Nicer's
"Tara na" yaya ni Dem.
Muli kong hinawakan ang kamay ni Xy ko at inabot kami ng ilang oras sa pagiikot pero wala kaming nakita, nakailang pahinga narin kami at may pailan ilan din kaming nakakasalubong na eaters.
Nagugutom na ako pero si Dem ay hindi parin tumitigil sa paghahanap hanggang sa inabutan na kami ng gabi.
"Pagabi na, wala tayong magagawa kundi magpalipas ng gabi dito sa gubat" huminto kami sa isang malaking puno.
"Dem nagugutom na ako" reklamo ko kay Dem habang nakahawak sa sikmura kong kumakalam na, kaninang umaga pa kami walang kain, baka gutom na si Xy ko.
"Then let's eat" naupo siya sa malaking ugat ng puno, halos sumigaw naman ako sa tuwa at kumuha na ng pagkain sa loob ng travel bag na dala ko.
Puro prutas sa loob ng travel bag pagkabukas na pagkabukas ko at inabutan sila isa-isa, mabuti nalang at sa'kin pinadala ni Zael pangit 'yon.
"Tingin ko mahihirapan tayo makabalik ng Van bukas, nakakalito sa gubat na 'to" si Danwell habang nakasandal sa puno at kumakain.
"Kaya nga, kailangan natin magpahinga, We need an energy for tomorrow" katulad namin ay nakaupo at kumakain na din si Dem.
Tumahimik naman ang buong lugar maliban nalang sa mga kuliglig na maingay at mga sangang umiingay din.
Ilang oras din ay nawala na ang liwanag, dahil doon binuksan ni boss Dem ang phone niya.
"Magpahinga na muna kayo, ako ng bahala sa look out natin" suwesyon niya.
Sumandal ako sa puno sa likod ko at tumingin kay Xy ko na naupo at nakasandal din sa puno sa kaliwa ko katabi si Danwell na nakasandal sa balikat niya, akalain mo 'yon close ang dalawang ito.
Pumikit na ako ng biglang bumigat ang mata ko, I miss my parent na, and I hope ayos lang sila, at sana din makarating na kami bukas.
Pero tangina kasi hindi talaga ako mapanatag, hindi ko alam kung anong isiipin ko, mapapraning lang ako kung iisipin kung may nangyaring masama sa kanila, hindi ko lagi sinusunod sila mama at papa pero kahit ganoon mahal ko sila, at sana din ayos lang sila Zael pangit.
Dagdagan pa na nagalala talaga ako kay Xy ko, sana maging maayos na siya-- no! I'll make her fine!
Napadilat ako ng makarinig akong ingay.
Pero imbis na mga abnormal na nilalang, bumungad sakin isang lalaking tingin ko ay kasing edad lang namin na may hawak na malalaking baril na nakikita ko sa crossfire at counter-strike na nilalaro ko sa computer, nanlaki nang itinutok na lalaking 'yon ang baril sa ulo ko.
Gusto kong sumigaw dahil sa kaba, pero baka paputukin 'yon ng lalaki kaya tahimik lang ako, unti-unting tinataas sa ere ang kamay ko, nagaalalang napatingin ako kay Xy ko pero napahinga ako ng maluwang ng makitang natutulog parin 'yon.
Napatingin naman ako kay Dem na tulog pa at nagdadasal na sana ay magising siya.
"Huwag kang gagawa ng bagay na ikakapahamak mo" pagbabanta sa'kin ng lalaki habang nakatutok ang malaking baril sa ulo ko, sunod sunod ang lunok ko sa magagandang laway ko dahil sa kabang bumabalot sa malaperpekto kong katawan.
Tumingin ako sa gilid ng may marinig akong ingay doon, at ganon nalang ang pag-iling ko ng makita ang dalawang lalaking sa tingin ko ay kaedad lang namin na lumalakad na papalapit sa kinaroroonan namin.
"Anong kailangan niyo?" napatingin ako sa harap at nanlaki ang mata ko ng makita na nakatayo si Dem at tinutukan ng baril ang lalaki sa gilid ko..
Gusto kong matatatalon sa tuwa dahil mukhang may pag-asa pang mabuhay ang maganda kong lahi.
Pero agad din nawala ang sayang nararamdaman ko nang makita ang lalaking biglang sumulpot sa likod ni Dem at tinutuk siya nito ng baril.
"Ibababa mo 'yan o ipuputok ko 'to?" pagbabanta ng lalaki sa likod ni Dem.
Gusto kong matuwa dahil sa wakas nakakita narin ako ng M-4 carbine, dahil walang ganon sa gun shop na pinasukan namin kahapon, pero paano matutuwa ang gwapo kong nilalang kung maaring 'yon ang tumapos ng maganda kong buhay?
Kung hindi man kami mamatay sa mga eaters baka dito kami sa mga lalaking mukhang tatay naman kami mamatay. Suck life, ang hirap maging gwapo talaga, ka stress.
"I-Ibaba n-niyo i-iyan" napaangat ako ng tingin ng marinig ang isang pamilyar na boses para bang nabuhay ang pag-asang unti-unti ng namamatay sa loob ko.
"Walang masasaktan kung sasama kayo ng tahimik sa'min!" nanlaki ang mata kong ng marinig ang boses na hindi pamilyar.
Tumingin ako sa kanan at tuluyan ng mamatay ang pag-asang unti-unting palang nabubuhay ng makita ang pamilyar na lalaking nakatutok ang pistol kay Sol.
"Anong kailangan mo sa'min, Nathan?" tanong ni boss Dem habang hindi parin binababa ang pistol na hawak niya kahit na may baril na nakatutuk sa ulo niya.
Nanlaki naman ang mata ko ng mapagtantong si Nathan na leader ng Chaos gang na pinakakilala sa buong South at maging sa North, the worst is ang iba nitong mga member ay mga napunta sa juvenile rehabilitation.
Gusto kong maiyak dahil hindi ko naman inaasahang matatagpuan ko ang grupo nila sa buong magandang buhay ko, talaga bang masiyado akong gwapo kaya pati ba naman mga ganitong tao, hinahanap ako.
"That's not my story to tell" seryosong sagot ni Nathan habang nakatutok parin ang mga baril.
"Just--"
"WHAT IS HAPPENING?" nanlaki ang mata ko ng biglang tumayo si Danwell ko sa harap namin lahat habang palinga linga.
Nakaramdam ako ng takot ng makita ang takot sa mata ni Xy ko sa tabi ni Danwell, pero hindi 'yon ang kinakatakot ko, kundi ang maaaring gawin ng grupo ni Nathan sakanila.
"Fine fine! just don't hurt the girls! sasama kami sa inyo" binitawan ni Dem ang baril niya.
"Talian niyo at kunin niyo ang mga baril nila" utos ni Nathan sa dalawang kasamahan niya, napahinga naman ako ng maluwag dahil ng binaba na nila ang mga baril nila.
Tulad ng inutos ni Nathan tinalian kami habang nasa likod ang mga kamay namin, ganun din sila Xy ko, Sol at Danwell.
Pinalakad at pinasunod kami mi Nathan sa kanila.
Hindi naman kami nahirapan maglakad dahil may araw na at wala din kaming nakakatagpo na mga Eaters na ipinasalamat naman ng gwapong tulad ko.
"May alam ba kayo kung saan tayo dadalhin ng mga 'to?" tanong ni Sol sa likod, kapwa naman kami napatingin ni Dem sa kaniya, katabi nito sina Xy ko at Danwell.
"Hindi ko din alam, pero hindi tayo gagalawin ng mga 'to kung wala din tayong gagawin" sabi ni Dem.
Ilang oras din kami naglakad at mag pailan ilan din kaming nakakasalubong na mga eaters pero agad naman 'tong pinauulanan ng mga kasama naming mga lalaki, ano pa bang aasahan ko, wala nga yatang makakahigit sa kagwapohan ko.
"Hindi maganda ang kutob ko dito" giit ni Dem ng matanaw na namin ang sa tingin ko ay pagdadalhan sa'min nila Nathan, isang malaking patag at walang puno maski damo ang tumambad sa'min.
"Is that Mira's van?" nagtatakang tanong ni Sol ng makita ang isang Van na nakaparada lang doon.
Tulad ng inaasahan ng gwapo, huminto kami sa paglalakad sa harap ng slide door ng Van.
"Masama talaga ang kutob ko, Dem kailangan nating makaalis dito! hindi 'to highway at lalong hindi ito 'yong lugar na pinagiwanan natin ng Van" nangangambang ako.
Nakahilira kaming nakatayo habang nakaharap lang sa slidedoor ng van na nakasarado padin, katabi ko si Xy ko na may takot parin sa mukha niya habang sa kanan naman si Dem mukhang daga katabi naman niya si Sol na katabi si Danwell.
Kumatok si Nathan sa Slidedoor at ilang saglit pa ay bumukas ang slidedoor at inuluwa nito ang taong hindi ko inaasahan makikita ko ngayon, isang taong mukha palang ay napapangiwi na ako. Just... Damn!
"I miss you all! you miss me?"
BINABASA MO ANG
THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)
Horror"They died We will die But until then, lets stay together" I said. I'm just an ordinary boy, with an ordinary life-- that's what I thought, not in one day. Everything has changed, even the people around me, they literally changed. They became nightm...