ng lalaki sa harap ko.

Nanlaki ang mata ko sa giit niya, tumingin ako kay Nicer pero ngumiti muli 'yon sa'kin, gusto kong isipin na okay na siya pero nakikita kong may part pa rin na hindi okay.

"So Mak is not your girlfriend?" natahimik naman ang lalaki, tumingin ako kila Xy na katabi na si Mak habang may maliit na ispasyo bago kila Dem at Nicer na ngayon ay parang nagulat sa sinabi ko.

Kumunot ang noo ko ng biglang tumawa si Nicer na tinutulak tulak pa si Dem.

"Nope, she's my childhood sweetheart" sabi niya at mahinang tumawa.

"Ah! a childhood friend?" tanong ko may pa sweetheart sweetheart pang nalalaman.

So he's your present Ley? ang pinagpalit mo sa pinsan ko?tss. Walang binatbat sa pinsan ko!

Tumango na ako at umupo sa pagitan nila Dem at Nicer, tumingin ako kay Mak at ngumiti ako ng makita ko siyang nakatingin sa'kin.

It's so unusual na nakikita ko si Mak na nakatingin sa'kin. Parang kinabahan ako bigla.

"Bakit hindi niyo sinabi na nandito pala si Ley? okay ka lang ba, Nice?" tumawa lang si Nicer.

"Zael? ako pa ba? I have Xy now" bulong ni Nicer na para bang bilib na bilib sa sarili niya.

Napabuntong naman ako at napangiti, kahit gago si Nicer alam kung totoo ang sinasabi niya kung hindi man, alam kung magiging ganoon din siya.

"So If she's here, then probably--- probably, Ali is here too?" napalunok lang ako ng magtinginan silang dalawa, bakit nga ba nauutal ako?

Natatakot ako sa maaring sabihin nilang dalawa, baka hindi ko magustuhan.

"We don't know yet? hindi pa namin nakakausap si Ley" sagot ni Dem.

Napabuntong hininga naman ako, kahit anong tanong ko sa sarili ko kung bakit hanggang ngayon may paki parin ako sa babaeng 'yon.

"Oo nga pala, anong nangyari paano kayo nakaalis?" pagiiba ko sa kanila dahil nagtataka ako kung paano kami napunta sa bahay nila Mak, at kung saan na si Devoir na 'yon.

Kinwento naman sa'kin ni Dem ang lahat ng nangyari napangiti ako ng malaman 'yon, at masaya akong malaman na ayos lang silang lahat.

Nakaupo at naguusap lang si Alcinous at Ley, sakto namang tumingin sa'kin si Ley at ngumiti lang 'yon.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon