Ayzael's
Napapikit ako ng maramdaman ko ang pagtama ng matigas na bagay sa likod ng ulo ko.
"ZAEL!!!!!" sigaw ni Danwell, mabilis kong iniharang ang kanang braso ko sa leeg ng lalaki ng tangkain niyang kagatin ako sa mukha.
Halos bumaliktad ang sikmura ko ng maamoy ang hininga nito, nakalalay na ang mata at may tumulo pang dugo sa mukha ko.
Napahinga ako ng maluwag ng gumaan ang ibabaw ko, malakas itong hinatak palayo ni Dem sa'kin , mabilis akong umupo kahit na medyo nahihilo ako. Mas malaki sakin ang lalaki.
"Zael, tara na" naramdaman ko nalang ang paghawak sakin at paghatak ni Dem sakin patayo, napatingin ako sa lalaki ngayong nakahandusay at sabog na ang ulo.
Pinunasan ko ang mukha ko na puro dugo galing sa lalaki.
"Nicer!" sigaw ko.
"Zael, ayos ka lang?" bungad na tanong sa'kin ni Danwell tumango lang ako at muling pinunasan ang mukha ko.
Nahihirapan naman tumayo si Mak habang pilit siyang inaakay ni Nicer.
"Zael, hindi ko na kaya" hingal na hingal si Nicer at parang naligo sa pawis ang mukha at leeg nito.
"KAILANGAN NA NATING UMALIS!!MALAPIT NA SILA" babala ni Dem kasabay nito ang isang putok ng baril
"Nicer dalhin mo 'to at alalayan mo si Xy" inabot ko ang travel back sa likod sakaniy pero kumuha muna ako ng isang boteng tubig doon at hinilamos 'yon sa mukha at leeg ko.
At pinunas ang bigay na panyo sakin ni Mak.
"UMALIS NA TAYO!! PADAMI NA SILA NG PADAMI!" sigaw ni Dem, mabilis naman akong lumuhod sa harap ni Mak.
"Kaya ko--"
"SAKAY NA!!" naramdaman ko naman ang init ng katawan niya ng sumakay na siya sa likod ko.
Dahan-dahan kong binalansi ang timbang ni Mak upang hindi kami patumba habang patayo ako.
"TAKBO NA!!" sigaw ni Dem na agad naman naming sinunod.
"Mak, kumapit ka! tatakbo tayo!!" nakatingin lang ako sa unahan kung saan tumakabo na sila Xy, Danwell at Nicer.
Si Sol naman ay pinagbabaril ang mga eater, si Dem naman ay nasa likod namin.
"Dem,puntahan mo si Nicer bilis!" utos ko kay na sumasabay sa pagtakbo sa'min.
Mabagal lang ang pagtakbo ko dahil medyo mabigat si Mak at nawawalan na din ako ng lakas dahil sa braso ko.
"You're bleeding!" napatingin naman ako sa kamay niyang nasa harap at may bahid ng dugo.
"That won't kill me" kinakapos na ako ng hininga dahil sa mabigat siya at kumikirot pa ang braso.
"Wala ka na bang ibabagal pa?" sarkastikong tanong ni Mak napakunot lang ang noo ko.
"Kasalanan ko bang mabigat ka?" pabalik kong tanong.
"Pero kasalanan mong mahina ka!" napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"Kung mahina ako ede sana 'di kita nabuhat" inis kong sabi.
Kahit na hinihingal na talaga ako, at unti nalang ay bibigay na ang tuhod ko.
"Kung malakas ka sana, kasabay na natin silang tumakbo!" napakagat ako sa labi sa inis sa kaniya.
"Ede sana hindi nalang kita binuhat diba!" hindi ko na napigilang tumaas ang boses ko.
"Sino ba kasing nagsabing buhatin mo 'ko?" sigaw niya sa tainga ko kaya napapikit ako sa lakas nito.
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Horreur"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...