LIV: Nicer's

88 4 0
                                    

Ayzael's 

Minulat ko ang mga mata ko ng makarinig ako ng ingay na hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Hoy Zael, gumising kana at aalis na tayo" bungad sa'kin ni Nicer na may hawak na tinidor at may nakatusok na maliit na hotdog.

Muli ako napapikit maramdaman ang pagkirot ng ulo ng umupo ako sa sofa'ng pinaghigaan ko.

"Zael, ready na ang breakfast sa dining room kumain kana" napatingin ako muli sa harap kung saan katabi na ni Nicer si Dem na may hawak ng tasa, napatakip naman ang ng ilong ng maamoy ko ang aroma ng kape.

"Anong oras na? bakit hindi niyo ko ginising?" tumayo na ako ng hindi ko na naramdaman ang pagkirot ng ulo ko.

"Sabi ni Xy 'wag ka na daw gisingin dahil mas mabuti daw sa'yo na makapagpahinga ka dahil dyan sa ulo mo" sagot ni Nicer kaya tumango nalang ako.

Lumakad na ako papuntang kitchen ng masalubong ko si Alcinous at si Ley.

"Good morning, Ayzael, kamusta na ang ulo mo?" masiglang bati sa'kin ni Alcinous pero tumango lang ako at ngumiti, dumako naman ang tingin ko kay Ley at ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya.

Naging magkaibigan naman kami ni Ley dati bago dahil nga lagi silang magkasama ni Ali, Lalo na no'ng naging girlfriend siya ni Nicer.

Naabutan ko sila Xy, Danwell, Cornelia, Addy at Mak na medyo nakakalakad narin, hindi na siya paika-ika at mukhang ayos na ang mga paa niya na naglilipit ng mga pinagkainan sa malaking lamesa.

"Hey Zael, kumain kana, hindi na kita pinagising dahil it looks like it's good for your head kung magrerest ka lang" sabi ni Xy na ikinatango ko lang. Napangiti naman ako dahil doon. Xy is caring as always.

"Kumain kana, Dem said aalis na tayo maya-maya" sabi ni Danwell na lumapit sa'kin tumango ako sa kaniya. 

Tumingin ako kay Addy at ngumiti lang ako ng nakatingin pala 'to sa'kin pero kumunot lang ang noo nito, kaya napabuntong hininga nalang ako.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Danwell kaya tumango akong nakangiti.

"Yeah, hindi na siya masiyadong sumasakit" sabi ko at umupo na sa isang upuan sa kaliwa, tumingin ako kay Mak pero mabilis ko ding iniiwas ng makita ko siyang nakatingin. Bakit ba siya nakatingin sa'kin?

Halos hindi ako nakatulog kagabi sa kakaisip sa kaniya, ayoko ng isipin pa ulit ang mga sinabi niya sa'kin, sumasakit lang talaga ang ulo ko, sabi nga ni Ackhie, stop thinking about the things that hurt you.

But how can I stop thinking of Mak?

Mabilis akong kumain at hinugasan ang pinagkainan ko at bumalik narin sa sofa kung saan naabutan ko silang lahat na naguusap.

Binigay na samin nila Xy ang mga sariling damit namin, bagong laba daw yun at nilabhan na nilang dalawa ni Danwell, natuwa ako dahil pati ang jacket ko ay malinis na.

"Can we go now?" tanong ko, pagkadating ko at umupo sa tabi ni Nicer kung saan may bakante sa pagitan nila ni Dem.

"Yeah, I checked ouside at good thing at ambon nalang" sagot ni Dem, kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang phone ko ng maalala kung Hindi ko matandaan kung saan ko nailagay yun.

Titignan ko sana nag oras pero parang ang awkward naman kung kakausapin ko si Mak kung nakita niya ba. Hindi naman na kasi gumana bigla ang relo ko.

"We're good now? Makan, sure kabang hindi ka magpapaiwan?" tanong ni Dem, tumango lang si Mak.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon