LXII: an Eater?

92 4 0
                                    

Azyael's

"kyahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!" tili nila Xy.

Nanlaki ang mata ko at ramdam ko nanlamig ang buong katawan ko sa takot habang pinagmamasdan ang isang malaking braso ang lumitaw sa mini window sa pinto habang hawak-hawak ang isang ulo ng lalaki.

Halos mapasigaw ako sa takot ng bitawan nito ang ulo dahilan para gumulong ito sa papunta sa amin dahilan para mapuno ng tilian ng mga babae ang kwarto.

"Umalis na tayo d-dito" nauutal kong sabi sa kanila, natatakot ako sa maaring mangyari, kahit na may mga armas kami, parang hindi ordinaryong tao 'yon, dahil sa punit punit na ang sleeve ng damit sa laki ng braso nito.

Pero ang mas ikinakatakot ko ay ay maaring gawin nito sa amin, tumingin ako sa mga kasama ko, hindi na ako nagtaka ng lahat sila ay takot kahit si Addieson na nakatulala habang nanlalaki mata.

Mas lumalakas ang kutob ko na isang pasyente ang isang 'yon sa asylum na 'to, dahil wala naman sigurong matinong tao ang gagawa ng bagay na 'yon. Nakakakilabot.

"Tara na! kailangan na nating makaalis dito" tumayo na ako kinuha ko ang mga bag at dinala iyon sa kanila, takot man ay nilakasan ko ang loob ko, kinuha naman ni Dem ang bag ng mga baril at binigyan sila isa isa ng baril.

"Take this guys, just in case" giit ni Dem habang binibigyan sila ng baril, tumangi naman ang mga babae.

"I don't know how to use it" sabi naman ni Cornelia, kaya binawi naman ni Dem 'yon sakaniya, 'yong iba ay maigi lang itong tinignan.

"Nice, dalhin mo ang bag ng mga baril" utos ni Dem.

Tumango lang ito at kinuha na ang bag ng mga baril, kinuha ko naman ang baseball bat na bigay sa'kin ni Nicer.

Nakita ko namang kinuha ni Xy ang plastic, tumingin ako sa kanila takot man ay tumango lang sila, hudyat na pwede na kaming umalis.

Inihanda ko naman ang baseball bat sa kamay ko at mahigpit tong hinawakan habang pinipihit ko ang doorknob ng pinto.

Isang tahimik at maduming pasilyo ang bumungad samin paglabas ng silid.

Walang kahit anong bakas na may tao dito, walang kahit sino o kahit 'yong nakamaskara na pusa.

Tanging malakas lang na kabog ng dibdib ko ang naririnig ko at ang mabibilis na paghinga ko, hindi ko mapigilang kilabutan sa nangyayari sa'min ngayon! mas nakakakilabot pa 'to sa tuwing nakakakita ako ng eaters.

Habang lumalakad kami sa marumi at magulong hallway, lagi akong napapatingin kay Mak, hindi parin mawala sa isip ko ang pusang maskara na 'yon, iniisip ko parin kung saan ko nga ba 'yon nakita.

"E-e-eaters ba yung ka-kanina?" pambasag sa katahimikan ni Xy, ramdam ko ang takot sa boses nito.

"Hindi, tao siya hindi naman magagawa ng isang eaters ang takutin tayo ng ganon"  paliwanag ni Dem, tahimik at maingat ang bawat hakbang namin, para bang takot ang lahat makagawa ng ingay.

"Oh my God" naputol ang iniisip ko ng magsalita si Cornelia sa tabi ko, imbis na mainis ako ay nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa malaking taong nakatayo sa harap namin.

Holding an axe covered by blood, kahit medyo dim ang ilaw sa hallway, kitang kita ko ang mga hiwa at sugat niya sa hubad niyang malaking katawan nito, pants lang na itim na fit na fit.

Hindi ko mapigilang mapalingon sa tabi ko dahil sa sakit ng higpit na pagkakahawak sa braso ko, hindi na ako nabigla ng makita ko si Addieson, namimilog ang mata sa takot, nanginginig at nanlalamig, she's really scared.

Halos mapatalon ako sa gulat ng makarinig ako ng putok ng baril, otomatikong napalingon ako sa harapan.

Bumungad sa mata ko si Dem na nakatutok ang baril sa harap habang umuusok pa ang nguso nito, nanigas ako sa kinatatayuan ko ng hindi man lang nasaktan ang nakamaskara kahit na tinamaan ito sa braso.

"He's an Eaters!" sigaw ni Danwell na ngayon ay nasa likod ni Damon, nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Sumiklab ang matinding kaba ko ng tumakbo ito patungo samin, halos mapiyok ako sa kasisigaw ng inatake niya ng dala niyang axe si Dem, agad naman itong nakailag at muntikan ng mahagip, nakarinig ako ng isang gunshot at nakita kong napaluhod ang nakamaskara ng matamaan ito sa tuhod.

"TAKBO----TUMAKBO NA TAYO!" malakas kong sigaw sa kanila.

Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Addieson, napatingin ako sa kaniya ng maramdaman ang sobrang lamig nun.

Mabilis kong nilibot ang mata ko at halos mapasigaw ako ng makita si Mak na nakatulala lang sa harap agad naman akong napabitaw kay Addieson at mabilis na hinawakan si Mak.

"DEM, TAKBO NA!" sigaw ko kay Dem pero pinaputukan niya lang ang nakamaskara ng ilang beses.

"NOOOO!!! WE CAN KILL HIM!" sigaw ni Dem at muling pinaputukan ang nakamaskara, mas napaluhod naman 'yon ng matamaan ulit 'yon sa kabilang tuhod, pero parang balewala lang 'to sakaniya.

"HE'S AN EATER! HINDI SIYA NATATABLAN! SHOOT HIM IN HEAD!" sigaw naman ni Damon sa harap namin ni Addy.

"NO!! THAT'S THE LAST THING WE GON--"

"JUST PLEASE NICER! JUST SHUT THE F*CK UP KAHIT NGAYON LANG!" sigaw ni Dem kay Nicer na nasa likod ni Dem kasama si Sol bit bit ang bag at nasa tabi niya din si Xy at Mak.

"he's---he-he's gonna torture us, he's going to give us punishment" napalingon ako kay Addieson habang nakatulala lang 'yon, nanginginig ang buong katawan niya at hindi maiitago ang sobrang takot sa mga mata niya.

"DAMON, TUMULONG KA!" sigaw ni Dem kaya dali daling kinuha ni Damon ang baril niya sa short niya at sinimulang paputukan ito habang ang isang kamay habang ang isang kamay niya ay nakasuporta kay Danwell para hindi 'to mahulog.

"SHOOT HIM RIGHT THROUGH HIS HEAD!" sigaw ni Dem.

Pero halos mahulog ang panga ko ng mabilis sinanga ng nakamaskara ang palakol sa ulo niya.

"He's not--- he's not an eater Dem!"

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon