Ayzael's
"He's one of your classmate, right?" bakas parin ang gulat sa mukha nito.
Napangiwi nalang ako sa sinabi niya, parang hindi pa siya sigurado.
Mabilis kong hinawakan ang kamay niya at tulad ng inaasahan ko nilalamig at nanginginig ito, mabilis niya naman 'tong hinigit at sinamaan ako ng tingin.
Ang ingay! Napakaingay! sinusundan lang namin sila Nicer, habang nagkakagulo ang paligid.
Mga sira-sirang booth ang tumambad sa'min ng marating namin ang hallway ng School. Puro sigawan, puro takbuhan, napakagulo.
"Shit!" napapikit ako sa sakit ng ng may makabunggo ako at napaupo sa sahig.
"Ay sh*t!" bumungad sa'kin ang babaeng nakahawak sa noo niya at marahang nakapikit, hindi lalampas sa balikat niya ang buhok nito at natatakpan din ng buhok ang noo niya, dahil na rin sa liwanag ng buwan, kitang kita ko ang white longsleeve na suot nitong napahidan na ng dugo habang may red bowtie ito, at nakaskirt din 'tong kulay itim, kung hindi ako nagkakamali ay uniform ng North high.
"Ayzael!!" natingin ako sa harap kung saan galit na nakatingin sa'kin si Mak.
"Pain, tara na!" muli akong napatingin sa babaeng ngayon ay nakatingin na din sa'kin habang inaalalayan ng lalaking tumayo.
"Gun!" kumunot ang noo ko habang nakatingin sa babaeng nakatulala lang sa'kin.
"Ayzael!" tumayo na ako ng marinig ang galit na sigaw ni Mak, isang matalas na tingin lang ang ibinato nito sa'kin.
"Thanks to your stupidity, they left us!!" bulyaw nito habang tumatakbo kami sa direskyon ng parking lot, hindi na ako umiimik pa at napakamot nalang ng ulo.
I wonder why the girl reacts like that when she saw me, it's like she saw a ghost, Mukha ba akong multo?
Napahinto ako sa pagtakbo ng maramdaman kong may naapakan akong malambot at medyo basa, halos manigas ang buong katawan ko ng makita ko ang lamang loob na inaapakan ko.
Kahit madilim ay kitang kita ko ang babaeng naliligo sa sarili niyang dugo habang nakapasok ang sapatos ko sa tiyan niyang nakalabas na ang lamang loob.
My knees feel numb when I realize who it is! The Secretary of SSG.
Takot para sa kapatid ko ang bumalik sa dibdib ko.
Napatakbo ako muli ng makita ko ang galit sa mukha ni Mak habang nakatingin lang sa'kin, nang makarating kami sa parking lot kung saan may pailan ilan ang tumatakbo, agad hinanap ng mata ko sila Dem, nakatayo ito sa harap ng isang Van.
"Bakit ang tagal niyo?" iritanong bungad sa'min ni Dem.
"May nakipagland--"
"May nakabunggo kasi sa'kin" pagpuputol ko sa sasabihin sana ni Mak, kumunot naman ang noo ni Dem.
"Kala namin kung napaano na kayo!" bulyaw naman ni Nicer, kaya napakamot nalang ako ng ulo.
"Anong nangyari kay Mira?" agad ko namukhaan ang babaeng nasa kandungan ni Sol, pagkapasok namin ni Mak sa loob ng sasakyan.
"She's hurt, kinagat siya sa braso ng mga siraulong 'yon" mangiyak ngiyak na sabi ni Sol, bestfriend niya si Mira.
"I really don't know what just happened to the people out there, why they act like a wild mad animals" hindi ko mapigilang malito parin.
"Hindi sila nangangagat, nangangain sila! Kakainin nila tayo" pagtatama ni Sol sa akin, nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa sinabi niya at mas lalo akong naguluhan.
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Terror"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...