LIII: Conflict

106 7 0
                                    

Ayzael's

"And please! I can't just take that someone's risking her or his life just for my behalf, so stop saving me, I just don't need it, I dont need anyone, and obviously I don't need you" giit niya na ikinagulat ko.

At nilampasan ako, hinayaan ko lang siyang umalis, why I'm palways make things worst.

Pagkababa ko ay bumungad sa'kin sa sala ang lahat na nagtatawanan, napatigil naman sila at napatingin sa'kin.

"Hey Zael, saan ka galing?" tanong ni Nicer pero hindi ko siya pinansin, at dumiretso lang sa kusina, kumuha ako ng tubig at uminom.

"Oh? Zael, saan kayo galing ni Makan ahh? bakit magkasunuran kayong bumababa?" malukong tanong ni Nicer.

"Makan? Ayos na ba ang paa mo? hindi na ba masakit?" tanong ni Xy, pero nanatili lang akong sa kitchen sink na nakasandal habang umiinom ng tubig.

Bakit parang hindi parin natatanggal ang pagsikip ang dibdib ko kahit nakainom na ako ng tubig? napangiti ako ng mapait, why I'm hurting anyway?I feel that I'm nothing to her.

Nothing hurts more than realizing she meant everything to you but you meant nothing to her.

Lumipas ang ilang oras at nag-ayaan ng matulog dahil siguradong mahaba haba nanaman ang biyahe namin mamaya pero pahiga na ako sa sofa, dahil nga nagsipuntahan na ang iba sa kanikanilang kwarto at naiwan ako dito sa sofa.

Dahil nga wala naman akong tutulugan dahil puno na sa kwarto nila Nicer at nagsisiksikan na sila.

Tapos alangan naman makitulog ako sa kwarto ng mga babae at lalo naman kung kila Ley ako makitulog, pero hindi ko alam kung may natutulog ba sa kwarto ni Mak o kung wala man, ayoko namang pumunta doon, dahil sumisikip parin ang dibdib ko tuwing naalala ko ang paguusap namin kanina.

Napabuntong hininga ako bago ko pinikit ang mata ko, pero muli ko 'yong minulat dahil nga hindi parin maalis si Mak sa isip ko at ang mga sinabi niya sa'kin.

Lagi naman masasakit ang mga binibitawang salita niya sa'kin pero bakit parang iba 'tong mga sinabi niya sa'kin, ang hirap tanggalin sa isip.

Dagdagan pa na nasabi ko ang mga bagay na dapat hindi ko sinabi, I just made things worst, I made Mak feel worst.

Muli ako napabuntong hininga at muling ipinikit ang mga mata dahil puro puting kisame lang naman ang nakikita ko.

Nagsisisi na tuloy ako kung bakit ko pa pinakailaman ang sulat ng lola niya na kung para kanino man.

"T*ngina Zael, nasa taas palang kami amoy na amoy na namin ang hininga mo sa kakabuntong hininga" napadilat ako ng mata ng marinig ko ang nakakairitang boses ni Nicer, pababa siya habang nasa likod niya naman si Dem at Damon. Kumunot ang noo ko ng pumunta sila sa sofa at umupo sa bakanteng sofa.

"Ano nanamang kailangan niyo?" walang buhay kong tanong at muli ipinikit ang mata ko nagbabakasakali na makatulog pero mukha talagang malakas ang naging epekto ng mga sinabi sa'kin ni Mak kanina.

"T*ngina Zael, ilang taon tayong magkasama kaya saulado ko na bawat emosyon dyan sa pangit mong mukha" sambit ni Nicer kaya napadilat ako.

Hindi dahil sa sinabihan niya ako na pangit kundi dahil mukhang halata ngang bothered ako.

"Hulaan ko babae 'yan nuh?" tanong ni Damon kaya napatawa ako ng mahina.

"Alam na alam ah, lagi ka bang ganito?" tanong ko pero ang gago nginisian lang ako.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon