LVII: phase!

93 4 0
                                    

Ayzael's

Napamulat ako ng makarinig ako ng ungol, bumalot ang sakit sa buong ulo ko, napamura ako ng maramdaman ang sobrang pagkirot ng ulo ko. 

Para 'tong pinipiga ng sobrang sakit.

Ilang saglit pa ay nabawasan ang kirot non at muli akong napamulat, may kung anong likido ang bumaranda sa mata ko kaya muli akong napapikit.

Ginalaw ko ang braso ko at bumalot doon ang sa'kit.

Nahihilo man ay pinilit kong i-steady ang mata ko para makita ko maigi ang paligid.

"Xy...." nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Nicer at halos lumuwa ang mata ko ng makitang naka baliktad ang mga kaibigan ko.

Sobrang sakit man ng katawan at ulo ko ay pilit akong gumapang papunta kay Nicer.

Tinatanggal ang seatbelt nito, duguan ang pisngi nito at nahihirapang gumalaw, katabi niya si Xy na walang malay at ma tumutulo ang dugo sa ilong.

"N-Nicer..." mabilis ko siyang tinulungang tanggalin ang seat belt niya.

"T*ngina" daing nito nang bumagsak siya pababa una ulo.

Hinanap ko ang slide door at mabilis na binuksan 'yon pero hindi ko magawa dahil matigas 'yon.

"T*ngina Nicer, tumulong ka dito" sigaw ko na naging dahilan ng pagkirot ng ulo ko.

"Zael, dumudugo ka" giit niya ng makarating siya sa tabi ko.

Pinagtulungan namin buksan 'yong pero hindi namin mabuksan.

"T*ngin-ack--- hindi natin mabuksan" giit ni Nicer at sumandal pa.

"DAMON!!" tawag ko ng mahagip ng mata ko si Damon na minumulat ang mata, nakasabit din 'to patiwarik.

Duguan ang labi nitong bumagsak pababa, napaungol siya sa sakit, dali dali ko namang siyang pinuntahan habang iniinda ang sakit ng ulo at katawan ko.

Bumungad sa'kin ang napapikit na mata ni Damon, mariin ko 'tong tinapik tapik.

"Damon!!!" tawag ko.

"A-Anong nang--- p*ta!" daing nito ay napahawak siya sa ulo niya, umupo na 'to sa pagkaka higa habang nakahawak pa din sa mga ulo dito.

"Si Addy?" tanong niya.

"We will help her later, tulungan mo muna kaming buksan ang pinto!" napahawak ako sa ulo ng makaramdaman ako ng pagkahilo.

"Tara!" gumapang kami papunta kong nasaan si Nicer.

"Nicer tara na!" yaya ko at tinapik si Nicer.

Pinagtulungan naming tatlo hilain ang Slide door at nabuksan din namin 'yon.

Gumapang ako para makalabas ng van at kagubatan ang bumungad sa'kin, tumingin naman ako sa likod at nakasunod sa'kin sila Nicer at Damon.

Tumayo na ako pero napaluhod ako ng makaramdam ako ng pagkahilo. This feels so sh*t.

"Nicer!! Damon!" tawag ko at kumapit sa punong malapit sa kinaroroonan ko.

Napasandal nalang ako sa puno habang nakaharap sa nakabaliktad naming sasakyan, nakadapa lang si Damon habang tumatayo naman si Nicer.

"Nicer, Kunin mo si Dem" utos ko at sumandal ako sa puno.

"Saglit!" sigaw niya pero hindi ko na 'yon nilingon pa.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang pagkawala ng hilo ko kaya muli akong tumayo habang nakahawak sa puno para suportahan ang pagtayo ko, I feel helpless in my situation, feeling ko hinang hina ako.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon