XXIX: Bleeding!

118 4 0
                                    

Nicer's

"ZAEL!" sumigaw ako para mas lalo niyang marinig, mukhang success naman dahil napatingin siya sa malaperpekto kong mukha.

"ZAEL, TUMAKBO NA KAYO!!" tumingin ako kay Dem mukhang daga.

Bwesit pa din ako sa kaniya, sakit ng suntok niya at sa gwapong mukha ko pa talaga.

"ANO? TUTULUNGAN NAMIN KAYO!" kita mo 'tong si Zael pangit, tutulungan daw kami pero hirap na hirap na nga siyang buhatin si Makan na kahit ako ng ay sumuko dahil ang bigat nito.

"MASIYADONG DILIKADO KUNG PUPUNTA PA KAYO DITO, UMALIS NA KAYO!! KAYA NA NAMIN 'TO!!" inis parin ako sa pangit na 'yan pero kaibigan ko siya mahal ko siya, sinabi ng 'wag niyang papatayin si..... Kahit ayaw ko sa kaniya nasasaktan parin ako hanggang ngayon.

Gusto kong mawala si Estellan sa lovestory namin ni Xy ko, pero hindi ko naman gugustuhin na mamatay siya.

Tumingin naman ako kay Xy ko, at halos manlumo ako ng makita ko siyang nakatulala parin habang ngayon.

Kung pwede ko lang kunin lahat ng nararamdaman niyang sakit kagabi ay kinuha ko na, masiyado ko siyang mahal para hayaang masaktan, pero wala naman akong nagawa.

"Oh shit!!" bulong ko ng makita ang paligid namin na may paisa isang eater na lumalapit.

"ZAEL MAKINIG KA!! KUKUNIN NAMIN ANG ATENSYON NILA PARA MAKAALIS KAYO NI MAKAN!!" sigaw ni Dem na mukhang daga pero hindi ko pa din hindi matignan ang mga eaters na lumalapit sa'min, baka bigla kaming kagatin ng mga 'to.

Kailangan kong siguraduhing okay lang si Xy ko. Kailangan niya pa ako lalo na ngayon.

"HINDI TAYO PWEDE MAGHIWA--"

"MAHIHIRAPAN LANG TAYO!KUNG MAGKAKASAMA TAYO!KAYA NAMING MAKAALIS DITO PERO KAYO, MAHIHIRAPAN KAYO" sigaw ni Dem mukhang daga, mukhang ayaw talaga ni Zael pangit, pilit naman kasi 'to ng pilit si Dem.

"De--" napatigil ako ng makita ang seryosong mukha niya.

Pag ganitong seryoso siya, wala ng makakapigil sa gusto niya.

"SA NGAYON,MAHIHIRAPAN TAYO KUNG MAGKAKASAMA LANG TAYO, KAYA UMALIS NA KAYO" sigaw ko.

Wala ng magagawa ang gwapong tulad ko kundi ang sumunod sa gusto ni Dem, gwapo lang naman ako, baka mamaya sapakin lang ako ulit nito kung magmamatigas din ako.

Buti nga kagabi hindi ako masiyado nasapak ni Dem kahit na napikon talaga siya sa'kin.

Pero buti nalang walang galos ang malaperpekto kong mukha maliban nalang sa pasa ko sa kaliwang gilid ng labi ko.

Medyo naiintindihan ko na din ang gustong mangyari nila, hindi kami naging magkakaibigan para lang sa wala, may tiwala ako kay Dem kahit na mukha siyang daga.

Pero hindi ko lang matanggap ang ginagawa namin, hindi ko talaga kaya.

Dahil gwapo ako hindi niya ako ipapahamak, hindi niya kami ipapahamak. Pero hindi ko talagang magawang pumatay, nanginginig ang buong katawan ko pag naiisip ko ang nangyari noon.

"UMALIS NA KAYO, BILISAN NIYO, ZAEL!!" sigaw ko ulit.

Pero mukhang matigas talaga si Zael pangit at ayaw makinig sa amin.

Magiging kami pa ni Xy ko, magiging okay pa siya, ipapamove on ko pa siya kay Estellan, kahit na masakit na nakikita ko siyang nasasaktan sa iba.

Kahit na masakit na nakikita ko siyang umiiyak sa iba, gusto kong sumigaw, dahil masakit na ngang makitang masaya siya sa iba ano pa kaya ang makita ko siyang masasaktan sa iba.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon