V: Killed!

424 15 0
                                    

Ayzael's

"Parang may nangyayari yata sa baba" Naghahalong pagtataka at pagkalito ang nararamdaman ko.

"Bumababa na tay--"

"No!!! you stay here, pupuntahan ko sila Dem" pagpuputol ko.

"No! I'll go with you!" pagaalala ang nakikita ko sa mata niya, kaya wala akong nagawa.

Bawat hakbang na ginawa namin, puro tanong ang pumapasok sa isip ko dahil sa wala na ang ingay ng banda napalitan ng mga sigawan, I don't know but it's seems like a scream to me.

Walang estudyante sa loob ng building dahil sinarado ko ang pinto.

"Shit!" nanlaki ang mata ko ng makita ang nagkalat ang nagkakagulo at nagsisigawan na estudyante sa loob. Like a stampede.

"Z-Zael, W-what the hell is going on?" nauutal na tanong ni Mak, hindi ko alam ang isasagot sa tanong niya.

"H-help--Ahhggrrrrrghhhhh" Napatingin ako sa gilid namin ng may sumigaw na babae.

Halos nanlamig ang buong katawan ko, at 'di ko mapigilang mapaatras sa takot habang nakatingin sa lalaki na may ginagawa sa babae na nakadapa at humihingi ng tulong.

"Z-Zael! h-help her!" sigaw ni Mak sa gilid ko pero nanatili lang akong nakatingin doon.

My body refused to move but to step back

Naramdaman ako ang tigas ng lupa sa puwetan ko ng mapatid ako.

Takot ang bumalot sa buong sistema ko kahit wala akong ideya sa nangyayari sa paligid.

May nangyayari sa school at alam kung hindi 'yon maganda.

"Zael, Get up. Hanapin natin sila Xy" napatigil ako sa pagiisip at hinawakan ang kamay ni Mak na ngayon ay palinga linga na para bang may hinahanap, she's pale.

It's creepy like hell. Something is happening around us.

"T-T-Tara na" tumakbo kami gawing kanan. 

"M-Mak, anong nangyayari sa school?" tanong ko.

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang nakahawak sa kamay ni Mak.

Hindi ko alam kung nararamdaman niya ba 'yon, pero kinikilabutan talaga ako sa bawat palahaw na naririnig ko. Parang isang nakakakilabot na musikang pumapasok sa isip ko. I'd never feel this way before.

Sari-saring palahaw ang naririnig ko, nagtatakbuhan sa kung saan saang direksyon ang iba, ang iba ay nakakabunguan na namin, hinahanap ng mata ko ang mukha ng mga kaibigan ko, pero wala akong makita.

Napahinto ako sa pagtatakbo ng mahagip ng mata ko ang isang babaeng nakahiga at naliligo sa sariling dugo, Kahit gabi ay kitang kita ko ang umagos na pulang likido sa tiyan nito dahil sa liwanag ng buwan.

Hindi ko napigilang masuka, lamang loob ang nakikita ko na pinangalingan ng dugo na walang humpay sa pag-agos, para itong winakwak ng isang mabangis na hayop, mas lalo akong kinilabutan ng makita ang nagkalasog lasog na parte ng mukha nito.

"M-May n-nakawalang hayop ba sa Zoo?" nauutal kong tanong kay Mak, na ngayon ay nakatingin lang din sa babaeng tinitignan ko.

 "Zael, W-walang Zoo sa Hallosh City" pailing iling na sabi ni Mak, sobrang putla ang mukha nito, mas tumindi ang kilabot ko sa sinabi ni Mak.

Kung hindi hayop, ano 'to? Kilalang maraming puno ang Hallosh city pero kontrolado ng mga wildlife welfare ang mga kagubatan.

"Z-Zael,s-sila X-Xy, H-hanapin natin sila" napatingin kami sa isa't isa ni Mak, tama siya.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon