III: Spermicidal!We are!

603 22 19
                                    

Ayzael's

Bumungad samin ang mga estudyante pagkapasok sa cafeteria, unti lang ang mga tao dahil siguro busy para sa school festival mamaya.

Isa lamang itong ordinaryong cafeteria, may round table na sapat na para sa apat na upuang nakapalibot dito, may mga rectangle-shape din para sa maramihan, sa counter naman ay may mga babaeng naka hairnet at nakasuot na apron na royal blue.

"Dito!Dito!" napatingin ako kay Nicer, malawak ang ngiti habang kumakaway na parang isang tanga.

"Ba't ang tagal niyo?" bungad nito pagkadating namin sa table.

"Anong nangyari d'yan sa pisngi mo?" tanong ni Xy.

"An--"

"Hey, sorry nalate ako" bungad ni Dem.

"Oh ba't nandito ka panget?" giit ni Nicer sa lalaking may mahaba at lumalampas na sa noo niya ang may highlight na red nitong buhok, at suot nito ang yunipormeng katulad sa'min ni Nicer, nakatupi hanggang siko ang longsleeve nito at medyo loose din ang royal blue nitong necktie.

Si Demmo, kababata namin ni Ackhie at Nicer. Habang si Mak at Xy ay nakilala lang namin a year ago.

"Oh?Zael! What's wrong with your face?" napakunot lang ang noo ko kay Dem.

"The face is wrong itself, dude" sabat ni Nicer.

"Walang nagtatanong" sagot ni Dem kaya sinuntok lang siya ni Nicer.

"Hoy Makan, bakit may bad aid 'yang mukha mo?" Nagtatakang tanong ni Dem.

"Kaya nga Makan, ano bang nangyari d'yan sa pisngi mo?" Dagdag naman ng nagaalalang si Xy.

"Oo nga, napaano ka? Baka naman sinumpong ka ng katangahan mo?" tanong din ni Nicer pero sinamaan lang siya ng tingin ni Mak.

"Luckily, I'm not you" sagot ni Mak kaya napasimangot si Nicer.

Pumunta ako sa counter para humingi ng ice, 'wag lang talaga magpapakita sakin ang mga babaeng 'yon.

"Sabi na nga ba eh, katangahan 'yan!" bungad ni Nicer.

Pagkabalik ko sa table namin, habang binabalot sa panyo ang ice.

"Makan naman, sabi ko sa'yo magiinom ka ng gamot kung nahihilo ka o may sakit ka? bakit kapa pumasok?" parang isang nanay si Xy na pinaaalahanan si Mak. Xy really loves Mak. We all can see that.

"They did that" Sambit ko, masamang tumingin sa'kin si Mak, para bang may nasabi akong dapat hindi ko sinabi.

Hinigit ko ang braso ni Mak at nilapatan ng ice pasa niya sa brask, halata namang nagulat ito.

Tinangka niyang hablotin pabalik ang braso niya pero dahil malakas ako wala siyang nagawa.

"Just what I thought!" seryosong sabi ni Dem.

"That bitch!" inis naman na sabi ni Xy.

"Hay nako nagpapansin Nanaman 'yun sa kagwapohan ko!" seryosong tuno ni Nicer, na ikinangiwi lang namin.

"There you are, Bitch! With her ugly bestfriend, and the Spermicidal" awtomatikong napatingin kami sa likod.

"Oppsss. Did I say something wrong para ganiyan kayo makatingin sakin?" maarti nitong sambit sabay flip ng mahaba at blonde nitong buhok at suot ang katulad din kila Mak na uniform ang pinagkaibahan lang ay mas maikli ang palda nito.

"Your face is! It's berirong!" rinig kong ni Nicer.

Walang nagsasalita sa aming lima, inis na tumingin lang ako kay Devoir at sa mga kasama nito.

"Tch!" Mahinang bulong ni Mak, sapat na para marinig naming lahat.

"Anong sinabi mo?" mukhang narinig naman ni Devoir at nangingit sa galit habang nakatingin kay Mak.

"Let me tell you this, again!" marahas ko siyang kinwelyuhan dahilan para manlaki ang mga mata ni Devoir sa gulat.

Parang nagmistulang may concert ang table namin dahil sa halos lahat ng estudyante sa loob ng canteen ay nanunuod sa amin. Wala akong pakialam kahit marami pang makakita.

"Hey, Zael. mukhang lalaki man 'yan pero totoong babae 'yan" rinig kong pagpipigil sa'kin ni Nicer pero hindi ko siya pinansin nakatingin lang ako kay Devoir.

"Hindi ka pa nasanay, pumapatol sa babae 'yan, huli yatang babaeng nakaaway niyan na hospital noon" sabi naman ni Dem, napangiti naman ako ng mas lumaki ang mga mata ni Devoir sa gulat.

"B-Bitiwan mo k-ko" mas lalo kong hinigpitan ang pagkakapit ko sa harap ng kwelyo niya dahilan para malukot ito.

Kulang pa 'yan sa mga pinangagawa niya kay Mak.

Masiyado silang mapangabuso, porque alam nilang hindi sila papatulan ni Mak.

Marahan kong nilapit ang bibig ko malapit sa tainga niya para marinig niya ang mga ibinulong ko.

Ngumiti lang ako bago lumayo, mas lumawak ang ngiting ' ng makita ko ang takot sa mukha niya.

"K-k-kilala m-mo ko, A-Ayzael. I-Isusumbong k-kita kay Papa, you know what can I do to your sister!" napatigil ako sa sinabi niya.

Wala naman akong pakialam kahit isumbong niya ako sa may-ari ng school na 'to pero ibang usapan na pag kapatid ko ang pinaguusapan kaya napalayo ako at lumakad paalis.

"Y-you'll see, Ayzael" banta ni Devoir habang lumalakad ako pabalik kila Nicer na ngayon ay nanunuod lang sa'min.

"Zael naman, Bakit mo naman 'yon ginawa?but you did right" tanong ni Xy pero napatingin ako kay Mak na ngayon ay masamang nakatingin sakin.

Isang dahilan lang naman kung bakit hindi pinapatulan ni Nicer at Dem si Devoir 'yon ay dahil ayaw ni Mak. Pero kasi ngayon sumusobra na sila.

"Malilintikan tayo niyan eh" nawala ang ngiti sa labi ni Nicer.

"Oh Damn!She's coming" napatingin ako kay Dem na nakatingin lang sa direksyon ng entrance.

Kahit 'di ko pa nakikita ang sinasabi niya, hindi ko mapigilang mapalunok ng laway.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon