XLVII: Nicer's scar

107 4 1
                                    

Ayzael's

Kumunot ang noo ko ng may makita akong sobrang maliit na papel na nakalabas mula sa likod ng picture frame hindi mo 'to makikita kong hindi mo pagmamasdan ng matagal.

Mukhang naipit 'yon sa loob ng picture kaya nagtataka man ay binuksan ko ang likod ng picture frame at bumungad sa'kin ang isang papel na nakatupi.

Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong sulat 'yon, itutupi ko na sana ang papel ng may nakaagaw ng pansin ko ang unang sentence na nakasulat.

Hindi katulad ng handwriting ni Dem na kala mo ay doctor na kinahig ng manok.

"I don't know who you are" ang pinaka unang sentence kaya pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Dahil tingin ko ay hindi para kay Mak ang sulat at hindi si Mak ang nagsulat.

"I dont know who you are, but if you're reading this letter you may an important person to my beloved granddaughter, 13 years ago her parents died, but there's a boy who made her happy but in the end, he left, that's the start of her being empty, she's imprison in her own sadness, her own past, free her in her own cage, break the solid glass, hit through in her heart, I entrust you my grandaughter, always take care of her, please put a smile on her face again, a smile just like in the picture" Kumunot ang noo ko sa nabasa ko.

Hindi ko maintindihan.




Nicer's

"Zael, sama ako" giit ng gwapo, pero ang gago sinamaan lang ako ng tingin, kala mo ang gwapo niya.

Bwesit na pangit na 'yon!

Sinugurado kung nakaakyat na si Zael bago ako tumayo. Baka kasi isipin niya na sinusundan ko siya.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Dem, pero hindi ko siya pinansin at tumingin lang kay Ley.

Nakukonsenya tuloy ako kay Xy ko, parang naga cheat ako sa kaniya! Nakakainis ang kagwapohan ko talaga! I will hate myself if I ever hurt Xy ko.

Ayaw ko marinig ang boses ng pangit na lalaki na kausap ni Makan, pilit kasi siya ng pilit kay Makan bwesit na 'yon! may Ley na nga inaagaw ba 'yong Makan ni Zael.

Nakita kong pumasok si Zael pangit sa kwarto ni Makan, kaya dahan dahan akong lumapit sa kwarto ni Mak.

Pipihitin ko na sana 'yong doorknob para gulatin si Zael pangit kung anong ginagawa niya sa loob. siguradong magugulat 'yong tangang 'yon.

"Jeniffer" napapitlag ako ng marinig kong may tumawag sa p*tanginang second name ko mula sa likod ko, kahit hindi ko siya lingunin ay saulong saulo ko ang boses niya. T*ngina bakit kasi 'yong second name ko pa?

"What do you want?" tanong ko.

"Let's talk" sabi niya kaya napatingin ako sa mata niya, matang gustong gusto ko tignan dati! matang nakikita ko palang kinikilig na ang kagwapohan ko. But not now. Not anymore.

"We can talk but not here" pinihit ang malapit na pinto sa kwarto ni Makan at pumasok doon.

"Let's just talk" sabi niya.

Hindi ako mapakali, hindi ko alam ang gagawin ko, it's feel nostalgic but in some ways uncomfortable, naguiguilty talaga ako para kay Xy ko.

"Putcha" giit ko ng tumingin ako sa paligid ng kwarto at tingin ko ay kwarto ng lola niya ang napasukan namin, ramdam ko ang yapak sa likod ko at ang kakaibang presensiya ni Ley kaya alam kung nakasunod siya sa'kin.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon