Nicer's
"Arète?" tanong ng lalaking nakatali ang medyo mahabang buhok nito habang nakatingin parin kay Makan.
"Alcinous?" gulat na tanong ni Makan.
"Makan, kilala mo 'to?" tanong ni Dem, tumango si Makan dahilan para ibaba ni Dem ang baril niya.
"Thank god! you're safe,! I'm worried to death!" yumakap ito kay Makan, hindi naman nagsalita si Makan o nagpumiglas na ikinagulat ng gwapo.
Makan hates hugs, pero p*tangina hinayaan niya lang ang pangit na lalaking 'to? kami nga hindi makayakap kay Makan tapos siya? parang nagseselos ako? pero si Xy ko ang mahal ko, kasi kay Zael na 'yan.
"Why are you doing here, Al?" nagtatakang tanong ni Makan pero tumawa ng mahina lang ang pangit na lalaki sa harap namin.
Siguro kung gising si Zael pangit, siguradong magsusuper saiyan 'yon lalo na kapag nakita niyang niyakap si Makan, parang naexcite ako biglang magising si Zael pangit.
"I'll explain later, but for now pumasok muna kayo ng friends mo" tumango lang si Makan.
"Nice meeting you guys, pumasok na muna kayo" bati niya habang may matamis na ngiti sa kaniyang labi.
Bumungad sa'min ang mala-hotel na loob ng bahay nila Makan, nagsitayuan ang buong balahibo ko sa katawan ng maramdaman ang lamig nito, malamig 'yon dahil sa aircon na nakita ko sa taas ng window glass nila.
Malalaking puting tiles din ang sahig nun at may malaking sofa na nakapa L-shape at isang glass na lamesa sa gitna, habang nasa likod naman niyon ay ang kitchen sinks nila, sa kaliwang banda naman ay ang isang hagdan, may table din sa gilid nun napahaba at may mga picture frame na nakalagay.
"I'll get you clothes, baka magkasakit kayo" umakyat n ng hagdan ang lalaki at iniwan kami sa sala na may leather sofa na gray.
"Dem, ihihiga ba namin si Zael sa sofa?" napalingon ako sa likod kung saan nakatayo sila Sol at Damon habang akay parin si Zael pangit, basa narin ang benda nito at nagkalat pa ang dugo, kaya mas lalo akong nagalala.
"Ask Makan first" sabi ni boss Dem at naupo sa sofa, umupo naman ako sa tabi niya at tumambad sa'kin ang 54 inches flat screen tv kung hindi ako nagkakamali na nasa harap.
Hindi naman halatang takot si boss Dem kay Makan nuh?
"It's okay" giit naman ni Makan.
"Makan? who's that guy?" napalingon ako sa kanan ko ng marinig ko si Xy ko, nakatayo 'yon at nakatingin kay Makan.
Napalunot naman ako ng makita ang medyong basang damit niya na hapit na hapit sa katawan niya na naging dahilan para mas lumantad ang shape ng katawan niya, syempre ganoon din 'yong sa ibang babae pero kay Xy ko lang ako naapektuhan.
"Did not I tell you? He's my childhood friend" sagoy ni Makan, pero parang may mali e.
"You didn't tell me na may gwapo ka palang childhood friend" sabi ni Xy ko na ikinasimangot ko naman, gwapo ba 'yon? wala ngang panama 'yon sa kagwapohan ko.
"Hindi siya gwapo Xy, nasa tabi ni Dem ang tunay na gwapo" napangisi ako, nakita ko naman ang pagngiwi ni Xy ko, pero hinayaan ko nalang.
Katulad ni Zael indenial lang 'yan sa kagwapohan ko that's makes me love her more, kasi ang ibang mga babae, pagnagsasabi ako ng totoo na gwapo ako kinikilig sila. Iba talaga si Xy ko, naiiba siya sa lahat.
"Childhood friend pero he's name is Alcinous and your second name is Aréte" nakacross arms na sabi ni boss Dem habang nakatingin lang sa tingala kung saan nakasabit ang malaking chandelier.
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Horreur"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...