XIV: I'm Nicer!

212 9 1
                                    

Ayzael's

Tumayo ako at tinignan kung may Eaters pero hinila ko naman agad si Mak nang makompermang walang kahit na ano.

"Susundan ko siya, pero hihintayin mo ako dito!" mukha namang hindi nagustuhan ni Mak ang sinabi ko dahil kumunot ang noo nito.

"What--"

"Susunod ka sa'kin kung gusto mo sundan ko siya" hindi pwedeng sumama sa'kin si Mak, dilikado at baka mapahamak siya. Binuksan ko ang malaking basurahan na mga kahoy lang ang laman.

"Susundan ko siya at hihintayin mo kami dito" tinuro ang basurahang nakabukas na, mukha namang ayaw niya sa iniisip ko kaya napabuntong hininga ako

"Hindi ka ligtas kung magtatago ka lang sa tabi" nagaalala kong sabi, bumuntong hininga lang siya at pumasok na sa loob

"'Wag kang lalabas kahit anong mangyari! Hintayin mo ako! Kakatok Ako ng dalawang beses" bilin ko sa kaniya at isinirado ang malaking basurahan bago tuluyang umalis.

Nakita ko naman ang isang tubo na bakal na isang dipa ang haba sa gilid, kinuha ko 'to at tumakbo na papaalis na walang ideya kong saan ko hahanapin si Danwell.




Nicer's

Sh*t! 'wag lang sana kami makakasalubong ng mga Freaks na nangangain, Ayoko pang mamatay.

Gusto ko pang maikalat ang gwapo kong lahi at pakasalan si Xy ko kahit may hang over pa siya sa walang-wala-sa-kagwapohan-ko na first love niya, 'di hamak naman na mas gwapo ako doon ang baho niya kaya.

Napatingin ako sa likod dahil parang ang lamig.

"P*ta!Nasan na sila Zael?" napahinto ako sa pagtatakbo dahil walang pangit na Zael sa likod namin, kahit si Makan at 'yong babaeng new comer na Denwall? Denmall? I don't know-why I'm so pogi.

"Ano?Don't tell me, iba ang dinaanan nila!" nanlalaki ang mata sa gulat ni Xy ko! hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitignan siya, kahit anong laki ng butas ng ilong at laki ng mata niya at dagdag pa ng dumi ng mukha niya ay napakaganda niya parin.

Kinikilig tuloy ako, salamat sa light na galing sa cellphone ko at nakikita ko ang mukha ngayon ng Xy ko.

"B-bakit hindi natin napansin agad?" inis si Dem mukang daga, napasimangot tuloy ako.

"Malay ko din,n-ngayon ko lang nakita!" sagot ko sa sarili ko, bakit akaya 'Di niya kasi matanggap na mas gwapo ako sa kaniya.

"Tara na, hanapin natin sila!" sabi nito at nagpatuloy na kami sa pagtatakbo, kanina pa sumasakit ang paa ko at magpahinga kaso baka bulyawan naman ni Dem mukang daga pag ginawa ko 'yon.

Napakalakas pa naman ng boses niya kala mo babae, dinaig pa si Makan.

"'W-w-wag dito!" hindi ko alam kung bakit napatigil si Dem sa pagtatakbo kaya napatigil din kami sa likod niya buti nalang ay nakapreno ako agad kundi ay tatama ang gwapo kung mukha sa likod ni Dem mukang daga.

"D-d-dito sa kaliwa!" narinig kong sumigaw si Sol, kita mo 'tong nerd na 'to! magkakatabi lang kami sumisigaw pa.

"P-P-Pt--Sht-s-sht--b-balik!" muntik na akong atakihin sa puso ng may sumalubong sa'min na Eaters pagliko namin,  agad naman akong tumalikod at tumakbo, mabuti na lamang ay nakasunod sa'kin sila at hindi kami nagkakahiwalay.

"B-bakit ang dami y-yata nating nakakasalubong?" tanong ng isa pa naming kasama na si Itikis ba to? habang tumatakbo parin, nakakagulat nga at nagsalita siya.

Walang katapusang takbo naman 'to!Kanina pa ako nagugutom tapos ngayon tumatakbo naman kami. Suck this life, why I'm so handsome?

"Hindi ko din alam!" sagot ni Xy ko, hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa kanilang dalawa ng first love niyang walang wala sa kagwapohan ko.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon