LX: Asylum

89 3 0
                                    

Ayzael's

Nakita ko namang tumayo si Addieson pero agad siyang na out of balance pero agad niya naman itong naagapan, mukang ako lang ang nakapansin sa nangyari.

"Get back here as soon as you can" pahabol pa nito bago isinara ang pinto pagkalabas namin, nagbuntong hininga nalang ako.

"I'm sorry for this, hindi ko na talaga matiis" sincere na sabi niya sakin tumango nalang ako, kahit naman naiinis ako sa babaeng ito, hindi ko naman siya pwedeng pabayaan, kahit gustong gusto ko! 

Dahil sabi nga ni Mak, I should help someone who needs help, even they're not family nor friends.

Habang tinatahak namin ang madilim at tahimik na pasilyo napahinto ako ng may narinig akong isang tunog, tunog na bagay na kinakaladkad.

Agad naman akong nakaramdam ng kaba dahil sa tunog na iyon, dali dali akong pumasok sa isang kwarto sa gilid.

"What's wrong?" nagtatakang tanong sa'kin ni Cornelia, sininyasan ko lang na 'wag maingay na agad niya namang ginawa.

Tumingin ako sa loob ng silid na pinasukan namin, napahinga naman ako ng maluwag dahil isang CR na pala ito.

"CR na 'to, pwede ka ng bumaba" utos ko.

Hindi parin mawala ang maliit na kaba sa dibdib ko, hindi ko alam kung ano 'yon pero sa tingin ko ay hindi iyon maganda. 

I should follow my instinct, bumababa naman si Cornelia at lumakad papunta sa toilet bowl, tumalikod naman agad ako,

"Pwede kang tumingin" mapanuyo niyang sabi sakin, kaya napailing nalang ako sa sa sinabi niya, I can't believe this girl.

Pinakiramdaman ko naman ang nasa labas, hindi parin ako makampanti sa kung ano ang meron sa labas, narinig ko naman ang flash kaya tumingin na ako sa kaniya, tapos na siya mag pee, kaagad ko naman siyang nilapitan.

"Aalis na ba tayo?" tanong niya sakin umiling lang ako, nagulat ako ng ngumisi siya at hinalikan ako, tinulak ko siya ng marahas.

"We don't have time for this shit, just stop it!"napapikit ako sa sobrang inis, iniaba ko na siya, at wala naman siyang nagawa.

Sumilip ako sa labas bago tuluyang lumabas ng CR, maingat ako sa mga yapak ko na hindi ako makakalikha ng ingay, kahit nahihirapan na ako sa pagbubuhat kay Cornelia.

Maingat at mabilis ang yapak ko habang pabalik kami, at natanaw agad namin ang pinto kong saan kami pumasok kanina.

Mabilis akong kumatok doon, agad naman itong bumukas at dali dali kaming pumasok.

"What's wrong bakit hingal na hingal ka?" nagtatakang tanong sakin ni Xy.

"Wala naman" pagsisinungaling ko, hindi pa naman ako sure doon sa narinig ko. 

Napatingin naman kaming lahat sa pinto ng mariin itong bumukas at iniluwa sila Damon at Nicer na hingal na hingal at tumatagaktak ang pawis.

"What's wrong? bakit hinihingal kayo?" tanong ni Dem, nagkatinginan lang sa isat isa sila Nicer at Damon at umiling.

Dala dala naman nila ang isang baseball bat dahilan para masaya akong lumapit sa kanila at hinila sila sa isang sulok ng silid, malayo sa mga babae.

"Umamin kayo bakit hingal na hingal kayo?" tanong ko sa kanila at tulad kanina ay nag tinginan sila sa isat isa.

"Dem, may nakita kami at may suot siyang..." hindi maitagong takot sa muka ni Nicer ng sabihin niya ito, napakunot ang noo ko.

"May dala siyang palakol" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Damon.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon