XVI: Who?

180 10 1
                                    

Nicer's

"Dem, magtatatlong oras na tayong naghihintay dito!"

Hindi ako mapakali, hindi ko magawang pumikit katulad ng ginagawa ni Dem mukhang daga ngayon.

Kung ano namang pag-aalala ko kila Zael pangit, siya namang kalnado at naghihintay lang.

Kung pwede iaalay ko nalang ang kagwapohan ko para maging maayos ang Hallosh city, ginawa ko na.

Namimiss ko na ang mga Manga at anime ko. I miss Gasai Yuno Tsk!

"D-Dem tama si Nicer, n-nagaalala na ako kay Makan, baka kung napaano na sila?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Xy ko, nasa likod siya kasama si Sol.

Gusto kong tumabi pero para saan pa?

"We can do nothing but to wait, dilikado sa labas, we just have to trust them"  umayos ng pagkakaupo si Dem.

May punto naman siya pero kas--

"DEM!!!!!!" sabay-sabay kaming napalingon sa gilid ng may malakas na humampas ng sasakyan mula sa labas, mabilis pa sa isang segundong binuksan ni Xy ko ang slide door.

Napataas ang perpektong kilay ko ng bumungad samin ang pawis na pawis na pangit na mukha ni Estellan kasama si Danwell habang hinahabol pa ang mga hininga nila.

Napangiwi ako sa mukha ni Estellan, napakapangit talaga nito. Nakakabwesit.

"Sila Zael?Nakita niyo ba sila?" bungad  ko matapos nilang makapasok sa loob ng sasakyan, saglit itong nagkatinginan sa isa't isa.

"We lost them!" mahinang sabi ni Danwell habang nakayuko.

"O-oh my God! M-Makan!--where are you..." puno ng pagaalala si Xy ko.

Napasabunot nalang ako ng buhok ko sa frustation, ano ba kasing ginagawa nila Zael pangit? nasaan na ba kasi sila?! nagaalala na ako sa dalawa.

Binigyan ng tubig ni Xy ko ang dalawa dahil sa hingal na hingal at pagod na pagod 'to.

"We have to wait for them!" pagbabasag ng katahimikan ni Dem mukhang daga.

"Until when?" tanong ni Estellan pinakapangit, 'di ko siya nakikita dahil nasa likod sila at kami ni Dem mukhang daga ang nasa harap.

Lumingin si Dem mukhang daga sa likod.

"Until they get back, if they didn't, then we will find them" sagot niya at katahimikan ang bumalot sa amin.

"M-Makan..." rinig kong bulong ni Xy ko na puno ng pag-aalala. Gusto kong paggaanin ang loob niya pero para saan pa?

Sulitin ni Estellan, dahil kukunin ko din sa kaniya si Xy. She's mine, mine alone.

Ilang oras pa ang lumipas, hanggang sa tumingin ako sa likod at mapayapang natutulog, kahit nanglumingon ako sa gilid ko ay nakapikit din si Dem mukhang daga.

Tumingin ako sa labas nagbabakasakali na may makita akong pangit na mukha ni Zael, pero napailing nalang ako ng kahit bakas nila ay wala akong nakita.

Pumikit ako at pinadaan sa utak ko ang lahat ng mga nangyayari sa'min simula kagabi, dalawang tanong lang ang pumasok sa isip ko. Ayos lang kaya ang mga magulang namin?Kailan ba 'to matatapos? Mahal pa kaya ni Xy si Estellan?.. Ay tatlo pala yun.





Ayzael's

"Psst!" napalingon ako sa kanan namin ng may narinig ako nagsisitsit.

I can't help but to smile in relief when we saw small door made in iron bars, mabilis akong naglakad papunta doon.

THE GLIMPSE OF HELL (Zombie Apocalypse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon