LXIII: Xy?

84 3 0
                                    

Azyael's

"He's not--- he's not an eater Dem!" giit ko habang tulala parin at puno ng gulat ang buong katawan ko.

Halos mapaataras ako sa takot ng magsimulang tumayo ang nakamaskara mula sa pagkakaluhod nito.

"HE'S NORMAL!!! WE CAN'T GET THROUGH! TUM--TUMAKBO NA TAYO!" gusto kong mapasigaw sa inis ng nanatili silang nakatayo at walang ginagawa.

"RU-RUNNN!!!!!!" malakas na sigaw ni Dem ng unting unti lumakad papunta sa'min ang nakamaskara, dinig na dinig ko ang malakas na tunog ng sahig dahil sa paglalakad nito.

Automatic na gumalaw ang dalawang paa ko at tumakbo sa direksyon na tinahak namin kanina, agad ko naman hinatak ang nanlalamig na kamay ni Addieson habang tumatakbo, mga footstep lang ang naririnig ko habang tumatakbo kaming lahat.

Hindi ko na pinili pang lumingon sa likod, kinakapos na ako ng hininga pero hindi parin ako tumitigil sa pagtatakbo, kumaliwa ako at pumasok sa ikalawang pinto na dadaanan namin.

Mabilis akong tumingin sa likod at napahinga ako ng maluwag ng makita sila lalo na ang makitang hawak ni Dem si Mak.

Ramdamam ko ang pawis na tumutulo sa gilid ng noo ko, hingal na hingal kami ng makapasok sa isang kwarto.

"Where's Xy?" gitanongit ni Nicer, manlaki ang mata ko ng nilibot ang paningin ko at hindi ko makita si Xy.

"P*TANGINA NAMAN!! NASAAN SI XY!" malakas na sigaw ni Nicer habang galit, puputok na ang ugat sa leeg ni Nicer.

"WHERE IS XY!!!?" napatigil ako ng biglang sumigaw si Mak, takot ang mga mata nito at mabibigat ang paghinga.

Dumapo ang tingin sa'kin ni Mak.

"ZAEL, WHERE'S XY?" sigaw niya muli pero napakagat lang ako ng labi ko. Takot ang gumapang sa buong katawan ko ng maisip na baka nakuha--

"Cornelia is messing too" giit ni Danwell.

Si Addieson ay nanginginig parin habang nakatulala lang sa harap. Halos mapamura ako ng maaalala kong may sugat pala si Cornelia at hindi maka lakad 'yon.

"DON'T TELL ME NAIWAN SILA DOON!!" napasabunot nalang sa buhok ko.

"Let's find them" giit ni Dem.

"Damon, hold your twin! Zael, ikaw ang umaba kay Danwell, ako bahala kay Mak don't worry" nakatingin sa'kin si Dem.

"Nicer get up!! hahanapin natin si Xy, walang magagawa ang pagmumukmok mo dyan" bulyaw

ni Dem kay Nicer na ngayon ay nakaupo lang sa sahig at nakayuko.

"Nicer!!" sigaw ni Dem kaya iniangat ni Nicer ang mukha niya, napailing nalang ako ng makita ang tulalang mukha nito.

"Sol, iiwan natin ang bag dito at kumuha kayo ng tatlong baril at mga bala!" utos ni Dem ganon naman ang ginawa nila.

Tumingin ako kay Mak na ngayon ay nakatulala lang din habang nakaupo, umupo ako para magkapantay kaming dalawa.

"Mak, we're gonna find Xy, okay?" giit ko dahilan para paangat siya ng mukha at makita ko ang nangigilid na luha nito, nagulat naman ako ng makitang ganon si Mak, para siyang isang salamin na napaka fragile, malayong malayo sa Mak na kilala ko. Xy is really matter to her.

"Let's go!" lumapit na ako ngayon kay Danwell na ngayon ay nakatakip lang ang mukha gamit ang kamay niya.

"Dan, tara na"

Tinanggal niya naman ang pagkakatakip ng mata niya at kitang kita ko ang mga luhang walang tigil lumalabas sa mga mata niya, agad naman siyang napayakap sa'kin.

"Aba na!" tinanggal ang pagkakayakap niya sa'kin.

Tumingin ako sa paligid, nakaaba na din si Addieson sa likod ni Damon habang nakasobsob 'yon sa likod ni Damon, hawak naman ni Dem si Mak na ngayon ay nakatulala parin.

"And Guys don't ever let your guard down!" babala ni Dem ng lumabas na kami.

Tahimik lang kami kung saan tinatahak namin ang paselyong kinaroroonan namin, hindi naman kami nabigo at halos napasinghap ako ng makita ang nagkalat na dugo, walang kahit na ano puro dugo lang.

"XYYYYYYYY!" malakas na sigaw ni Nicer habang nakaluhod na.

"Nicer that's not Xy's blood, that's probably his!" hinawakan ni Dem ang balikat nito.

"Dem!! Baka napaano na si Xy ko!" nagsimula na umiyak si Nicer na parang isang bata.

"Zael! I'm-I'm scared!" bulong ni Danwell sa likod ko sa pagitan ng mga humihikbi nito.

"Don't be!! nandito kami!" sagot ko sa kaniya.

"Zael can you promise me? just this once? can you--- can you save and protect me? kahit ngayon lang ulit? please?" giit niya, napalunok naman ako sa sinabi niya, I'm scared on saving someone! I'm scared on promising! How could I promise on something I'm scared of? how I could promise something that I know I can't do.

"Dan---"

"Please, Promise me!" pakiusap niya kaya takot man ay tumango nalang ako!

I don't know kung kaya ko but she's my friend! and I don't want something bad happen on her, I just can't imagine her hurting.

"There's a blood! we can trace it, baka kinuha sila ng nakamaskara na 'yon" mas bumigat ang loob ko at mas tumindi ang pagalala ko para kay Xy.

Huwag naman sana na nakuha sila ng nakamaskarang 'yon dahil kahit saang angulo mo tignan dilikado ang nilalang na 'yon.

Nakita ko naman ang bakas ng dugo sa iba't ibang direksyon, pero mas marami 'yong sa isang direksyon kung saan ang isang paselyo sa kaliwa namin.

"What if hindi naman sila nakuha ng nakamaskara na 'yon?" tanong ni Damon pero umiling lang si Dem a harap.

"I don't know, maybe it's for good kung mapapatay mo na natin ang nakamaskara na 'yon bago natin mahanap sila if that's the case" sagot ni Dem habang tinatahak namin ang paselyong may mga bakas ng dugo sa sahig at pader.

Napatigil kami ng huminto iyon sa harap ng isang puting pinto, walang pagaatubili kaming tumakbo habang walang nagsasalita.

Dahang dahang binuksan ni Dem ang pinto at sinundan lang namin sila ng pumasok sila sa loob, pero nakakalimang hakbang pa lang ako papasok ng nanigas ang buong katawan ko ng tumabad samin ang duguang katawan ng babae sa isang malaking lamesa.

Napatakip ako ng bibig para mapigilang masuka ng mapagtanto kong isang babae iyon or maybe namamalikmata lang ako, siguro ay magkapareho lang sila ng suot ni-----

"Xy.... Xy?!"

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon