LXIV: Lost

90 2 0
                                    

Ayzael's

Napatakip ako ng bibig para mapigilang masuka ng makita ko ang isang babae or maybe namamalikmata lang ako, siguro ay magkapariho lang sila ng suot ni.... Cornelia.

"Xy.... Xy? " napatingin ako sa tabi lang din ng lamesang nasa harap namin kung saan may nakahiga doon. 

Mabagal ang paglalakad ni Nicer habang nakatingin lang siya doon.

Ibinaba ko muna si Danwell na walang humpay parin sa pagiyak.

Mabagal na lumakad ako kay Nicer, halos mapaluhod ako ng makita kong may isa pang babae ang nakahiga sa isang patient bed, duguan 'yon at nakapikit lang na akalain mong natutulog lang.

"Tell me that's not Xy!" napatingin ako kay Mak na gulat lang na napatingin sa kaniya na nasa gilid ko, kitang kita ko ang luhang naguunahan sa mga mata niya.

"Mak---"

"Just tell me that's not Xy!" ulit ni Mak pero napasinghap ako ng hangin at napatingin na sa kesame para pigilan ang luhang nagbabadyang tumulo.

Muli akong tumingin pero parang binabasag ang puso ko ng makita si Nicer.

Pinahid niya ang dugo sa mukha ng nakahiga sa patient bed dahilan para tumambad sa'min ng malinaw ang mukha ni Xy. Halos manghina ang tuhod ko.

"Xy ko gising na! nandito na ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo!" pilit na ngumingiti si Nicer habang walang tigil sa pag tulo ng luha nito.

Dinudurog ang puso ko! Ang sakit.

"TELL ME THAT'S NOT XY FOR DAMN'S SAKE!" napatigil ako ng malakas na sumigaw si Mak, halos madurog ang puso ko ng makitang naguunahan sa pagtulo ang luha nito habang nakatingin lang kay Xy.

Tumingin 'to sa'kin, nagmamakaawa ang mata niya.

Pero nanlulumong umiling lang ako.




Nicer's

"Xy.....Xy? " halos walang boses na ang lumabas sa bibig ko ng makita ang isang babaeng nakahiga lang sa patient bed katabi sa kinaroronan ni Cornelia.

Halos manghina ang gwapong katawan ko ng makita ang pamilyar na damit na ngayon ay puno ng dugo, napakagat ako ng labi at unti unting lumapit sa kaniya.

Durog na durog ang puso ko habang nakatingin lang ako sa duguang mukha niya, nakapikit siya na parang anghel, pero hindi naman bagay sa anghel ang may dugo sa mukha.

"Xy ko gising na! nandito na ang pinakagwapong nilalang sa buong mundo" natatawang bulong ko at pinunasan ang ang magandang mukha niya para maalis ang dugo doon, t*ngina kasing dugo e, pinapangit ang magandang Xy ko.

P*tangina talaga kasi e. Nanlalabo na ang magagandang mata ko dahil sa mga g*gong luha, mga p*tanginang luha ito, bakit ba sila tumutulo! binabasa lang nila ang napakagandang mukha ng Xy ko.

Gusto kong sumaya! dahil sa wakas ay parang asawa kong himasin ang mukha ng Xy ko pero may pumipigil sa'kin.

"TELL ME THAT'S NOT XY FOR DAMN'S SAKE" napatingin ako sa gilid ko ng biglang sumigaw si Mak, ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan at ang pinagtataka ng kagwapohan ko ay kung bakit siya umiiyak sino ba ang iniiyakan niya?

"Hoy Mak anong iniiyak iyak mo dyan?" tanong ko sa kaniya pero tumingin lang 'yun sa'kin at gusto kong lumagapak ng tawa ng makita ang basang basa na mukha ni Mak habang may uhog pa sa ilong. Pero parang may pumipigil sa'kin.

"Xy.. tayo na nga dyan tignan mo si Mak oh mukhang tanga lang na umiiyak" tinapik tapik ang magandang mukha ni Xy ko, pero napatigil ako ng hindi 'to dumidilat. Nasarapan yatang matulog ang Xy ko.

"Nicer tama na" napatingin naman ang kagwapohan ko kay Zael pangit, nagtaka naman ako ng makita na umiiyak din 'to, napatingin naman ako kay Dem bwesit na nakatulala lang habang may luha sa mga mata niya habang magkatabi sila ni Zael pangit. Ano 'yang mga mukha nila.

"Bakit kayo umiiyak? mga g*go ba kayo! naano ba kayo?" tanong ko at napatawa ng mahina. Mga abnormal yata 'tong mga kaibigan ko na umiiyak ng walang dahilan.

"Xy tignan mo 'tong mga g*go nating kaibigan mga tanga yata 'to sila bigla bigla nalang umiiyak" giit ko habang nakatingin lang sa magandang mukha ni Xy ko na hindi pa din gumigising.

Patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko kahit hindi ko naman alam kung bakit sila tumutulo mga tanga yata 'tong luha ko parang 'yong mga kaibigan ko.

Muli kong tinapik tapik si Xy para magising 'yong pero hindi 'yong nagigising.

"Xy gising na ba! t*ngina naman eh!" marahas na pinupunasan ang mga gagong luha ko dahil hindi magtigil.

"Nicer, s-she's---she's---she's dead! pinatay siya ng nakamaskara!" Parang nabingi naman ako sa sinabi niy Zael at galit akong tumingin sa kaniya.

Parang isang bombang sumabog sa utak ko ang pinagsasabi ni Zael alam kung p*tangina ang mga pinagsasabi niya, pero t*ngina napakag*go talaga ni Zael na 'yan.

"XYYYYY!!! GUMISING KANA NGA! T*NGINA KASI SI ZAEL EH! PATAY KANA DAW! BALIW YATA SIYA" sigaw ko pero hindi paring gumigising si Xy ko, Puta naman.

"XY, GISING NA KASI!!" muling sigaw ko pero halos manghina muli ang buong katawan ko habang pinagmamasdan si Xy ko, tangina ang ganda niya kahit tulog na tulog siya. Bakit hindi ba siya magising?

"AHHHHHHHHHHHHHGGGGGGGGGGGHHHHHHHHH" sigaw ko muli at tumingin kay Xy ko pero t*ngina napatigil ako ng hindi na siya gumising.

"AHhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhGGGGGGGGGGGHHHHHHHHHHH" sigaw ko muli at napaupo na sa sahig, ang sakit sakit! bakit ganito nararamdaman ko? parang pinipiga at inaapakan ng paulit ulit ang puso ko! ang sakit sakit hindi ako makahinga.

"T*NGINA NAMAN!!!" sigaw ko muli na nagbabakasakali na baka magising ang Xy pero p*tangina! bakit ba 'to nangyayari?

Ano bang nagawa kong masama? dahil ba nung una ang playboy ako dahil ba lagi kong sinasabi na gwapo ako kahit na dapat humble ako, dahil ba marami na akong nasaktan na babae?

T*ngina, hindi ko na iki-claim na gwapo ako, kahit pumangit nalang ako, kahit sapakin ako ng mga babaeng niloko ko, kahit sampalin nila ako ng paulit ulit kahit sabihin na nilang hindi ako gwapo, basta.... basta 'wag lang 'yong ganito! 'wag lang sana mawala si Xy ko.

T*ngina si Xy ko nalang meron ako.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon