XI: New

265 11 4
                                    

Ayzael's

Halos lumuwa ang mata ko ng makita ang isang babae ang nakasandal sa pader suot ang yuniporme nitong pula habang naliligo sa sarili nitong dugo, nakakakilabot na nakamulat pa ang mata nito. 

"What are we gonna do?" may takot sa boses ni Xy, sino bang hindi matatakot. Kaaga-aga ito ang bubulaga sa'yo.

Kahit kagabi ay nabalot ng dugo ang paligid na nakikita ko, hindi parin masanay ang mga mata ko sa mga nakikita ko ngayon. 

I didn't expect to see dead bodies. Wala akong inaasahan na nangyayari at sa mga mangyayari pa.

"Kunin niyo na ang dapat niyong kunin!" sambit ko

"Nahihibang kana ba? ayokong magnakaw, mamaya may cctv dito" kumunot ang noo ko sa mga sinabi ni Nicer.

"Sinong nagsabing hindi tayo magbabayad? we're going to pay" nanghihinayang at nagdadalawang isip man ay ibinaliktad ang wallet ko sa table ng casher dahilan para maglalaglagan ang pera doon, 'yon nalang ang natirang pera na binigay sa'kin ni Achkie na baon ko sa isang linggo.

Tulad nga ng sinabi ko, kay Ackhie lang ako nakaasa, kaya siya lang ang gumagastos saming dalawa, scholar sa siya sa school at nagtatrabaho din sa library,  nahihiya na kasi kami ni Ackhie na tumanggap ng pera mula sa mama ni Nicer. 

Nagtatrabaho naman ako sa isang teacher namin na maging assistant na hindi alam ni Ackhie dahil alam kong hindi niya gusto 'yon, sinuswelduhan niya ako at ginagastos ko 'yon para makatulong kay Ackhie ng hindi niya nalalaman.

"Tol, martes pa lang ngayon, buong linggo mo pa 'yang baon diba?" gusto kong suntukin sa mukha si Nicer dahil mukhang nalulungkot pa siya sa ginawa ko. 

He's right, ayoko na humingi kay Ackhie ng pera, basta bahala na. 

"Sa tingin mo ba kakailanganin pa namin ng pera ngayon?" tanong ko sa kaniya pero ang gago nagisip pa.

It's not wrong to think that it will end soon but I doubt that it will end sooner.

Bumuntong hininga nalang ako at pumunta sa coffe machine, napatakip ako ng ilong ko sa aroma ng kape. I really the aroma of coffee.

Agad naman hinanap ng mata ko si Mak, pero kumunot ang noo ko ng hindi ko siya makita sa loob.

"Si Mak?" tanong ko kay Xy, mukha namang nagulat siya.

"Lumabas yata kanina" sagot niya.

Ibinaling ko ang tingin sa isang aisle na puno ng chocolate bars, lumabas na ako at nakita ko namang nakaupo si Mak sa loob ng van na nakabukas lang ang slide door.

"Inumin mo at kainin mo" agad naman siyang napalingon sa gawi ko at tumingin lang sa kapeng hawak ko at sa dalawang chocolate bars.

"Good morning" bati ko, nagaalangan pa itong tanggapin pero tinanggap niya naman din. Coffee at chocolate lover si Mak, iwan ko ba d'yan kung ano ang nagustuhan niya sa kape. 

I feel guilty for being mad at her, I should not act that way, maybe she's still in shock on what's happening on us, there's always a reason behind her actions.

"Wala man lang bang thank you?"

Tinaasan niya lang ako ng kilay "I didn't ask you this so why would I?" sabi nito na ikinangiti ko nalang. 

"Kala ko ba galit ka?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"Sa buong taon mo akong sinungitan, ngayon mo pa tinatanong kung galit ako sa'yo!" biro ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin. 

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon