Ayzael's
"Yeah it seems like when your feelings for someone grow stronger, so does your fear of losing them!" napatingin ako sa kaniya.
Hindi ko alam pero napangiti ako ng marinig 'yon mula sa kaniya, ako lang ba or something on Mak has changed.
"Tumulong ka nga, Zael!" napalingon ako at napatigil sa pagiisip ng biglang sumigaw si Dem sa harap.
Binubuhat na nilang tatlo 'yong lalaking nakamaskara pero napangiwi nalang ako ng makita na nahihirapan sila at ni-hindi man lang nila magalaw ito. Para kaming nagbubuhat ng sasakyang walang gulong.
"Tangina, 'wag na kaya natin 'yan buhatin baka bigla 'yang magising! tsaka sa laki niyan, tingin niyo ba makakaya natin 'yang buhatin?" tanong ko at lumapit sa kanila, kumapit naman ako sa braso ng lalaki, at halos mapalunok ako ng maramdaman ang tigas ng braso nito dahil sa mga muscles.
Sinubukan namin 'yong buhatin pero hindi namin magawa, kaya hinila nalang namin pero sobrang bigat kaya sumuko nalang din kami kalaunan.
"Tara na nga hayaan nalang natin 'yan!" binitawan na ni Damon ang braso ng lalaking nakamaskara, ganun din ang ginawa ni Dem at Sol kaya binitawan ko na din.
Lumalakad na kami papunta sa kwarto kung nasaan sila Nicer.
"Mak, tara na" tawag ko kay Mak sa likod dahil siya lang ang wala pa, dahil nakakailang hakbang na kami paalis.
"Dan, tara na!" tawag ko kay Danwell ng maramdaman ko ang pagdating ni Mak sa gilid ko.
"Wait" giit ni Danwell sa likod kaya napakunot ang noo ko at napatigil sa paglalakad.
"Ano bang ginagawa--" napatigil ako ng lumingon ako sa likod habang si Danwell ay bahadyang nakaupo sa harap habang inaayos ang sintas niya.
Napalunok ako ng laway dahil sa nanunuyo ang lalamunan ko nang makitang may nakatayo sa likod niya pitong dipa ang layo.
Nanigas ang buong katawan ko at halos lumuwa ang mata ko ng mapagtantong 'yong nakamaskarang lalaki ang nakatayo malapit kay Danwell.
Dumaloy ang matinding takot sa buong sistema ko lalo na ng mapatingin sa'kin si Danwell at napangiti lang 'yon.
"Dan--Dan ta-ta-TAKBOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!" sigaw ko kay Danwell pero nanaitili lang 'yong nakatingin sa'kin kaya mas lalong tumindi ang takot sa buong katawan ko, pinilit kong gumalaw pero nanigas ang buong katawan ko.
"DANWELLLL!!!!!!!!" tumakbo na ako papalapit sa kaniya ng biglang tumakbo ang lalaking nakamaskara sa likod niya.
Nakita ko ang pagatras ni Danwell sa takot ng tumingin 'to likod niya ng tumatakbo ang lalaking nakamaskara hawak ang palakol nito papunta kay Danwell. hindi ko alam kung kailan pa siya nakatayo.
Parang bumagal ang takbo ng oras at ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pintig ng puso ko, habang nagdadasal na sana---na sana ay maabot ko si Danwell, na sana maabot ko siya bago pa siya maabot ng lalaking nakamaskara.
"DANWELLLLLLLLL!!!!" sigaw ko sa pagitan ng mga takbo ko ng makita kong itanaas ng lalaki ang palakol na dala niya, kita ko ang pagatras ni Danwell. Napigil ko ang hininga ko dahil doon.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, limang hakbang nalang para maabot si Danwell pero--
Napahinto Ako ng manghina ang tuhod ko at napaluhod nang may gumulong na bagay sa paanan ko, nagsitayuan ang balahibo ko ng makita ang nanlalakihang dalawang paris ng mata ni Danwell na nakatingin sakin.
"Dan---Danwell---DANWELLLL" nagdadasal na sana sumagot si Danwell, pero napanganga nalang ako ng hindi ko makita ang katawan ni Danwell na nakadikit sa ulo niya. Kilabutan ang dumaloy sa sistema ko.
"DANWELLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLLL!!!" sigaw ko at hinawakan ang mukha ni Danwell pero tangina! naramdaman ko pagtayuan ng balahibo ko ng tumingin ako sa mga Mata nifong nakatingin lang sakin, may tumutulo pang dugo mula doon.
Tuluyan na akong nanghina ng makita ang luha sa mga bukas na mata ni Danwell.
Hindi naman 'to nangyayari diba? namamalikmata lang ako diba? hindi naman si Danwell ang nakikita ko diba? Pero hearing a gunshots tell me it's real! it's real that Danwell is in front of m--- no, Danwell's head is in front of me.
"Zael can you promise me? just this once? can you--- can you save and protect me? kahit ngayon lang ulit? please?"
Napatulala nalang ako habang nakatingin kay Danwell ng biglang bumalik ang alaala lahat ang ala-alang nagpabalot ng takot sa buong pagtao ko. Ang ala-alang tuwing naaalala ko ay nanginginig ang buong katawan, ang ala-alang nagpapalakas ng buong takot sa katawan ko, ang ala-alang sumisira ng pagkatao ko.
"Mama papa! tulungan niyo po ako, Bata- bata tulungan mo ako pakiusap, tulungan mo ako"
"Zael can you promise me? just this once? can you--- can you save and protect me? kahit ngayon nalang ulit? please?"
Nangako ako kay Danwell, nangako akong proprotektahan ko siya, nangako akong walang mangyayari sa kaniya, nangako akong magiging ligtas siya! but I broke that promise! I broke it! anong ginawa ko? natakot nanaman ako! naulit nanaman ang dati, nagawa ko nanaman ulit at hindi ko nagawang protektahan siya, hindi ko nagawa, for a third time! I failed to save someone! I failed to save someone's life!
Bakit ganito? nangyari nanaman? pinilit ko namang iwasan bakit ganon? ano bang kasanalan ko bakit ba 'to nangyayari sa akin at sa paligid ko? bakit kaibigan ko pa? kaibigan ko pa ang hindi ko nagawang iligtas bakit kaibigan ko pa.
"Zael can you promise me? just this once? can you--- can you save and protect me? kahit ngayon nalang ulit? please?"
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" sigaw ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko, ramdam ko ang pag bigat ng bawat hininga ko, ang sikip sikip ng dibdib ko! gusto kong magwala, gusto kong mailabas ang sakit ng nararamdaman ko, kasi ang sakit sakit, sobrang sakit!
Naramdaman ko nalang ang mga luhang naguunahan sa pagtulo galing sa maga mata ko. Nasusuka ako.
"Zael can you promise me? just this once? can you--- can you save and protect me? kahit ngayon nalang ulit? please?"
Bakit ang hina hina ko? bakit ang duwag duwag ko? namatay si Estellan dahil sa'kin pati ba naman si Danwell?
"Zael can you promise me? just this once? can you--- can you save and protect me? kahit ngayon na---"
"Ayzael, Look at me!" may kamay na nagpaangat dahan dahan ng mukha ko.
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Terror"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...