XXVI: Fight for your life!

177 4 0
                                    

Ayzael's

Nagising ako ng maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Bumungad sa'kin ang Mukha ni Danwell.

"Gisinging daw kita sabi ni Dem" bungad nito sa'kin.

Muli nanamang bumalik sa'kin ang nangyari kagabi.

9 am na ng tumingin ako sa relo ko
"Aalis na tayo?" tanong ko, nakita ko naman na gising na ang lahat, ako nalang pala ang tulog pa.

Nagalala akong tumingin kay Xy nakatulala lang 'yon sa kung saan, I still worried about her, mugto ang mata niya at mukha talaga siyang panda.

"Sh*t!!!!" napatingin ako kay Nicer gulat na mukha niya ang bumungad sa'min habang nakatingin sa labas.

Napatingin naman ako sa tinuro ni Nicer, my jaw just drop when I saw a bunch of Eaters walking toward us.

"Sh*t!Dem bakit 'di mo agad sinabi?"  bulyaw ko kay Dem.

Not in this early morning. Not this first day of mourning.

"Hindi ko din alam, Umalis na tayo--SH*TT!" awtomatikong napatingin ako kay Dem sa harap, nanlaki ang mata ko ng makita ang mga Eaters na lumalapit sa'min sa harap.

"Umalis na tayo!" sigaw ko.

"P*ta!!!" kasabay na pagmura ni Dem ay ang pagtunog ng makita at pagpatay din nito.

"Wala na tayong gasolina!" Nanlaki ang mata sa mga binitiwang salita ni Dem.

"What are we going to do?" nagtatarantang tanong ni Danwell.

"P*tangina!p*tangina!"

"Just shut up, Nice!" bulyaw ko kay Nicer at sinamaan siya ng tingin, napasabunot lang siya ng buhok niya habang patingin tingin sa labas.

Nagsisimula ng kumabog ng mabilis ang puso ko, nararamdaman ko na din ang namumuong pawis sa noo kahit na nakabukas naman ang aircon ng sasakyan, anong gagawin namin?

"We have a guns, pwede nating gamiti--"

"Hindi, hindi natin sila papatayin, not again!!" pagpuputol ni Nicer sa gustong sabihin ni Dem.

Lumapit naman si Dem kay Nicer at binatukan ito.

"Ano ka ba naman Nice?Napagusapan na natin 'to diba?" sigaw ni Dem kay Nicer.

"We already know their weak points, because you are not too good to shoot it will just a waste of ammo" Napatingin kami kay Mak na nakalumbaba lang habang nakatingin sa labas.

Walang bahid ng kahit anong emosyon ang boses nito. Habang natataranta kami siya naman 'tong kalmado at para bang walang banta sa buhay namin ngayon. Ano pa bang aasahan ko kay Mak?

"May punto si Mak at baka mapahamak lang din tayo!" pagsangayon ko.

"Anong gagawin natin?" tnapakagat nalang ako ng labi ng hindi ko alam ang isasagot kay Danwell, nabablangko ang utak ko at hindi ako makapagisip ng maayos.

Kung kailan ba naman kailangan kong magisip doon pa ako walang naiisip.

"You have your feet" suwesyon ni Mak na hindi parin nakatingin sa'min.

"Tama, tumakbo nalang tayo!" napatingin lang sila sa'kin maliban syempre kay Xy at para bang hindi sila sangayon sa sinabi ko kung makatingin sila.

"That's too risky, sa daming Eaters sa labas baka wala tayong matakbuhan" pagtutol ni Dem, napatingin ako sa labas ng biglang may malakas na kumalabog sa sasakyan mula sa labas.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon