LXVI: Xy and Nicer

91 2 2
                                    

Ayzael's

"T*NGINA MO ANONG GINAWA SAYO NI XY KO KO PARA GAWIN MO SA KANIYA 'YUN!" sigaw ni Nicer at malakas na hinataw ang lalaki sa ulo, dahilan para maglikha 'yon ng malakas na tunog.

"T*NGINA KA! WALA KAMING GINAGAWA SAYO!!" hinataw muli nito ang ulo ng nakamaskara ng sobrang lakas, kitang kita ko ang panginginig ni Nicer.

"GAGO KANG! IBALALIK MO SA'KIN SI XY KO!!!!" ssa pangatlong pagkakataon ay hinataw nito ang nakamaskara sa balikat, halos napasinghap ako ng hangin ng marinig ang malalakas na hikbi ni Nicer.

"IBALIK MO SI XY KO!! IBALIK MO SIYA!" malakas hinataw muli nito ang lalaki, paulit ulit niya 'yong ginawa, hanggang sa hindi na magawang matungkod ng nakamaskara ang tuhod nito at ang mga braso nito.

"AGRRRRRRRRRHHHHHHHHHHHHHHHHHH!SHE DOESN'T DESERVE IT" sigaw ni Nicer at muling hinataw ng malakas ang nakamaskara, kita ko ang dugong umaagos muli sa ulo ng nakamaskara habang naka dapa na 'yon at tuluyan ng hindi gumalaw. 

Iyak lang ni Nicer ang naririnig ko, puno ng pighati sa bawat hikbi nito. Parang tinutusok ako lalo na, ngayon ko lang narinig 'yung ganong iyak ni Nicer, sa sampong taon namin magkasama, kahit nung umalis si Ley hindi siya nagkaganiyan.

Gusto kong takbuhin si Nicer pero pinigilan ako ni Dem na nasa tabi ko na pala pati si Damon, nakaupo lang si Nicer habang nakatakip sa mukha niya ang mga palad niya, rinig na rinig namin ang mga pasigaw na iyak nito.

"T*NGINA NAMAN!!BAKIT SI XY PA KASI, SHE DOESN'T DESERVE THIS KIND OF SHIT!" sigaw nito sa gitna ng mga hikbi niya. Iyak ng iyak si Nicer at habang tumatagal 'yon ay lalo akong nasasaktan. Seeing my cousin breaks like that, Nicer is a funny person, kaya hindi ako sanay na nakikita ko siyang umiiyak ngayon.

Dumaan ang sampong minuto at wala na akong marinig na kahit anong ingay mula kay Nicer, tuluyan na 'yong tumigil sa pagiyak, lumakad na ako papalapit sa kaniya ng bigla siyang sumigaw ng malakas.

"HINDI!!!! HINDI KO SIYA PINATAY!" nanlaki ang mata ko ng biglang sumigaw si Nicer na para bang takot na takot at may kausap.

"HINDI T*NGINA! HINDI AKO ANG PUMATAY SA KANIYA!!! HINDI AKO KRIMINAL, HINDI!!!" nagkatinginan kaming tatlo nila Dem at Damon sa isat isa.

Gulat at pagkalito ang nangibabaw sa'kin, something's off, something's wrong with Nicer! takot na takot ang boses nito at iba ang bawat sigaw nito kumpara kanina.

"HINDI!!! HINDI KO SIYA PINATAY! HINDI SA PANGALAWANG PAGKAKATAON!! HINDI AKO!!HINDI AKO!!" sigaw niya muli ni Nicer.

Tatakbo na ako papunta sa kaniya ng may pumigil na kamay sa'kin, lumingon ako at halos manakit ang lalamunan ko ng makita ang mukha ni-

"X-Xy?" gulat na tanont ko ng bumungad sakin ang mukha ni Xy. Naiyak Ako ulit.

"Zael, ako na at punasan niyo 'yang mukha niyo" giit nito, pero napatulala lang ako sa kaniya, Tangina hindi kaya namamalikamata lang ako.

"X-Xy?" tanong ko at tumango lang siya.

"I'll explain later"  nilampasan niya ba kaming tatlo, kita ko ang gulat sa mata ng dalawa, pero napangiti nalang ako habang nakatingin kay Xy na ngayon ay lumalapit kay Nicer. Do I'm just dreaming? no! hearing Nicer screaming tells me that I'm not.

I thought, I though I lost someone again, fuck this. Just thank God I didn't.

Play the music-----------------

Nicer's

"Nicer...." napalingon ako sa nangagaling ng boses.

Boses na alam na alam ko ang bawat detalye, ang bawat tunog na bumubuo sa boses niya, ang boses na ang sarap sarap pakinggan, ang boses na gustong gusto kong naririnig at hinihintay kong marinig kanina pa.

Lumingin ako sa nanggaling ng boses at muling tumulo ang magagandang luha ko ng makita ang mukhang kanina ko pa gustong gustong tignan, at ang ngiting ang sarap sarap pagmasdan.

"Xy ko......." lumuhod siya harap ko para magkapantay kami, hindi ko na napigilang maghagulgol at yakapin siya, t*ngina kahit alam kong nilalaro lang ako ng gwapong imahenasyon ko wala akong pakialam.

Halos matunaw ang puso ko ng maramdaman ko ang init ng katawan niya sa katawan ko, kahit na ayaw tumigil ng pag-agos ng magagandang luha ko, wala akong pakialam.

"Xy 'wag ka ng aalis! please--- gagawin ko lahat 'wag ka lang umalis, 'wag mo na akong iwan!" giit ng gwapo sa bawat pagitan ng mga hikbi ko.

Para bang ang saya saya ko, amoy na amoy ko ang bango ng Xy ko, kahit na alam ko namang hindi 'to totoo, sana huminto ang oras! sana hindi na matapos 'to.

Gustong gusto ko ang pakiramdam na ganito, gustong gusto ko ang yakap ni Xy ko, gustong gusto ko ang init ng katawan niya at gustong gusto ko ang amoy niya kahit amoy dugo siya.

"Xy 'wag ka na aalis please" giit ko at tinanggal ang pagkakayakap niya sa kagwapohan ko.

Tumambad sa'kin ang napakagandang mukha ng Xy ko, kahit na may bahid pa 'yon ng dugo, nakita ko ang mga luhang dumadaloy sa mga mata niya.

Napangiti ako at hinawakan ang pisngi nito, mainit 'yon at parang totoong totoo talaga.

"Why are you crying? Xy diba ayokong umiiyak ka" hinalikan ko ang luha niya, naramdamn ng malalambot na labi ko ang basa doon. Para talagang totoong totoo.

"Your tears---They're too precious to shed, I told you not to cry! kasi---kasi---I want to be a reason of your smile not your tears" muling hinalikan  koang tumulong luha niya sa kaliwang pisngi niya.

"Xy 'wag kanang aalis please! gagawin ko na ang lahat 'wag ka lang mawala, proprotektahan kita! magpapalakas ako katulad ni Zael, magpapakatalino ako katulad ni Dem! poprotektahan kita, hindi na kita hahayaang masaktan at mawala basta bumalik ka lang please!" pagmamakaawa ko sa kaniya habang nakahawak lang ang kamay ko sa pinsgi niya.

Nawala ang takot sa puso, pero napahinto ako ng muli ko nakita ang lalaking nadapa sa likod ni Xy ko.

Hindi ko mapigilang manginig habang bumabalik sa alala ko ang nangyari dati, bumabalik muli ang takot sa puso ko, ang pangyayari sa buhay ko na hinding hindi ko makakalimutan. Ang nagiisang bangungot ng buhay ko.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon